Jun 11
SHOWBIZ CABINET by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jun 11, 2010

Contrary to the title, this is really about the presidential appointments involving the showbiz community.

Umpisahan natin sa Department of Tourism na inialok kay Boy Abunda. Talk show host, talent manager and soon to be professor, si Boy Abunda ay agad tumanggi sa alok ni President Noynoy Aquino bilang Tourism secretary.

Por delicadeza, very close friend si Boy ni Kris Aquino kaya hindi magandang tingnan kung tatanggap siya ng position sa gobyerno ni Noynoy. Pero sa tingin namin, ang totoong dahilan ay ang kasalukuyang income ni Boy Abunda na siguradong mababawasan once na mapunta siya sa government service.

Sa aming opinion, tama ang pagtanggi ni Boy. At least, meron palang mga tao sa showbiz na may dignity, na hindi suwapang sa position at hindi basta dumadakma ng mga opportunities sa kanyang harapan.

Ang MTRCB (Movies and Television Review and Classification Board) ang regulatory board, hindi lang ng movies kundi pati na rin ng mga TV shows. Ang mga palabas ay hindi dapat lalagpas sa mga parameters na nakasaad sa panuntunan ng MTRCB. Sa madaling salita, ito ay censors board.

May suggestion daw na si Joey De Leon ang magandang ipalit kay Consoliza Laguardia, ang kasalukuyang MTRCB chairman. Ironically, si Joey ay “best friend” ni Chairman Laguardia dahil sa mga green jokes at double meaning na madalas bitawan ni Joey sa kanyang mga tv shows.

To borrow the words of FAP Director General Leo Martinez, ang nararapat na maupo sa MTRCB ay isang magulang o parent. Si Joey ay isang magulang at masasabing maayos niyang napalaki ang kanyang mga anak na sa abroad pa nagsipag-aral. Sapat na ba ito?

Sa managerial skills ay walang dudang kakayanin ni Joey ang pagpapa-takbo sa MTRCB. Obvious naman ang husay ni Joey sa time management dahil siya ang record holder ng may pinakamaraming TV shows. And speaking of TV shows, yan ang tanong. Bibitawan ba ni Joey ang kanyang mga shows para pamunuan ang isang government agency?

Kung kami ang tatanungin, ang sagot ay hindi. Katulad ng dahilan ni Boy Abunda, malaking income ang mawawala kay Joey once na pumasok siya sa government. Another suggestion si Grace Poe Llamanzares, the daughter of Susan Roces. She may have the skills pero definitely she doesn’t have the influence and the charm.

art-clarin-showbiz-cabinet-pic-ricketts.jpg

To handle the piracy problem, may nagsabing si Mother Lily Monteverde ang magandang ilagay sa OMB (Optical Media Board) na kasalukuyang hawak ni Ronnie Ricketts. Pero sa nakasanayan natin, ang OMB chairman ay isang dynamic position that requires a lot of energy bukod pa sa stressful at dangerous.

Ang death threats ay normal sa OMB chairman. Gugustuhin ba ni Mother Lily na death threats ang gigising sa kanya sa umaga? Kakayanin ba ni Mother Lily ang makipaghabulan sa mga nagtatakbuhang dvd vendors? At magkano lang ba ang suweldo ng OMB chairman?

Noong isang taon pa ay may movement na para sa paglipat ng manage-ment ng MMFF-P (Metro Manila Film Festival-Philippines)). Sa ngayon ay MMDA (Metro Manila Development Authority) ang may hawak dito kaya ang MMFF-P executive committee ay pinamumunuan ng MMDA chairman (currently it is former judge Oscar Inocentes).

Ang composition ng MMFF-P committee ay binubuo ng mga taga-movie industry particularly ng mga heads of industry groups like the Mowelfund, Film Academy and Film Development Council. Kaya lang nararapat siguro na ang committee chairman ay isang taga-movie industry rin.

Sa aming opinion, ang secretariat ng MMFF-P ay dapat buwagin at ang ipalit ay ang pinaghalong mga tauhan ng Film Academy at Film Development Council. Dahil hindi naman whole year round ang festival kaya lilitaw na part time ang trabaho o concurrent positions lamang ang hahawakan ng MMFF-P committee members.

Going back to the showbiz cabinet, narito ang mga personal suggestions namin:

art-clarin-showbiz-cabinet-pic-boots-lgm.jpg

For the department of tourism, mas nababagay maging secretary si Boots Anson Roa. Aside from her beauty and very clean image, Boots has the required managerial experience and education.

Tourism means public relations. Punong-puno ng PR si Boots dahil ni minsan ay hindi siya na-involved sa controversy. She is perfect for the position Tourism secretary.

For the MTRCB chairman, ang nakikita naming magandang ilagay ay si Albert Martinez. Naipakita ni Albert ang managerial skills niya noong hinawakan niya ang Luna Awards for two years in a row. Siya ang may idea ng red carpet at bonggang awards night.

Sa pagiging magulang ay naipakita rin ni Albert ang magandang pagpapalaki niya sa kanilang mga anak ni Liezl. Kaya siguradong naiintindihan ni Albert ang dapat na maging pamantayan ng regulatory board. Naipakita rin ni Albert ang dedication niya sa kanyang craft, that of being an actor.

For the OMB chairman, nababagay kay Ronnie Ricketts ang position kaya siguro ay huwag na lang siyang palitan. Ronnie has the energy and the passion in pursuing a thankless job. Napakaganda rin ng image ni Ronnie, ang clean at decent lifestyle niya.

art-clarin-showbiz-cabinet-pic-manay-ichu.jpg

Kung sakaling hirangin na Secretary of Tourism si Boots Anson Roa, ang magandang ipalit as chairman of Mowelfund ay si Marichu Vera Perez. Si Manay Ichu ang nakitaan natin ng genuine concern for the movie industry workers. Like Boots for tourism, Manay Ichu is also perfect for Mowelfund chairman.

For the management of the MMFF-P, kahit sino sa Film Academy head o Film Development Council head ang magandang mamuno. Ang mahalaga ay mapunta na sa kamay ng movie industry ang pagpapatakbo ng MMFF.

Hindi man matupad ang aking wish list, maaari itong gawing batayan para sa mga taon pang darating. Ito naman ay para lang sa ikauunlad ng ating minahal na industriya.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/