Aug 13
MOVIES ARE ALSO INSPIRING AND EDUCATIONAL by Gabriel the Messenger  |  Posted in Articles  |  on Fri, Aug 13, 2010

“Regrets are a waste of time”

“Never lose your childhood enthusiasm and enjoy your life”

Narinig na po ba ninyo ang mga inspiring phrases na ito? Tama po. Ito ay sinabi ng isang blond character sa movie na Under The Tuscan Sun. Sa pamagat pa lang ay pwede na agad may matutunan (educational) kung interested.

Halimbawa: Ano ba ang Tuscan? Ang Tuscan ayon sa Google is for Tuscany. Isang region sa Central Italy na located yata sa tabing dagat.
Inspiring rin: How about dreaming that someday you will have a chance to visit Tuscany, Italy with a loved one or your family?

For medyo mature females na single and living a medyo “boring” life right now, how about the movie Terminator One and Terminator Two.

Sarah Connors: Isang simpleng babae. Nagtratrabaho sa isang fast food restaurant. Halatang hindi rich dahil nangungupahan (living in a rented house) at mayroon pang roommate na malamang ay ka-share niya sa rent ng apartment. And instead of a car which is a must sa isang lugar na tulad ng U.S. of A., siya ay naka motorsiklo lamang.

Naging partner naman siya ng isang lalaki na galing sa future. Naging nanay siya ng isang batang lalaki (Si John Connor) na magiging isang bayani sa future. Nakulong rin siya sa isang mental institution (kulungan ng mga baliw) na pinamumunuan ng takbuhin at nerbiyosong doctor na si Doctor Silverman. Pinagtatawanan siya dahil sa kanyang mga kwentong hindi pangkaraniwan pero alam ng mga manonood na ito ay totoo. And she kept herself strong by doing physical excercises regularly dahil alam niya na one day siya ay may isang mission para sa buong mundo. At most of all, iyon na nga, lumaban siya physically at mentally, sa isang robot na galing sa future na kung tawagin ay isang “Terminator” na ginanapan naman ng maskuladong si Arnold Swarzenegger na ngayon ay governor na yata ng California.

Para naman sa isang lalaki na galing or involved sa military. Lalong-lalo na kung nasa intelligence group siya at isang piloto, ang pinakagusto naman namin sa lahat ay ang isang James Bond movie. Ito ay ang Tomorrow Never Dies. The introduction is outstanding.

Nasa isang lugar si James Bond kung saan nagkakaroon ng isang talipapa. Pero instead na mga ulam ang paninda, ang mga items for sale ay weapons of war and espionage (terrorist supermarket daw). Try watching the first eight minutes and forty seconds of the movie. Hindi na kami magkukuwento. Paki silip na lang po ito.

http://www.youtube.com/watch?v=ZZnkc1PJzD8

Pag hindi nag-hyper ang feeling mo, medyo manhid ka. I have tears in my eyes everytime I watch this part, pero I feel stronger at parang nagigising ang aking mga senses. Totoo po. “Back seat driver!” yan ang katagang binitawan ni James Bond after eliminating the competition.

Para naman sa isang ulirang ama o father, gustong-gusto namin ang movie na Life Is Beautiful (La Vita E Bella). Tulad ng nakasulat sa cover ng compact disc (CD). This movie is about “An unforgettable fable that proves that love, family and imagination conquer all.” Ang scenario ng movie ay isang giyera. Akalain mo ba namang, makulong ang nanay, ang tatay at ang nag-iisa at maliit na anak na lalaki. Nakakatakot ito sa totoong buhay ngunit ginawang laro lamang ng bidang ama ang kahirapan na dulot ng isang giyera. Namatay si tatay na nakatawa at hindi man lang nakaramdam ng takot ang kanyang maliit na anak dahil ginawa nga niyang isang game o laro lamang ang giyera.

Maganda pati ang ending ng movie dahil nagkita pa rin ang mag-ina against all odds.

Para naman sa isang batang lalaki na may pangarap, recommended namin ang pelikulang Billy Elliot. Can you imagine this? Gustong-gusto siyang maging boksingero na ala Manny Pacquiao ng kanyang tatay dahil iyon daw ang kanilang lahi. Pero siya naman ay ang pagsasayaw ng ballet ala Enchong Dee ang gusto. Dramatic ang dating ng pelikulang ito. Pero in the end ay nagtagumpay ang pangarap ng ating binatilyo at wala ng nagawa ang kanyang ama kundi sumangayon sa sariling pangarap ng kanyang anak. Inspiring!

Sa sports naman tayo. Para sa isang dating sikat na major league player na ngayon ay semi retired na dahil sa age, gustong-gusto naming ulit-ulitin ang movie na Major League Back To The Majors. Pero hindi lang ito tungkol doon sa coach. Very inspiring rin ito sa mga ibat-ibang klase ng players. May ballet dancer, may rookie, may teacher, at kung ano-ano pa. At siyempre, nandoon rin ang isang simpleng love story at ang walang kamatayang kontrabida na talaga namang kontra ng kontra sa ating bida.

Hindi ito magiging complete kung walang nakasingit na love story. Love story? Siyempre nasa unahan ng listahan namin ang pelikulang Jerry Mcguire with Tom Cruise at Renee Zellweger. Pag sinabihan ng isang binata ang isang dalaga ng, “You complete me” ewan na lang namin kung ano ang kasunod na mangyayari. Lalong-lalo na at talaga namang may namamagitan na magandang pagtitinginan sa ating dalawang bida.

How about the love story naman between a mortal man at an immortal woman sa pelikulang The Lord Of The Rings Trilogy Part III? Handang bitawan ng babae ang kanyang pagiging immortal makapiling lang ang kanyang minamahal na mortal. Kahit na ano pa ang gawaing paliwanag (which is true) ng ama ng babae. Love story talaga.

At marami pang iba. Nandyan ang Rocky series ni Sylvester Stallone. Pwede na rin ang mga pelikula ni Tom Hanks na tulad ng The Terminal at Forrest Gump.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/