Jun 18
FACE TO FACE: A NEW KIND OF ENTERTAINMENT by Gabriel the Messenger  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jun 18, 2010

A new kind of entertainment wherein two groups who have a misunderstanding try to settle their differences in front of an audience. Pwedeng sa television, pwedeng sa Barangay Hall at pang international rin po ito. Actually first time po kaming nakakita ng ganito sa isang American TV show at parang medyo sinundan na lang ng iba.

Isang araw, nagulat ang mga kapitbahay ni Miss Mely. Paano naman, isang babae ang pumupukpok ng kanyang gate. Hindi lang simpleng pukpok, ginigiba talaga niya ito. And at the same time, mayroon siyang mga sinasabi na hindi maganda. Pero ang pinakamalinaw na ibig niyang sabihin ay lumabas daw si Miss Mely para harapin siya.

Sino daw ang babae? Tawagin natin siyang Miss Glo.

Iyan ang part one ng entertainment, pero hindi pa iyan ang tinatawag na FACE TO FACE. Natural lang na biglang dumami ang tao sa paligid dahil sa ingay na ginagawa ni Miss Glo. Tahimik naman itong si Miss Mely pansamantala at pasilip-silip lang.

Pero maya-maya ng kaunti, lumabas si Miss Mely na may dalang dos por dos. Isang piraso ng kahoy na 2” x 2” ang sides at siguro ay baka dalawang piye (2 feet) ang haba. At ayun, pinukpok niya si Miss Glo. Sa parteng ito, hindi na nakatiis ang ibang matatanda at inawat na ang dalawa, pero may bukol na si Miss Glo.

Siyempre, sa Barangay Hall na napunta ang dalawa para ayusin ang gulo at dito na magsisimula ang tinatawag na FACE TO FACE.

At dahil alam na ng buong Barangay ang nangyari, halos lahat sila ay nanood ng isang “live” na FACE TO FACE. Hindi scripted, talagang galit sa isa’t-isa ang magkaharap, at higit sa lahat, hindi kathang isip ang dahilan. May bukol ang isa eh.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit lumusob sa bahay ni Miss Mely si Miss Glo?

Mayroon daw kasing ka live-in itong si Miss Glo. Isang binatilyo at matagal na silang nagsasama. Pero one day, nalaman niya na nanliligaw ang binatilyo na tatawagin na lang natin sa pangalang Piolo (hindi tunay na pangalan, pero ito ang itinawag ng mga tao dahil pinag-aagawan nga siya ni Miss Glo at Miss Mely).

Kaya ayun, lumayas nga si Piolo at sumama na kay Miss Mely. Ito ang dahilan kung bakit lumusob itong si Miss Glo kila Miss Mely. Siguro ay nagbabaka-sakali siyang baka mabawi pa niya si Piolo.

Barangay Tanod: (Tinanong si Miss Mely) Bakit mo pinukpok sa ulo?

Ito ang unang tanong sa kay Miss Mely. Nasa Barangay Hall sila dahil mayroon kasing complainant, si Miss Glo, at iyon ang kanyang complaint. At kitang-kita naman ang bukol sa kanyang noo. Ang kanyang inire-reklamo ay si Miss Mely na siya namang pumukpok sa kanyang ulo. Marami ring nakakita sa ginanap na pamumukpok. Punong-puno na ng tao ang Barangay Hall.

Pinaka “glaring” sa mga nanonood ay si Aling Gina. Bakit naman si Aling Gina? Kamamatay lang kasi ng asawa nito at kasalukuyang nakaburol pa sa bahay at sa next Sunday pa ang libing. Hindi siya lumalabas ng bahay for more than one week dahil nga sa patay ang kanyang mister. Pero hindi siya pumayag na absent siya sa isang very important na entertainment. Ang FACE TO FACE nila Miss Glo, Miss Mely at Piolo.

Miss Mely: Ginigiba niya ang gate ko. Pumunta kayo doon. Tignan ninyo ang nangyari sa gate ko. Tapos sigaw siya nang sigaw lumabas daw ako. Eh di lumabas ako at pinukpok ko siya.

Baragay Tanod: (Si Miss Glo naman ang tinanong.) Bakit mo naman ginigiba ang pinto ni Miss Mely? At bakit mo siya pinalalabas?

Miss Glo: Inagaw kasi niya sa akin si Piolo.

Dito na nagsigawan ang mga tao. Iyon pala ang tunay na dahilan. Nagkaroon pala ng “snatching of boyfriend”. Pero sa totoo lang, alam naman talaga ng mga tao na ito ang tunay na dahilan. At kunyari ay nagulat pa sila nang hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Miss Glo.

Barangay Tanod: (Tinanong si Miss Mely) Inagaw mo raw kay Miss Glo si Piolo?

Miss Mely: Pinalalayas niya eh. Nanligaw tuloy sa akin. Sinagot ko naman. Mag- “on” na kami ngayon.

Isang grabeng sigawan at tawanan uli ang narinig sa Barangay Hall na gawa ng mga na-entertain na mga tao. Ang mga absent sa Barangay Hall ay nakatanggap na rin ng text mula doon sa mga present tungkol sa nangyayari doon, kaya updated sila sa balita. Ganoon katindi ang impact ng isang FACE TO FACE na entertainment. Pati absent ay gustong makatanggap ng balita kahit by text lang.

Barangay Tanod: Ano ngayon ang gusto ninyong mangyari?
Miss Glo: Mamili si Piolo sa aming dalawa.

Tahimik ang mga tao. Gustong marinig kung ano ang sasabihin ng susunod na magsasalita.

Barangay Tanod: (Tinanong si Piolo) Kanino ka sasama?
Piolo: Sa kanya. (Sabay turo kay Miss Mely.)

Miss Mely: Halika na. Uwi na tayo. (At hinila na niya pauwi si Piolo)

Ngayon ay Katrina na ang bansag ng mga tao kay Miss Mely. At si Miss Glo naman ay tinawag na nilang Ann. Siyempre sa bulung-bulungan lamang. Matapang yata ang dalawa. Mahirap na.

Iyan po ang isang bagong klase ng entertainment.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/