Feb 09
EXPLOSIVE – ANOTHER VICTIM by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Feb 9, 2005

By Tess Clarin

Lucy Torres is another victim of the dreaded email tsismis. May sumulpot na kopya ng kalokohang email sa mailbox namin. And would you believe, galing pa sa Australia? We are printing it verbatim.

si lucy torres (asawa ni richard gomez), nagshashopping sa rustan’s. tapos maya-maya, nilapitan nung manager. eto ang dialogue: manager: ma’am, can we check your bag? lucy: no, this is my bag. it’s private property. you don’t have the right to inspect it just because you feel like it. manager: actually, ma’am, since you’re in our premises, we have every right to inspect it. bumigay na rin finally si lucy. AT may nakitang perfume or wallet or watch or something, di ko na maalala, dun sa bag niya. tapos tumawag yung manager kay richard gomez at ibinalita na “sir, we caught your wife shoplifting.” at ang sagot ni richard ay….buntong-hininga sabay “shoplifting? again?” so pinagbayad lang naman ang mag-asawa, pero hindi na ginawan ng storya.. at yan daw ang dahilan kung bakit mejo mabait si richard gomez sa ABS-CBN ngayon. kasi ABS owns rustan’s or they have a relationship or something (i really don’t pay attention all that well, hehe), so kapag napikon ang ABS kay richard gomez, pwede nila ilabas yung surveillance tape of lucy bagging the…umm, something.

Sabi nga ng mga Amerikano, nasty. Sabi ko naman, walang ganyan sa States!

——————————

Balak daw magdemanda ni Richard Gomez laban sa press people na nagkalat ng balita. Naku, yan ang isa sa pinakamahirap gawin – ang ma-pinpoint kung sino ang nagkakalat ng tsismis. But for sure, hindi ako, ha?

(Ed’s note: Richard denied, tinawanan lang niya at hindi raw siya magdedemanda.) ——————————

Sad naman ang news about Nora Aunor. Panay daw ang raket ni Ate Guy sa Amerika dahil napakaraming utang, hindi lang dito kundi pati doon sa US. According to our informant na hindi naman talaga reliable, sa casino daw napupurdoy ang bulsa ng lola nating superstar. O baka naman yung kasama niya ang pumupurdoy sa bulsa niya!

——————————

Nasangkot sa car accident si Baron Geisler. According to the blotter, may driver si Baron pero according sa mga witnesses si Baron ang nagmamaneho at lasing. Nag-file ng formal complaint ang nabangga ni Baron at pinagbabayad siya ng 30,000 pesos sa damages. O, Vandolph, hindi ka nag-iisa!

——————————

Napakasama ng nangyari sa birthday celebration ni Richard Gutierrez. Hindi pala basta nasuntok lang si Richard. Ang nakasama ay ang pagganti ng mga friends ni Richard sa assailant. Dahil 2 suspect ang gulpi-sarado na nagkataong innocent pala. In other words, hindi pa talaga identified kung sino ang assailant ni Richard. Kaso nga, yung 2 innocent guys ay nabugbog nang walang kalaban-laban. Aba, if this is an indication, talagang papatok ang mga action movies ngayong taon!

——————————

May bagong issue na naman against a politician. This time si Rep. Diaz ang nasa hot seat. Kinakasuhan siya (sa media lang naman) ng Viva Hot Babe na si Ana Lea Javier. Hiniya raw ni Congressman si Ana Lea sa harap ng mga tao sa pagsasabing hindi naman si Ana Lea ang gusto niyang ma-invite. At dahil mali nga ang ipinadalang artista kaya half lang daw ang ibinayad kay Ana Lea. Ang puntos naman ng Hot Babe, sa resthouse daw sila dinala at gusto pa yata ng Congressman na doon siya patulugin. Well, there are 2 sides of a coin. But definitely hindi coin ang 50,000 pesos na talent fee ni Ana Lea, ha?

——————————

Ganti naman ng GMA-7 sa reformatting ng kalaban bagong hosts ng 3R, a new Sunday morning show. Respect, Relax, Respond ang ibig sabihin. Mukhang experimental ang blend ng hosts na si Maxene Magalona , Bettina Carlos at Iza Calzado. Feminist ang dating nito kaya sorry na lang sa mga boys.

(Ed’s note: Maxene is replaced by Chynna Ortaleza) ——————————

Magandang halimbawa si Piolo Pascual sa mga kabataang artista. Marunong sa buhay si Piolo dahil inilalagay sa negosyo ang kanyang mga kinikita. Magandang fallback nga naman ang negosyo kung sakaling malaos. Part-owner si Piolo ng Mocha Blends, isang coffee shop sa Morato Street, Quezon City. Bukod pa yan sa P-Plus water station niya. Yan ang tunay na DREAMBOY!