Feb 16
EXPLOSIVE – MORE VICTIMS by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Feb 16, 2005

By Tess Clarin

Naging text victim lately si Mikey Arroyo. Nagalit daw si Mikey sa caterer for the FPJ poster. Eventually ay na-fire out daw ang caterer. Nag-deny na si Mikey nito kaya dapat tigilan na ang kapo-forward niyang text na yan. And lately, si Direk Gil Portes pa yata ang napagbintangan na originator ng malisyosong text. But, of course, Direk Gil denied it too and added that the incident was confirmed by the caterer. Teka, lumalabo ang usapan. Hindi namin ma-gets kung ano ang ibig sabihin ng confirmed by the caterer. Anyway, we are sorry that we didn’t receive such a text so wala kaming maipapakita sa inyo. Ibig sabihin siguro matitino ang mga text mates ko!

——————————

Another biktima is Ethel Booba. Cellphone video naman ng sex act nila ng PBA player na si Alex Crisano. Masyadong malaswa ang video at pati rin ang audio. This was already denied by Ethel and Alex but heard that Cristy Fermin was insistent na si Ethel Booba daw talaga yun. Hindi kaya dapat na pagsabihan ng MTRCB ang mga host na overstepping na? Halata naman masyado si Cristy Fermin sa pagsawsaw niya sa issue ni Ethel Booba. May sinabi pa si Ate Cristy na sinungaling si Ethel. Sabi naman ni Ethel, dapat daw nagre-report lang ang host at hindi nang-aaway. Ang fear ni Ethel ay baka tsugiin siya as host ng high-rating Extra Challenge. In fairness to Ethel, wala na siyang dapat ipakita pa dahil even before the cel video ay halos kita na rin lahat, di ba?

——————————

Adding insult to injury, suspended ng one month si Ethel sa shows ng GMA-7 due to indecent exposure (revealing clothes). The suspension was upon the recommendation of MTRCB. Pero hindi covered ng suspension ang hosting ni Ethel sa Extra Challenge. Kaya if I were Ethel isasali ko sa Extra Challenge si MTRCB Chair Laguardia!

——————————

Biktima pa rin. Gustong magdemanda ni Troy Montero dahil sa sex video na ipinalabas ng isang showbiz talk show. Mariin ang pag-deny ni Troy at sinabi pang gay video raw yun at hindi siya yun. Siguro nga kamukha lang ni Troy. Pero para ma-sure natin kung siya o hindi, sana i-replay yun sa TV dahil hindi ko napanood eh!

——————————

Aga Muhlach appears to be another victim of sorts. A certain Olivia Ortiz claims na nagpa-abort siya matapos mabuntis ni Aga. Matagal na raw itong nangyari kaya marami ang nagtatanong kung bakit ngayon lang lumabas ang kuwento. Of course, deny to death si Aga. “Baboy na,” Aga was referring to the showbiz media. Baka naman itong Olivia Ortiz na ito eh gusto lang makatikim ng libreng Jollibee!

——————————

Sa raging network war, inilampaso ng Let The Love Begin ang Dreamboy. Kung tutuusin hindi naman kasi parehas ang labanan. Let The Love boasts of Richard Gutierrez and Angel Locsin plus the popular duo of Jennylyn Mercado and Mark Herras while Dreamboy has Piolo Pascual and Bea Alonzo. By the way, parehong nakakuha ng B rating from the Cinema Evaluation Board ang 2 nasabing movies. That means na may 50% tax rebate sila. Magandang consolation din yan lalo na sa Dreamboy na naging nightmare sa takilya!

——————————

May nakarating na balita sa amin na nilangaw daw ang Let The Love Begin ayon sa isang showbiz talk show ng ABS-CBN. Huh, to quote Aga, babuyan na ba talaga? Sa totoo lang, sabi ni Mr. Dominic Du (ng Theater Association) ay inilampaso sa takilya ng Let The Love Begin ang Dreamboy. Siguro ABS-CBN got carried away in their dreams!

——————————

Side effect siguro ng network war ang interview kay Sexbomb dancer na si Jopay. Inamin ni Jopay sa showbiz program ng ABS-CBN na aalis na siya sa Sexbomb because of financial reasons. Sabi pa niya, lahat daw ng Sexbomb girls ay in need of money. That leaves a bad taste in the mouth, sabi nga. Nakatagal siya ng 4 years na ganun? Hindi kaya lilipat sa ABS-CBN si Jopay? Hindi kaya siya ang gagawing leader ng G-Girls? Teka, meron pa ba nun? Pero may ilang nagsasabi na kaya aalis na si Jopay sa Sexbomb kasi hindi na kasya ang ulo niya sa pintuan ng GMA-7!

——————————

Hindi maganda ang pick-up ng media sa mga pronouncements ni Sen. Bong Revilla and OMB Chair Edu Manzano. Sa totoo lang, feeling ko ay pinagsasabong silang dalawa ng ating media friends. May gusto lang linawin si Sen. Bong kay Edu para sa pagiging epektibo ng Optical Media Board against the rampant piracy. Sana tigilan na ng media ang pang-iintriga kay Bong at Edu. On second thought, wala kayang kinalaman ang network war? Sa GMA-7 si Bong at sa ABS-CBN si Edu, di ba?

——————————-

Last week pa itong balita tungkol kay Rosanna Roces but we intentionally withheld it until further confirmation. May subpoena na to arrest Osang. Nagmula ito sa kasong isinampa ni Dra. Vicky Belo. As of late, hindi raw matagpuan si Osang kaya presuming na nagtatago siya. Paano kaya ang hosting niya sa horse racing? Paano kaya kung makulong si Osang? Aba, eh di natuwa ang mga bilanggo!

——————————-

May I plug ang pakulo ng FILM ACADEMY. Join na ang public sa pagpili ng mga academy award winners. As of now ay CITING muna, ito yung pagpili ng one or several movies na sa tingin ninyo ay karapat-dapat masali sa semi-final list. Look to the right of this page, click nyo ang AWARDS SELECTION. After the Citing ay VOTING naman ang susunod. Diyan tayo pipili ng mananalong Best Actor, Best Actress, atbp.