Jul 02
IRONIES AROUND US by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jul 2, 2010

I have come across an interesting website, one that is obviously created by an intelligent person. May kasabihan na ang satire ay magagawa lamang ng isang matalinong tao.

Here are some of the quotations I have selected followed with my remarks.

“People coined themselves as either a Kapuso or Kapamilya and wage war against each other for the sake of their beloved tv networks.”

Come to think of it. Nasisira nga talaga ang meaning ng terms na Kapuso at Kapamilya tuwing mababanggit ang TV ratings. Sa totoo naman kasi ay very stiff ang competition ng two networks. Tapos eto pa ang isang TV channel calling itself Kapatid.

“Walking out from a tv show or an interview is a ploy to be controversial.”

One recent incident was Bianca King’s guesting in Showbiz Central. Nagbanta raw si Bianca kay John Lapus, ang host ng Don’t Lie To Me segment na huwag tatanungin si Bianca about the group Ampalaya Anonymous dahil baka mag-walkout siya (Bianca).

There’s a brewing issue about the said group ganging up on Pauleen Luna. Ang known members ng Ampalaya Anonymous, aside from Bianca, ay si Angel Locsin, Cristine Reyes, Bubbles Paraiso, atbp.

“People love crying, making a person cry and seeing other people cry on national tv. Most of the time, the scene is equipped with a sad and melancholic background music.”

This pa-epek is already mastered by the technical crew of Wowowee. In fact, parang forte na ito ng nasabing noontime show dahil ang focus nila ay ang kahirapan ng buhay kaya kaakibat ang pag-iyak. Melodramatic ang tawag dito.

“Noontime variety shows are polluted by noisy and shallow hosts, orchestrated clapping, moronic novelty theme songs, choreographed audience merrymaking, badly lipsynched song numbers, premeditated crying and retardate acting contestants.”

Sa totoo lang, nakapagtatakang isipin na ang Wowowee ay napakataas ng rating dito at sa abroad man (dahil sa TFC – The Filipino Channel). Is that a clear indication na tayong mga Pilipino ay mahilig sa walang sense na palabas? Daig pa natin ang mga bata sa panonood ng Hep-hep Hooray segment.

“Local tv channels nowadays are like a peryahan with the mushrooming talent shows blatantly copied from Britain’s Got Talent.”

Tuwing weekend ay nag-uumpugan ang talent shows gaya ng Talentadong Pinoy ng TV5, Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN at Pinoy Extreme Talent ng GMA7. Sa pagtatapos ng Pilipinas Got Talent ay siguradong may ipapalit silang similar show.

”A reality show contestant will most likely win if he or she is poor. Reality shows are havens for discovering flash in the pan disposable celebrities.”

Hindi naman siguro totoo ito although the first Pilipinas Got Talent grand winner comes from a poor family. Actually, siomai vendor nga ang bansag nila kay Jovit Baldivino at syempre iwinagayway din ang kahirapan niya. Jovit won 2 million pesos.

On the othe hand, si Joshua Davis a.k.a. Yoyo Tricker, the first grand champion of Talentadong Pinoy who won 1 million pesos ay hindi masasabing mahirap. With his looks, obvious na middle class ang family nila.

And as far as staying power is concerned, tatagal kaya sila? Ang mga winners ng Starstruck, Pinoy Big Brother at Philippine Dream Academy ay nasa paligid pa rin natin. But like in real life, merong nakalutang at meron na ring mga nagsilubog.

“A tv show that was suspended can continue with its airing with the same cast and format as long as it bears a new temporary show title.”

It happened to MTB (Magandang Tanghali Bayan) before. But on the contrary, pinalitan ang show title (ng Esep-Esep) at yung main fare nilang Pera O Bayong ay hindi ginamit. Pero ang cast ay pareho lang.

Lately it happened to Showtime dahil sa improper remarks ni Rosanna Roces as guest judge. Hindi naman pinalitan ang show title this time pero ang main fare, which is the dance contest, ay hindi naipalabas muna.

Incidentally, Showtime’s host Vice Ganda holds the record of the most number of fans in the internet with more than a million. Recently, may balita na mapi-feature si Vice Ganda sa Readers’ Digest. Ganun na siya kasikat. Reportedly, ang discoverer ni Vice Ganda, Jose Viceral in real life, ay si Ogie Diaz, isang reporter at comedian.

“Ninety percent of the shows of our local tv channels comprises of soap operas.”

The primetime starts with news of more than an hour – from 6:30 up to 8:00 pm. After this ay puro soap na ang makikita sa major channels. Kaya nga raw nagiging maarte at madrama ang kabataan ay dahil na rin sa strong influence ng tv. Saan ba nanggaling ang mga EMO? Ito ang mga super sensitive na kabataan na nakasandal sa kanilang emotions.

“A career change for an actress is to pose for a men’s magazine.”

This one is preferrable over the old way of going bold or undressing in movies. Meron ngang contest of sorts sa isang male magazine called the Most Sexiest ngayon na very prestigious pa nga ang dating.

“Action stars and comedians usually have in their films young leading ladies that could pass as their daughters in real life.”

I noticed this phenomenon a long time ago. Hindi ko ma-imagine that a grandfather-looking FPJ would be partner to a young Sharon Cuneta in a movie. And Dolphy with his antiquated image would be the love interest of Zsa Zsa Padilla in a lampoon of Titanic. In fairness to Dolphy, naging partner niya si Zsa Zsa sa tunay na buhay.

“Despite being just an obvious marketing ploy by tv networks and film outfits, people still have a strong conviction that showbiz love teams are real.”

In this age of the internet and everything electronic, enjoy pa rin ang tao sa mga love teams na hindi naman for real. Sabi ng lola ko, “Ano ba ang tawag kapag hindi totoo? Eh di panloloko sa mga tao, di ba?” Oo nga naman, kahit itanong mo kay Aljur Abrenica at Kris Bernal.

For more quotable quotations, click on this link: http://worldofalbert.blogspot.com/

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/