Jul 16
SMOKING NOY by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jul 16, 2010

Sa pag-upo ni President Noynoy, ang isang issue na pinagtuunan ng mga walang magawang media people ay ang smoking habit ng ating bagong pangulo.

Si President Noynoy ay nalagay sa hot spot dahil mismong DOH (Department of Health sa pangunguna ni Sec. Esperanza Cabral) ang nang-iintriga sa kanya. Pilit na pinalalaki ng DOH ang issue sa inaakalang mapipilitang huminto si President Noynoy.

Pati si US President Barack Obama ay nagkaroon din ng involvement. Nag-offer daw ng advice si Obama para hindi mahirapang mag-quit si President Noynoy. Si Obama ay dati rin kasing smoker.

Ang sagot naman ng bagong pangulo ay may panahon para dyan. In other words, may balak din siyang itigil ang smoking habit pero hindi sa ngayon dahil matindi raw ang pressure sa trabaho at baka makasama lang kung ihihinto ang pagsisigarilyo niya.

Kailan lang ay itinigil ni Pilita Corrales ang kanyang long time vice of smoking. “After what seems like a million years,” dati ay isang kahang sigarilyo ang konsumo ni Pilita, that’s 20 sticks a day.

Ang isang disadvantage of smoking sa singer na katulad ni Pilita ay ang effect ng usok sa boses. Dahil siguro sa nicotine na nakakapit sa throat kaya ang boses ay mas mababa ng one key.

Si Joey De Leon ay isa ring smoker at enjoy siyang magsigarilyo sa piling ng mga kasama sa trabaho. Smoking break ang tawag nila sa ganun. Ang isa pang celebrity smoker ay si Maxene Magalona. Asahan mong pagtuntong ng Starbucks ay didiretso siya sa smoking area.

Bakit ba may sigarilyo kung pure evil ito?

Teka lang muna. Sa kabila ng mga batikos sa sigarilyo ay meron din palang advantages o kabutihan itong naibibigay sa tao. Una, ang nicotine sa loob ng sigarilyo ay relaxant o pampa-kalma kapag ito ay nanuot na sa bloodstream. Kaya may kasabihan na napapalakas ang pagsisigarilyo ng isang taong kinakabahan

Ang isa pang kabutihan ay ang pagpapalakas ng immunity laban sa mga elementong sanhi ng allergy. May mga taong allergic sa alikabok o usok dahil mahina ang tolerance nila sa elements. Ang smoker ay hindi iindahin ang mga elements dahil mataas ang kanilang immunity.

Incidentally, National Allergy Day noong July 8, 2010.

“An allergy is an abnormal reaction by a person’s immune system against a normally harmless substance,” ayon sa editorial ng Manila Bulletin. The most common allergens include pollen, dust, mold, animal dander, animal hair, insect stings, food and medicines.

“The common allergy symptoms are sneezing, itching of the eyes, cough, sore throat. hoarse voice, popping of the ears and blueness of the skin. And the most important in allergy treatment is avoiding the allergen.”

Does this mean that a smoker is not vulnerable to allergens? Malamang. Dahil ang usok na pumapasok sa lalamunan ng smoker ay parang lason na nilalabanan ng katawan. At dahil sa pag-produce ng pangkontra sa lason kaya nagkakaroon ng dagdag na lakas ang katawan ng isang smoker.

Balik sa smoking, cold turkey ang tawag sa biglang paghinto. Pero meron itong mga side effects sa physical at pati sa emotional din. Ang most common ay ang lethargy o bahagyang panghihina at pananamad.

Other common side effects are dizziness or vertigo, anxiety o nerbiyos at hindi mapakali. At syempre ang pinakamahirap sa lahat ay ang pagpigil sa desire to smoke. Ang paghahanap ng sigarilyo ang talagang kalaban ng quitter.

Kaya mahalaga ang environment sa paghinto ng sigarilyo dahil malaki ang influence ng kapaligiran. Sa case ni Pilita, suwerte naman na nag-quit din sa paninigarilyo ang kanyang musical arranger. Si Joey De Leon at si Maxene Magalona ay may mga “classmates” sa paninigarilyo kaya mahihirapan silang mag-quit ng smoking habit.

Ang isang unusual case alam ko ay nang mag-quit ng smoking ang co-writer namin sa FAP website. Umaga ng June 29, 2007 nang sumakit ang tyan niya dahil sa kabag daw. Pero kakaiba raw ang sakit ng tyan niya at parang feel niya na ang nicotine ang sanhi.

Right there and then ay nag-stop siya ng smoking. Wala naman daw siyang naramdaman na side effect whatsoever. How about the craving? Wala rin. Kaya nga sabi ko, it was an unusual case dahil parang walang suffering nang mag-quit siya. And to think that his habit was more than 30 years old.

However, in the course of time ay napapansin niya na dumadami ang food intake niya. And after one year, very noticeable na ang weight gain niya – from 130 to 150 pounds. Iyun nga ang side effect sa kanya – increased appetite for food.

Ang nicotine daw ay nakakabawas ng panlasa – reduced appetite ang resulta kaya ang mga smoker ay hindi gaanong maganang kumain. Pero may kinalaman din ang metabolism dahil ang nicotine ay nakaka-pagpabilis ng metabolism kaya madaling matunaw ang fats sa katawan ng tao.

And as for the negative effects of smoking, nangunguna ang cancer. But is it? That’s debatable dahil ang cancer ay genetic, di ba?

Sabi nga ng isang smoker friend, “I quit smoking to prolong my life. At least lessened ang risk ko sa throat cancer.” But ten years after quitting, breast cancer ang tumama sa kanya. “Kaya ibinalik ko na lang ang smoking ko,” she said with sarcasm.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/