Jul 16
COOKING: ANOTHER FORM OF ENTERTAINMENT by Gabriel the Messenger  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jul 16, 2010

Pwedeng ito ay tungkol sa isang labanan ng mga tunay ng mga eksperto sa pagluluto tulad ng Iron Chef. Pwede rin itong promotion ng isang product na pang halo sa mga niluluto na tulad ng Sarap at Home (San Marino), My Favorite Recipes (Carnation Evap), at Quickfire (Ajinomoto). Eto ang medyo bago, The Celebrity Cook Off, kung saan dalawang artista na hindi marunong o magaling magluto ang panonoorin nating magluto. Kitchen Battles na para rin yata sa mga expert na cook (locals) pero hindi kasing tindi ng Iron Chef. Mga teleserye na tulad ng Magic Taste, King of Cookery at Jewel in the Palace.

Paano sila nagiging entertaining? Kailangan kasi ng tao ang food para kumain kaya dapat lang ay magkaroon siya ng interest (kahit kaunti) kung tungkol sa food ang pina-uusapan. Pero some people are called gourmets. Ito ang mga tao na talagang nakaka-intindi at eksperto sa mga masasarap na pagkain at inumin.

IRON CHEF
Medyo madali ito. Mga tunay na champion sa cooking ang maglalaban. Nakatakip pa ng kumot ang special ingredients for the day para ipakita sa mga manonoood na walang clue ang mga contestant kung ano ang lulutuin nila for today. Kung minsan ay ang mahal na lobster. Kung minsan naman ay ang simpleng manok o hipon. Gulay na tulad ng broccoli. At kung minsan naman ay isda. Exciting ang isang ito. Marami rin kasing nanonood na mga expert at paminsan-minsan ay tinatanong sila para sa kanilang mga comments.

SARAP AT HOME
Although ito ay isang product endorsement, mahahalata naman na very serious sila at kitang-kita na mayroon pa silang iba-ibang script para sa bawat show. Kung minsan ay kunyari na mayroon silang pupuntahan at ang kanilang lulutuin ay ang kanilang magiging baon. Pwede rin naman na kung minsan ay may nag a-apply para maging isang household help (katulong) at susubukan kung marunong siyang magluto.

MY FAVORITE RECIPES
Dati-rati ay mag-isa lang si Aileen Anastacio sa kanyang pagluluto kaya parang medyo may kulang. Biruin mo, ikaw ang magluluto, ikaw ang kakain, tapos sasabihin mo ang sarap. Pero lately ay napansin namin na mayroon na siyang mga guests. Puto with cheese toppings (big slices) at shrimp curry with mushroom at gata ng niyog. Ang sarap siguro noon at pwedeng-pwede sa mga tao na medyo hindi masyadong mahilig sa meat for health reasons and the likes.

QUICKFIRE
Ten minutes of cooking time. Ito ang promise ng television show na ito. Siyempre naman, nakahanda na ang mga recado para magkasya ang ten minutes. Hosted by Rosebud Benitez, very entertaining rin. Masarap ang mga niluluto niya. And to add variety sa kanyang show, dumadayo sila sa iba-ibang lugar. Tulad ng Quezon province na malapit sa dagat para sa mga pagkain na gagamitan ng mga seafoods na tulad ng isda, alimango at kung minsan ay mayroon pa yatang eel at catfish.

THE CELEBRITY COOK OFF
Paano ka namang hindi mae-entertain dito. Mga kilalang artista ang guest para magluluto at matatawa kang talaga dahil pritong itlog lang ang lulutuin eh, medyo magkakaroon pa ng drama or comedy of errors.

MAGIC TASTE
Isang Korean telenobela about a secret recipe that is handed down from generation to generation. Malalaman mo lang ang secret recipe na ito kung magiging member ka ng family. Meaning, makakapag-asawa ka ng isa sa kanila. Similar siya doon sa isang napakagandang Singapore telenobela rin with the title Women of Times. Dito naman ay isang member nila, si Jonathan, na married sa isang family member, ang secretly na nagbebenta ng sauce with the secret recipe sa kanilang competitor.

KING OF COOKERY
Nagkaroon ng isang teleserye sa television, pero mayroon itong original na movie na ginampanan ng superstar comedian na si Stephen Chow. Grabe ito. Ginamit o isinali ang discipline sa martial arts para maging isang magaling na cook. Sinamahan pa ng mga very funny characters tulad ng babaeng supporting actress who is wearing over-sized and crooked false teeth. Matindi rin ang mga gumanap na kontrabida, lalo na ang kalaban sa finals na kung saan siya rin pala ay dumaan doon sa cooking school na pinagdaanan ng bida. Budha Jumps Over The Wall. Yan ang tawag sa isang recipe doon sa show na talagang magkakaroon ka ng interest kung isang tao ka na medyo mahilig mag luto.

JEWEL IN THE PALACE
May kasabihan about saving the best for the last at naniniwala kami na isa ito sa best. Although in the end ay naging medical doctor (which is very interesting pa rin) ang ating bidang babae dahil sa hinihiling ng mga pagkakataon, ito ang isa sa mga pinaka-magandang teleserye that includes cooking. Mayroong contest na kung saan ang hari o reyna ang kakain ng niluto ng mga cook at ang hari (king) o reyna (queen) rin ang magsasabi kung kaninong luto ang kanyang nagustuhan o mas masarap ayon sa kanyang panlasa. Sino ang makakalimot sa mga eksena tungkol sa persimmon vinegar na ibinaon sa lupa para ito ay maging masarap na panghalo sa ulam.

Very interesting rin ang kwento dahil nag-aral mag luto ang bida at a very young age para maging isang tagaluto ng palasyo. Naging hit talaga ang teleseryeng ito at napuyat nang napuyat ang maraming family, GTM’s family included, sa kasusubaybay ng teleseryeng ito. Inilagay na kasi yata siya sa 11:00 p.m. slot. Nandoon siya sa dulo. Meaning, kailangang panoorin halos lahat ng palabas para mapanood ang adventures ng favorite na bida na si Jang-Geum at ang mga kontrabida na talaga namang nakakatakot at nakakainis ang kanilang mga pamamaraan.

http://www.youtube.com/watch?v=lOrKrTlNF6A&feature=related


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/