Jun 25
KRIS: THE POLITICIAN by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jun 25, 2010

Kris Aquino, an excellent actress, tv host non-pareil, highest paid commercial endorser, and now the famous presidential sister.

Si Kris na yata ang pinaka-popular na local celebrity sa pinakamatagal na panahon. Simula noong pumasok siya sa showbiz ay parang hindi pa rin nagbabago ang level ng kanyang popularity.

At the height of the Kris-Joey controversy, natigil ang pagbabangayan sa congress at senado dahil ang buong bayan ay naka-focus sa mga statements ni Kris against her former live-in lover. Ang issue, bukod sa hiwalayan, ay ang STD (Sexually transmitted disease)—nahawa raw
si Kris kay Joey.

Before that period, dinanas ng family ni Kris ang isang napakalaking dagok. Nakipag-live in si Kris kay Phillip Salvador dahil buntis na siya. Everybody knows na may asawa na si Phillip at hindi maganda ang reputation niya pagdating sa babae. Eventually ay naipanganak ni Kris si Joshua at naghiwalay sila ni Phillip.

Sabi nga nila, the mere mention of Kris Aquino’s name is already news. May inborn talent daw si Kris in creating controversies, almost always with focus on herself. Hindi tuloy natin napapansin na si Kris pala ay may talent din sa politics.

Do you remember when Ninoy Aquino ran for an assembly seat in 1978? Kris was only 6 years old at the time pero nagawa niyang mag-campaign para kay Ninoy. Take note that it was Martial Law period that time kaya hindi nalaman ng tao ang tungkol kay Kris.

Unfortunately, matindi ang dayaan kaya despite the heavy turnout of voters for Ninoy ay hindi rin siya nanalo, of the 21 seats for Metro Manila, Ninoy placed only 22nd. Pero it is surprising to know na naging cover si Kris ng Time Magazine at New York Times dahil sa campaign na iyon.

When Tita Cory agreed to face Marcos in a snap election in 1986, konti lang rin ang nakakaalam na tumulong sa campaign si Kris kasi si Tita Cory ang nasa limelight dahil sa pagiging biyuda niya. That was the time na nagbabalak na si Kris na pasukin ang entertainment world.

Marami nga ang nagsabi na lahat ng family members ay against sa pagpasok ni Kris sa movies. Pero may natural charm si Kris kaya napapayag niya rin ang kanyang pangulong ina. In fairness, may talent naman si Kris sa acting at lalo na sa hosting.

Kahit sabihing presidential daughter ay hindi nakakahiya dahil ipinakita naman ni Kris ang kanyang hatak sa tao. She has that undefined appeal for the masses. Napatunayan ito ni Kris sa kanyang mga blockbuster movies gaya ng Pido Dida with Rene Requiestas at ang kanyang mga massacre movies.

Back to politics, political analysts believe na napakalaki ng naitulong ni Kris sa pagkapanalo ni Noynoy sa senatorial race noong 2007. In fact, si Kris ang may pinakamalaking contribution sa campaign funds ni Noynoy, followed by their mother Cory Aquino.

With the recent elections, early favorite si Noynoy sa survey dahil sa outpouring of sentiments na dala ng pagkamatay ni former President Cory. Pero kung ang survey ang pagbabatayan ay dumating ang panahon ng statistical tie si Noynoy at Senator Villar, with 37 and 35 percentage points.

Sa nakita natin ay maigting ang pagtulong ni Kris sa campaign. Naghatak siya ng mga artista gaya ni Ai-ai Delas Alas at Claudine Barretto sa unang sabak nila sa provinces. Huwag ring kalilimutan na P15 million ang ibinigay na pera ni Kris sa campaign fund ni Noynoy (Ballsy gave P3 million and Pinky gave P5 million).

Sa Davao ay nakita natin si Kris sa pagbisita kay Mayor Duterte. Nagpa-sama pa siya sa pagpunta kay Apollo Quiboloy na isang religious leader. Obvious naman ang effort na ibinigay ni Kris sa Davao kaya kahit si Gibo Teodoro ang sinuportahan ni Pastor Quiboloy ay malaki pa rin ang ipinanalong boto ni Noynoy.

Historically speaking, malaki ang advantage ni Gibo over Noynoy in their native province of Tarlac. Noynoy is the nephew of Peping Cojuangco and Gibo is the nephew of Danding Cojuangco. Mortal enemies sa politics si Peping at Danding. Ironically, sila ay magpinsang-buo.

In a twist of fate, si Gibo ay umalis sa NPC (Nationalist People’s Coalition) ni Danding upang lumipat sa Lakas-Kampi party ni President Gloria Arroyo. Si Noynoy naman ay hindi natinag sa Liberal Party, ang original na partido ng ama niyang si Ninoy.

With the skills of a veteran politician, Kris went out of her way to gather more votes. Lahat ng political analysts ay nagulat nang mag-on air sa national television si Lisa Cojuangco to show her support for Noynoy.
Si Lisa ay anak ni Danding Cojuangco.

Can you imagine na ang long time feud ng Cojuangco families ay naayos? At this time na wala na si Tita Cory? Last June 10 ay birthday ni Danding kaya binati siya ni Kris sa TV. Right now Danding is residing in Australia.

Sa June 30 ang inauguration ni Noynoy bilang presidente ng Pilipinas. Umpisa pa lang ito ng kanyang 6 years na termino sa pamumuno. Bukod sa intrigang sumusulpot galing sa kampo ni Noynoy ay kumakabit pa rin sa kanya ang mga issues ni Kris.

There is this current issue about the scramble for senate presidency – Frank Drilon versus Kiko Pangilinan, both belonging to Noynoy’s Liberal Party . Sa reklamo ni Sen. Drilon ay tinutulungan daw ni Kris si Kiko para ito ang mahirang na senate president. Ilang senador na raw ang kinausap ni Kris to this effect.

Whether true or not, one thing is certain. Natatakot si Drilon sa capability ni Kris, that is politically speaking. Is it because Kris is the presidential sister? Not really. Masyado lang kasing malakas ang influence ni Kris kaya ganoon.

Lately, just before the inauguration of President Noynoy, may lumabas na balita tungkol sa hindi magandang pagsasama ni Kris at ng husband niyang si James Yap. Mismong si Boy Abunda, ang close friend at talent manager ni Kris, ang nagsabi na grabe ang situation kumpara sa dating problema.

Marami ang nagsasabi na talagang mauubos ang buhok ni Noynoy dahil sa dami ng problema ng ating bansa. Lalong mauubos ang buhok niya kung idadagdag pa ang mga issues at controversies na nakapalibot sa most famous presidential sister.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/