Feb 16
SHOWBIZ NYAHAHA – STATUETTE CONTEST by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Feb 16, 2005

By Sandra Orros Co

Oops, wag mong iki-click ang mouse para lumipat ng page. Yes, you are on the right page with the wrong writer, huh! Naimbitahan po akong isulat ang topic ng FAP’s Name the Statuette Contest. Kaya mga katoto kong senior citizens out there, relax lang kayo at ako ito, at your service. This is all about the contest because 23 years na ang statuette without a name.

So now, let’s glance at the suggested names. At sa mga nag-submit ng entries, huwag kayong mapipikon dahil nyahaha lang ito.

Hindi biro ang 319 entries na natanggap ng FAPWEB. Bukod sa Metro Manila at Rizal, may nanggaling pa sa Pangasinan, Bulacan, Cebu, Baguio, Pampanga, Olongapo, Leyte, Cavite, Laguna, Bataan, Aklan, Davao, Quezon, Misamis, Tacloban, Iloilo, Samar, Camarines Sur, Camarines Norte, Isabela, Davao at Nueva Ecija. Meron kayang entry ang Abu Sayyaf at Jemiah Islamiah dito?

At bukod sa Pilipinas, meron ding entries na nagmula pa sa New Zealand, Texas, New Jersey, California, Qatar, Switzerland, Kingdom of Saudi Arabia, Germany, Canada at Thailand. Uhum, buti na lang walang galing sa ibang planeta. Pero I wonder bakit walang entry na galing sa Iraq?

At habang pinaghihirapan ng mga judges ang pagpili ng magiging pangalan ng Academy Award Statuette, atin namang balangkasin ang mga walang kakuwenta-kuwentang entries.

Champion sa paramihan ng sender ang NORA dahil 20 ang nag-submit nito. If this is an indication, sikat pa rin ang lola natin, di ba? By the way, Ate Guy is currently in the US, doon siya rumaraketā€¦ pambayad daw ng utang!

Malayong second place ang CLARA with 9 senders. Kadikit na pangatlo ang MARIA CLARA with 8 submitters at 7 ang nag-submit ng CARMEN. Medyo sensible naman ang mga names na ito, hango sa ating kultura. Kaya wala akong masabi.

May 7 sipsip na nag-submit ng GLORIA. Ang LUNINGNING ay 6 at tig-5 ang LUZVIMINDA, BROCKA, FILIPINAS, DIWATA, GABRIELA at NORA AUNOR as in Ate Guy. May tig-4 na senders naman ang ATANG, LAKAMBINI, MAHARLIKA, MARIA, MARIA MAKILING, SISA at VICTORIA. Ano kaya ang sasabihin ni Jose Rizal kung Sisa ang mapili? Siyempre wala kasi patay na si Rizal, di ba?

Marami pang entries na magkakapareho. So, alam na ninyo na kung manalo man ang entry ninyo ay isa lang ang mananalo, ha? Ibig sabihin, first-send-first-win, kung sino ang unang nagpadala ay siya lang ang mananalo. Example natin sa NORA, kung yan ang mapili ay isa lang ang winner niyan at sorry na lang sa 19 pa. Pero don’t worry, tingin ko walang panalo yan, nyahaha.

Atin namang tingnan ang iba pang entries. May nag-send ng BATIKAN, ginawa namang Dalmatian ang FAP Statuette. CINENA, parang ang sakit sa tenga. DAYANARA, oops, hindi puwede dahil parang dayaan ang tunog, di ba, Aga? Ang DULCINEA, eh bukod sa advertisement ang dating niyan eh baka ma-diabetes pa tayo. ESPI ang maganda kung sipsip ka sa Chairman ng FAP na si Atty. Espiridion Laxa. Merong pilit na pilit gaya ng FAPIA, FAPINAY at FILAC. Hmm, yung huli parang silver, ano? Eto ang maganda, FINO at FINA. Isa lang ang sender, naniguro pa. Ano naman kaya ang ibig sabihin ng GEEQUI? Teka, mag-iisip muna ko.

May mga sosyal na names gaya ng ISKA, MENGGAY at KIKAY. Meron ding KAKA. Yung isa naman LICIA. Ay, naku, mali cia, sorry. LOLA, hmm, baka puwede kaya lang bata pa ang Statuette. MELITA, parang maleta naman ang dating. Sino kaya ang sender ng NANCY? Hindi kaya si Sluggo? Meron pang PAROL LADY. Ano yan, parang bagong laya sa bilangguan? PELIKA, baka si Eddie Gil ang sender, ano? TAGAHANGA, baka tagahangal? TROFEENA, ay super pilit yata ito.

Merong 2 names na mukhang real names nila. SHADADLO at SOFIA. Yung Sofia, oo, legit name pero yung Shadadlo? Ano kaya ni Bro. Mike Velarde ito? Pero malay natin. There’s a thing called tsamba, di ba?

Sa kabila ng panlalait ko sa inyong mga entries, natutuwa ang pamunuan ng Film Academy dahil marami ang nauto, ehe, ibig kong sabihin marami ang nakisama at nakisaya sa ating pa-contest. Maliit lang ang premyo, 50,000 sa first prize, huh, teka, sa storyline contest pala yun. Correction, 5,000 pesos ang first prize natin, may 3,000 ang second prize at 2,000 sa third prize. Hindi pa nagkasya kaya nilagyan ng 10 consolation prizes na tig-1,000 pesos each.

At kahit sabihing 5,000 lang ang grand prize nito, aba, you will go down in history dahil iuukit ang pangalan mo sa Statuette natin. Kaya abangan ang inyong email dahil doon daw kayo babalitaan. At kung tinatamad mag-open ng email, pasyal na lang kayo dito sa www.fapbweb.org dahil tiyak namang ilalathala dito ang list of winners.

Congrats sa mga magsisipanalo, balato! Sa mga matatalo, puwede kayong bumawi. Join kayo sa Voting ng Academy Award winners. Check the announcement, puwede nyong piliin ang gusto ninyong maging Best Actor, Best Actress, atbp.

Doon naman sa mga hindi pa nakakabasa ng aking previous articles, look to your right and click the ARCHIVE link para dalhin kayo sa listahan ng previous articles. Just look for NYAYAYA and that’s it. Till then, Batuten, Arrivederci, Pichi-pichiā€¦ S.O.C.