Jul 30
COMEDY BAR-HOPPING by Mon Nepomuceno Orbeta  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jul 30, 2010

Nasubukan n’yo na bang pumasok sa isang sing-along bar kung saan ay nakaramdam kayo ng sobrang kaba dahil iyon ang first time ninyo na pumunta sa lugar na iyon? Lalo pa’t agad kayong papansinin ng emcee sa unang pagtuntong n’yo pa lang sa pintuan ng bar at sasabihin na “Come in, please come in! Welcome to Mental Hospital!”

Well, that’s the typical scenario once you enter a comedy bar, and no kidding, it’s an absolutely shocking and outrageous experience for every “first timer”. Sa tutoo lang, maraming natatakot pumasok sa isang comedy bar, dahil sa iba’t-ibang reasons, tulad ng natatakot na ma-“okray” o maging “butt of jokes”, o kaya naman ay takot mabansagang “gay” dahil noong early 90’s na nagsisimula pa lamang maging “IN” ang comedy bar ay nagkaroon ng perception na “gay bar” ito. Pero kapag nasanay ka na sa loob, wala ka nang gagawin kung hindi tumawa nang tumawa at malamang pa, sisimulan mo nang pasyalan ang iba’t-ibang comedy bars sa Metro Manila.

Nagsimula nga bilang mga sing-along bars, nang maglaon ay naging mga Comedy Bars na kung saan nanatili ang sing-along portion, pero dinagdagan na ng mga “emcees” (most of the time are gays) na nagiging mga “stand-up comedians” na rin.

Ang pinakasikat na mga “Comedy bars” sa ngayon ay ang “The Library” kung saan nagsimula si Allan K, ang “Music Box” kung saan naman kilala si Sonny Pinca (na naging mentor ng maraming stand up comedians na sikat ngayon) at ang “Clownz” na pag-aari ni Allan K at kung saan regular na nagpe-perform rin ang Sex Bomb Dancers.

Alam n’yo ba, sa ngayon ay marami nang sikat na comedians (and comediennes) sa TV at Movies na nagsimula muna sa pagiging stand-up comedians sa mga Comedy bars and sing-along bars?

Isa nga si Allan K, na ngayon ay regular emcee ng Eat Bulaga at lumalabas na rin sa mga movies. Nariyan din si Ate Gay na naging kilala sa panggagaya kay Ms. Nora Aunor, si Pokwang na madalas ay nasa mga TV shows ng ABS-CBN at lumalabas na rin sa movies, si Vice Ganda na ngayon ay sumisikat nang husto sa “Showtime” ng Channel 2, at marami pang iba tulad nina Ate Glow, Kim Idol, Michelle O’Bombshell at Chokoleyt.

Alam n’yo bang maging si Love Anover ay dati rin naging stand-up comedienne sa sing-along bar? Dumaan nga rin muna si Love sa comedy bar bago siya naging isang kilalang Talent and Reporter ng GMA7 kung saan ay mainstay siya ngayon ng Unang Hirit bilang Trafic and Field Reporter.

Nariyan din si Arnel Ignacio na nagkaroon na rin ng movies at maraming shows sa TV kung saan higit siyang nakilala sa “GOBINGO” ng GMA7.

Si Sonny Pinca naman na siya ngang nagsilbing mentor ng maraming “sikat” na stand up comedians ay sumubok ring pasukin ang pag-arte sa movies kung saan ay lumabas siya sa ilang pelikula tulad ng “Darna” ni Nannette Medved. Ngunit mas pinili na lamang ni Sonny Pinca ang comedy bar (Music Box, Timog) kung saan sinasabi niyang first love niya, at sabi pa niya, masaya na raw siyang nakikitang nagtatagumpay sa larangan ng telebisyon at pelikula ang kanyang mga “anak” (tawag niya sa mga tinuruan niya).

Ngunit sa lahat ng mga stand-up comedians na pinasok ang larangan ng TV at movies, at maging ang concert scene, ang pinakasikat na yatang “anak” ni Sonny Pinca ay tinatawag niyang “Ang Pambansang Baba”.

Isang gabi noon, kasama ang lahat ng tao sa aming opisina, nag-nightlife kami at naisipang pumasok sa comedy bar. Medyo kinabahan kami dahil, pagpasok pa lamang namin sa pintuan ng bar, agad na kaming binati ng emcee ng gabing iyon na si Sonny Pinca. “Please Come in! Welcome to Mental Hospital!” wika nito. Nagtawanan na ang lahat ng tao sa loob. Nang makaupo na kami (naupo kami sa bandang unahan malapit sa stage dahil doon na lang may mga bakante), akala namin ay muli nang papansinin ni Sonny Pinca ang kakanta na babae na nasa stage na nang kami ay dumating.

