Aug 06
NEWS TODAY by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Aug 6, 2010

Nakapanood na ba kayo ng news sa TV? If yes then you may have noticed the annoying idiosyncracies of newscasting today.

First of all are some archaic terms that are still being used in crime reporting like “pinaslang” or the phrase “binawian ng buhay” or “naliligo sa sariling dugo.” Ang tanong tuloy ng ilang estudyante ay kung iyun daw ba ay idiomatic o idiotic na newscasting.

Also irritating are the use of Tagalog words like respeto, solusyonan and resolbahin. Mga Tagalog ba talaga yan? Have we forgotten how to use paggalang and lutasin? Parang sumobra naman yata ang pagiging creative ng mga news writers. Meron pa ngang bagong word na episyente, to mean efficient.

But the worst of them all, Mike Enriquez, a topnotch newscaster, cannot even pronounce the word Guro properly. Ilang beses na itong pinuna ni Tia Dely Magpayo. Pronounce it like the Tagalog word for dress, i.e. baro.

Nakakainis na ang mga balita tungkol sa mga migrant Pinoys. Media is always on the lookout for successful Filipinos abroad. This is not a bad idea but considering that those former Pinoys are not Filipino citizens anymore, that’s shameful on our part.

Bakit kailangan nating angkinin na kababayan si Ana Julaton at Bryan Viloria? Sila ay mga boksingerong nagwagi kelan lang. Sa totoo lang, wala naman silang alam tungkol sa atin at hindi nga sila marunong magsalita ng Filipino.

Relative to the non-Pinoy athletes, ang isang dahilan ng ikinalaos ng PBA ay ang paglalagay ng napakaraming Fil-Ams o mga Amerikanong may dugong Pinoy. Mas gusto kasi natin syempre ang purong Pilipino, walang halo at walang daya.

Another no-brainer for the news program are the silly advice they give to the public. Example pagdating ng rainy season, they have a list of what to do as if there was no rainy season when we were born. Kapag tag-araw, may list na naman sila kung ano ang dapat gawin para maiwasan ang sakit o anupaman.

Pag may water shortage, there’s another list of how to conserve water. Sigurado ba tayo na ang staff ng news program ay sinusunod ang sinasabi nilang conservation of water? And another thing with the water shortage recently is the showing of unnecessary footages like people lining up to a faucet.

May isang nakakatawang incident related to the water shortage. Mike Enriquez called up Maynilad to report a leaking pipe in Quezon City. A certain Anthony of Maynilad’s call center took the call. Matapos sabihin ni Mike ang exact location ay tinanong siya kung ano ang landmark.

Mike was exasperated with the robotic attitude of that call center agent. “Wala man lang urgency sa boses.” Mike laments the fact na parang hindi siya kilala nung Anthony at bale wala kahit sinabi niyang on the air sa DZBB ang tawag na yun. Yan ang napala ng DZBB sa kanilang pagiging ma-drama.

Speaking of dramatic news reporting, there was a time na nagreport si Jiggy Manicad ng GMA-7 about the possible presence of anthrax sa isang package sa post office. To dramatize his point, nangati nga raw ang kamay ni Jiggy dahil sa paghawak sa package. And it turned out na ordinary books lang pala ang laman ng package.

In interviewing people, dapat ay piliin naman nila ang isasalang nila. There was a time na na-interview ang isang bata. Anak daw ng taxi driver na nagdaan sa White Plains bago patayin si Nida Blanca. Noong manalo si Noynoy as president, na-interview ang house maid ng kapitbahay nila. Ano ang relevance ng mga taong ito sa balita?

Ang bagong annoyance ngayon ay ang pagbasa ng mga comments sa Tweeter. Sana maintindihan ng mga news writers na hindi public opinion ang sinasabi ng ilang tao sa Tweeter. Besides, hindi ba nila alam na hidden ang true identity ng mga commenters sa Tweeter? Interested ka ba sa sinasabi ng isang incognito?

Minsan naman ay lack of materials. Madalas na paulit-ulit ang video footage ng isang news. Hindi lang nakakasawa ito kundi nakakaawa sila to consider na malaking network pa naman sila tapos wala silang maipakitang ibang footage ng news nila.

Meron ding mga no news like very small rallies. Ano naman ang relevance ng mga protest ng 8 katao sa harap ng bahay ng presidente? May dating ba sa viewers kung makita ang balita na naglalakad ang tinaguriang running priest nas si Fr. Robert Reyes na may bitbit na pingga kasama ang 10 katao?

Ang isa pang no news ay ang pagbalita kung ilang beses pumalakpak ang tao sa SONA ni President Noynoy. Ayon sa ABS-CBN ay 30 applause daw pero sabi naman ng GMA-7 ay 32 applause naman daw. Nabusog ba tayo?

May sense ba ang pag-feature ng mga record-breaking feats gaya ng pinakamahabang kalamay o pinakamaraming naghahalikan ng sabay-sabay? Interesting bang makita ang pagse-set ng record ng pinaka-maraming ina na nagpapasuso ng kanilang sanggol? On the contrary, maganda ang largest tarpaulin mosaic ni Tita Cory na inilatag sa Luneta noong July 31.

Sa mga confidential faces, bakit kailangan pang ipakita ang image ng rape victim o ng isang batang victim gayung naka-mosaic naman ang mukha o may takip kaya? Bakit hindi na lang magpakita ng ibang footage habang naka-voice over ang interview?

“Balitang walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lamang.” Yan ang slogan ng news reporting sa GMA-7. Hindi ba ito nakaka-insulto? Ibig bang sabihin na may probability na ang ibang news report ay may kinikilingan? At may pinoprotektahan? At hindi serbisyong totoo lamang?

Bilang panawagan sa mga writers ng news report sana maging objective at factual ang inyong balita. Huwag na ninyong dagdagan ng drama at huwag gawing sensational. Basta maiparating ang balita ay ikatutuwa na ng viewers.

Kaya next time na may bagyo, ibigay na lang ang forecast kung saan dadaan at kung kelan darating ang bagyo. Huwag na ninyong ipakita ang mga nakatira sa estero at ang mga walang makain na mga tao sa bundok.

Sana ang balita ay manatiling balita lamang at walang kadramahan.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/