Jul 09
DEATH DEFYING STUNTS: ANOTHER FORM OF ENTERTAINMENT. by Gabriel the Messenger  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jul 9, 2010

Tumutulay sa alambre.
Kumakain ng bubog and/or blade.
Nagbubuga ng apoy.
Humahawak at ipinupunas pa sa mukha ang mainit na mantika.
Tumatalon ng pagkataas-taas.
Bumabasag ng niyog sa pamamagitan ng ulo.
Naglalaro ng mga kutsilyo, ahas, pako at iba pang hindi dapat pag-laruan.
Tinutusok ng mga aspile at hooks ang sariling katawan.
Kumakain ng maraming siling labuyo. (chili peppers)
Pag bitin sa isang harness ala Robin Padilla.
Meron pang lumululon at pagkatapos lalabas monggo beans sa mata.

Iyan po ang mga examples ng mga death defying acts na madalas nating makita sa mga sari-saring talent search shows sa television today.

Marami po ang sumasali dahil malaki naman ang mga premyo. Ranging from five thousand pesos per contestant sa isang weekly na labanan and up to two million pesos sa isang championship finals.

Ang tanong: Should it be encouraged or discouraged?

Showtime, Channel 2, June 23, 2010. Isa sa mga contestant na group of dancers ang gumawa ng medyo may kahirapang stunt at they failed to execute it safely. Hindi naman masyadong mataas. Parang hindi rin naman masyadong mahirap, pero as we reviewed the replay, mukhang the dancer failed to land properly. Parang nauna ang kanyang likod at kitang-kita ng mga manonood na may katagalan bago naka-bangon ang dancer.

In that few seconds, how would you feel kung isa ka sa mga nanonood? Paano na lalo kung ikaw ay isang malapit na kamag-anak (like a parent or a brother) ng nasaktan na contestant?

And this is the reason that we wrote this article.

Iba-iba ang naging comments ng mga judges pero ang nakatawag ng aming pansin ay walang iba kung hindi si Vice Ganda.

Nahirapan daw talaga siyang mag-isip at magdecide kung ano ang kanyang magiging comment sa nangyari. Sila raw kasi ay pinagbilinan ng staff to choose a winner based on who is the most entertaining. Pero paano naman daw siya mae-entertain kung makikita niya na may nasaktan? Paano daw siya magiging masaya kung mayroon siyang nakikita na hindi makatayo due to accident? Kahit gaano pa ito kagaling, kung magbibigay daw kasi siya ng mababang score, pwede daw sabihin ng mga tao na nasaktan na nga ang contestant dahil sa ginawang mahirap na stunt, mababa pa rin ang ibinigay na score.

Kung magbibigay naman daw kasi siya ng mataas na score baka naman daw sabihin ng mga tao na siya ay naawa lamang kaya nagbigay ng mataas na score. Tapos baka daw may mga sasasali na gagawa ng mas malala (more death defying) na stunt. Hoping na makakakuha rin sila ng mataas na score to win the prize money.

And Vice Ganda started to share a story. During daw sa latest concert nila sa Araneta Coliseum na sa palagay namin ay noong May 15, nangako daw siya sa kanyang mga fans ng isang kakaibang (agaw buhay or death defying stunt) palabas. At ito pala ay ang pagbitin-bitin niya sa isang harness sa loob ng Araneta Coliseum. Pero during the practice ay mukhang may accident na nangyari. Nalaglag yata si Vice Ganda.

Dahil dito, kinausap raw siya ni Ann Curtis at Vhong Navarro, na hindi niya kailangang gawain ang ganoon (isabit sa harness) para ma-entertain at ma-impress ang mga tao.

And so, nalungkot raw si Vice Ganda at umiyak dahil hindi na niya iyon nagawa which was supposed to be the highlight of the concert. Napahiya siya ng isang gabi, pero it is worth it. Dahil ang important ay buhay naman siya today.

Ganoon na rin daw sa contestant na nasaktan. Vice Ganda will not encourage death defying stunts sa Showtime. Baka raw pag binigyan niya ito ng mataas na score, other contestants will follow and do a more dangerous stunt. Baka maging pataas ng pataas ang tatalunin ng mga sasali.

Paano kung may masaktan? Kasya daw ba ang fifty thousand pesos na premyo para sa isang nasaktan o higit pa. Oo nga naman.

And so, Vice Ganda gave a final score of four (4). Sa isang contest na lima ang judges at ten (10) ang highest score per judge for a total of fifty points (50), malamang na talo na nga ang group pag binigyan ng four.

Sabi nga ni Vice Ganda sa kanila. Talo kayo today, pero buhay pa kayo. Pwede pa uli kayong mag perform sa ibang araw para manalo. Pasencia na.

We are now a believer of Vice Ganda. Naalala tuloy namin noong may contestant na hawig sa Michael Jackson ang kanilang dance steps at costume. Sabi ni Vice Ganda: Ok ang steps, sabay-sabay, pero may kulang. Walang “pitik”. And Vice Ganda proceeded to dance ala Michael Jackson with “pitik” (springy movements). Oo nga naman. Ibang-iba ang sayaw ni Michael Jackson pag may kasamang “pitik”. Very entertaining talaga kahit si Vice Ganda pa ang mag dance ala Michael Jackson.

For us: Death defying stunts should not be encouraged on television shows.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/