Jun 25
HAGGLING: ANOTHER FORM OF ENTERTAINMENT by Gabriel the Messenger  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jun 25, 2010

Coming from the word haggle which means, to argue about price or terms when settling a bargain. Sa Tagalog, ito ang tinatawag nating tawaran o tawadan.

Scene one:
GTM: Ma, bumili ako ng manggang hinog mura lang. Trenta (P30.00) pesos
ang kilo, dalawang kilo ang binili ko.
Mam Vangie: Sana tinawaran mo ng beinte singko (P25.00) tapos bumili ka
ng apat na kilo.
GTM: Ngek!

Sa totoo lang, lalong-lalo na sa mga hindi sanay parang nakakahiya ang tumawad. Pero it makes sense, hindi ba? Sa proposal ni Mam Vangie, ang P100.00 ay makakabili ng apat na kilo, samantalang kung hindi naman ako tatawad ay tatlong kilo lang ang mabibili ng P100.00 at may sukli (change) na ten pesos.

Pero may kung. Iyon ay kung papayag ang tindero ng mangga sa aming tawad. Iyan ang dahilan kung bakit marami ang ayaw makipagtawaran o haggle. Hindi sila sanay na nare-reject ang kanilang proposal o tawad. Para rin itong isang binata na takot manligaw. Pwede kasing yes or no ang magiging sagot sa kanya.

Scene two:
Ned: (for Leonides) Hindi na ako sasama kay Mamang Ipen (grandmother)
pag mamalengke.
Nanang Lea: Bakit naman anak?
Ned: Dalawang bayong ang pinamalengke namin.
Nanang Lea: Nabigatan ka ba?
Ned: Hindi naman. Kaya lang, grabe kung tumawad (haggle) si Mamang
Ipen. Pag sinabi ng tindera ang presyo, kalahati agad ang tawad
niya. Hiyang-hiya ako.
GTM: Nakakatawa nga naman. Pero can you imagine kung lahat ng binili
ni Mamang Ipen ay ibinigay sa presyong kalahati? Ang dalawang
bayong na pinamili nila, halaga ng isang bayong lang ang maga-
gastos niya. Isang bayong na goods ang matitipid. Can you imagine
the effect of that to your budget? In one week, in one month, in one
year, in a lifetime.)
Isang public school teacher si Mamang Ipen and she had seven children. Dalawa ang naging doctor, apat ang naging nurse at isa ang naging teacher. Oh see. Baka nga iyon ang dahilan kaya nakayanan niyang magpa-aral ng kanyang mga anak.

Scene three:
Mang Teryo: Magkano yang tilapyang malalaki?
J.R. na tindero: Isang daan ho ang isang kilo. Libre na ang pagtanggal ng
hasang at kaliskis. Pang sigang ba o prito?
Mang Teryo: Pwede bang ochenta (P80.00)?
J.R. na tindero: Buena mano. Ilang kilo po?
Mang Teryo: Teka lang. Babalik ako.

NEVER do this. Huwag na huwag po kayong tatawad (Never haggle when you are not really planning to buy. ) at pagkatapos ay hindi kayo bibili. Delikado po ito. Lalong-lalo na kung hindi ninyo kabisado ang lugar o tindero. Baka po may mangyaring hindi maganda sa inyo. Warning po yan.

Scene four:
One day, GTM was taking his morning walk. Nadaanan niya ang isang talipapa at napansin niya ang tindang isda. Favorite na isda ito ni GTM. Red ang color, malalaki ang mga mata (Dilat nga ang tawag ng ibang tindera at mamimili), medyo maganda ang size at parang medyo sariwa rin. Masarap itong ipaksiw.
GTM: Magkano sa dilat?
Tindera: One hundred ang isang kilo.
GTM: (Pinili ang tatlong malaki at pinakilo sa tindera)
Tindera: Fifty one (P51.00) pesos.
GTM: Pwede bang fifty (P50.00) na lang?
Tindera: (Gives the three pieces of fish to GTM.)
Meaning, approved ang tawad. Nagtagumpay si GTM sa kanyang pakikipag haggle.

This is the reason that this article was written.
Nakatawad si GTM ng one peso (P1.00) sa isang transaction. Can you imagine kung lahat ng transaction kong ganito (simula noong ako ay bata pa) ay tumawad ako ng piso?

Can you imagine if in all your similar transactions, you also haggled for ONE PESO? Marami-rami rin iyon pag naipon.

Kaya lang. Baka naman tawagin naman nila akong Mr. Barat o Mr. Tawad.

Anyway, I am involved in sales and I am willing to give at least, a minimum of five percent (5%) to all customers, just to close the deal. Luckily, not everyone did. Malaki-laki rin ang natipid ko dahil hindi man lang humingi ng discount ang marami kong customers.

Pahabol:
Related story

Haggling o tawaran.

We can now imagine. Isang eksena sa movie na comedy. Si Dolphy ang buyer at si Ai Ai Delas Alas naman ang tindera. Lagyan lang ito ng isang mapalabok na eksena, siguradong matatawa (entertain) ng husto ang mga manonood nito.
Eh kung sina Gerald Anderson at Kim Chiu naman kaya ang gumanap na mamimili at tindera? Baka naman ma in-love po kayo sa eksena ng haggling o tawaran.

Haggling o tawaran is an art. And it is for everyone.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/