Pero ang pinansin niya ay ang sekretarya naming si Joy, “Hoy bongga ka ha, biro mo ka-date mo lahat ‘yan, ikaw lang ang babae sa grupo n’yo ah,…sabagay di ka naman mukhang babae so okey lang.” sabay bawi “Hoy joke lang ha. Bawal ang pikon dito. Sabi ko naman sa inyo, mental hospital itong napasukan n’yo!” Nagtawanan na lang kami sa panlalait niya. Nagtakip naman ng bibig niya si Joy habang pinipigil ang pinaghalong tawa at hiya.

Muling pinansin ni Sonny Pinca si Joy, “Hoy! ‘wag mong pigilin yang tawa mo, sige ka lolobo ‘yang sipon mo d’yan sa ilong mo.” Tawanan na naman ang mga tao. Bigla niyang naalala ang babaing nakatayo na sa stage para kumanta. “Nandiyan ka pala, bakit kasi di ka kumikibo, para kang tuod dyan, di tuloy kita napansin.”

Tawanan muli ang mga tao, nahiya naman ang babae at aatras na sana pero agad siyang hinilang pabalik ni Sonny sabay sabi “O nag-inarte pa ito oh. Huwag ka ngang ganyan at di bagay ano, di ka naman kagandahan kaya wala kang karapatang mag-inarte.” (Iyon ang first time kong narinig ang “di kagandahan” bago pa naging palasak na ginagamit ng masa).

Lalong nagtawanan ang mga tao. Pero biglang inakbayan ni Sonny ang babae sabay wika “ Biro lang yun ha, sa totoo lang maganda ka naman, di nga lang talaga kagandahan”. (Tawanan muli ang lahat.)

Nang gabing iyon, umawit si Sonny Pinca ng kanyang “signature song”, ang “Conga” (Originally Performed by: Gloria Estefan & Miami Sound Machine), at di nagtagal dumating din si Arnel Ignacio na umakyat din sa stage at ipinakita ang husay sa pag-awit.

Bago maghating-gabi, nag-announce si Sonny Pinca na dumating na raw ang babaing nagtataglay ng “Pambansang baba ng Pilipinas”. Ang babae raw na ito ay nasa kanto pa lang ng Timog at Quezon avenue, nakikita na raw ang baba sa pintuan ng bar.

At lahat nga ng tao ay naghintay kung sino ang papasok, na wala ngang iba kungdi si Ai-ai de las Alas na agad umakyat sa stage at bumati pagkatapos ay umawit ng “Do you know the way to San Jose”. Habang kumakanta ay gumiling ang katawan nito sabay turo sa isang lalaki sa harapan, “Ito oh, grabe kung makatingin sa pusod ko, may pagnanasa ka sa akin ano? Ganyan talaga ‘yang pusod ko, may sariling buhay ‘yan.” Mabili ang ad-lib na iyon at tawanan muli ang lahat.

Sa ngayon nga, dinala na sa telebisyon ang style ng pagpapatawa na iyon sa mga comedy bars, at sa GMA7 ay nagkaroon na nga ng show na pinamagatang “Comedy Bar” kung saan sina Eugene Domingo at Allan K ang mga emcees. Sa nasabing show, naroon rin ang sing-along portion, ang stand-up comedy, at pang-o-“okray” sa mga taong nanonood ng “live”.

Kaya’t kung tila may pagka-“gelotophobic” kayo o kaya naman ay wala kayong lakas ng loob na pumasok sa mga sing-along at comedy bars, ngunit gusto n’yo pa ring ma-experience ito at matawa, maaari na rin ninyong gawin ito sa panonood sa TV sa nasabing show. Ang kaibahan nga lang, may censorship sa TV at sabi nga “You would not know what you’re missing” dahil talagang malaki ang difference ng panonood sa mga mahuhusay nating stand-up comedians nang LIVE sa mga comedy bars kaysa sa TV. At ito pa ang masasabi ko sa inyo, kung sa TV pa lang (na scripted madalas) ay napapatawa na nila kayo, what more kung walang “censorship” at nagpapatawa na sila “about any topic under the sun”, di ba? (Watch a mild version of a stand-up comedy: http://www.youtube.com/watch?v=cEqXdVArH4A&feature=related)

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag- e-mail sa:monorbeta@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/