Jun 18
LEO…TALKING ALOUD by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jun 18, 2010

In the more than 6 years that Leo Martinez has been with the Film Academy, we can say that he had not only seen everything but also felt everything that happened to the local movie industry.

For this informal interview, the FAP Director General articulates some things on his mind.

“Pera, Pera, Pera—Dahil sa hindi pagbibigay ng MMDA ng tunay na halagang kinita ng Festival, walang pera ang FAP para sa mga educational workshops. Ang kailangan natin ay Educational programs para matuto tayo ng tamang proseso sa paggawa ng pelikula o digital films.”

For the uninitiated like me, ngayon ko lang naunawaan ang kahalagahan ng workshop sa mga taga-pelikula. Kadalasang libre, ang mga workshop ay sinasalihan ng mga industry practitioners o mga professional ang nagtuturo. At kadalasan ang output ay isang project na masusubukan ang natutuhan ng workshop participant.

“Kailangan din ang pera para sa Housing, Livelihood at Medical care ng mga taga Industriya. Kaya importante na ihain uli yung bill ni Sen. Jinggoy tungkol sa paglilipat ng management ng Film Festival sa industriya kesa manatili sa MMDA at mga pulitiko.”

Come to think of it, the Metro Manila Film Festival is of the people, by the people, and for the people of the movie industry. Bakit nasa panga-ngasiwa ng MMDA? Sa pangalan na lang, ang Metropolitan Manila Development Authority ay obvious na walang kinalaman sa movies dahil ang pangangalaga ng kapaligiran ng Metro Manila ang responsibilidad nito.

Nakakapagtaka nga na ayon mismo sa COA (Commission on Audit) ay may arrears o kakulangang P82.8 million ang MMFF sa mga beneficiaries. Ito ay para sa mga nilakarang taon 2002 hanggang 2008. Nasaan kaya ang perang ito? Tamang-tama sa pagpapalit ng administration, baka magkalituhan at magkalimutan na.

By the way, ang beneficiaries ng MMFF ay ang Mowelfund, Film Academy, Film Development Council of the Philippines, Motion Picture Anti-Piracy Council, ang Optical Media Board at ang PSF (Presidential Social Fund).

art-clarin-leo-talking-aloud-pic.jpg
FAP Director General Leo Martinez and FAP Adviser Robert Arevalo
“Kailangang tumulong ang mga nahalal na artistang senador sa Education, Housing, Livelihood at Medical care ng mga taga Industriya. Simpleng kwenta: 4 senators times P200 million a year times 6 years ay bilyon na rin. 3% lang ng development fund nila kada taon o P6 million ay makapagpapabahay ng 200 families a year at makakatulong sa libo libo pang mga taga-industriya sa kanilang livelihood, medical at educational programs.”

Noong taong 2004 ay nangako ang 3 showbiz senators na magbibigay ng direktang tutulong sa movie industry. Isa na rito ang 6 million pesos para sa FAP na magmumula kay Senators Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Lito Lapid. That would have been 18 million a year for 6 years. Pero ang pangako ay napako lamang.

In the recent election ay naging 4 ang showbiz senators. Bukod kay Bong, Jinggoy at Lito ay nadagdag si Tito Sotto. Tayo kaya ay muling dadanas ng kanilang pangakong bato? Sana naman ay maging tinapay na ang kanilang ipapangako ngayon.

“Kailan lang ay nabawasan ang amusement tax from 30% to 10%. Ibig sabihin may dagdag na 20% ang kikitain ng producer at theater owner. Siguro pwedeng pakiusapan ng industriya ang mga theater owners na magbigay ng ilang piso para sa industriya para makatulong naman.”

Isang simpleng tanong. Sino nga ba ang industriya? At paano ito makikiusap sa theater owners? Sa palagay ko, nangangailan ang movie industry ng isang overall agency o di kaya ay ang pagbubuklod-buklod para centralized na ang lahat. At pagdating sa ganyang pakikiusap o request, isang sulat ka lang.

“Abolition of censorship—Palagay ko ito ang nakabobo sa atin sa industriya. Nasanay na tayo na naka-kahon ang mga pwede natin gawing pelikula. Hindi natin pinayagang makalipad ang imahinasyon.”

Kahit saang bansang demokratiko, ang freedom of expression ay isang sagradong bagay. Puwede siguro nating aminin na ang Simbahang Katoliko ay nagdidikta ng present situation na kunyari ay regulatory board lamang ang MTRCB pero ito ay isang censors body that censors not only movies but also tv shows and programs.

“Road Mapping—Malapit nang matapos ang Road mapping sessions ng Film Industry na ginagawa natin katulong ang FTA (Fair Trade Alliance) sa pamumuno ni former Sen. Bobby Tañada. Magsasagawa tayo ng Film Summit para pag-usapan ang resulta ng Road mapping sessions.”

Inaasahan ng mga participants ng upcoming Film Summit na makaka-rating sa bagong government administration ang mga pangangailangan para sa ika-uunlad ng movie industry.

“KAPPT–Matagal nang hindi tayo nakakabalita sa mga pinuno ng Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon. Siguro’y panahon na para magsalita ang KAPPT tungkol sa mga problema ng mga artista. Siguro’y panahon na para mag-imbita ang KAPPT ng mga batang artista (25 yrs. to 40) para mamuno ng KAPPT.”

The membership problem is prevalent in most of the guilds. Katulad ng kinasasapian kong SGP (Screenwriters Guild of the Philippines) na halos mga associate members na lang ang natitira. Para bang pinagtampuhan ng mga legitimate scriptwriters.

Kung tutuusin naman, ano ba ang maibibigay ng guilds sa mga kasapi? Kung wala rin lang substantial na benefit ay bakit ka pa nga sasali? Lalo pa kung iisipin na ang pagsali sa guild ay maaaring magbigay ng problema sa iyo dahil sa pulitikang nangyayari sa loob ng mga guilds.

Sa aking palagay ay kinakailangan na natin ang pakikialam ng gobyerno.

(Read related article by clicking the link: Commission for Movies http://filmacademyphil.org/?p=1965)

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/