Jun 04
JUDGING TALENT CONTESTS by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jun 4, 2010

Nauuso ang mga talent contests. Magandang venue ito o outlet ng mga talented people lalo na ng mga kabataan. Sabi nga ng matatanda, “kesa naman malulong pa sa kung anong bisyo, pabayaan mo na lang magsikanta o magsipagsayaw.”

Ang talent contest gaya ng Talentadong Pinoy ng TV5 at Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN ay nagbibigay ng pagkakataon upang maipakita ng isang tao ang kanyang talento na puwedeng makapag-entertain sa audience. Kasali na rito ang pre-noontime shows na Diz Iz It ng GMA-7 at Showtime ng ABS-CBN. At nariyan din ang PET o Pinoy Extreme Talent, ang weekend show ng GMA-7.

Hindi lang pagkanta o pagsayaw ang puwede sa talent contests. Merong nagpapakita ng husay sa magic, galing ng alagang hayop, pag-torture sa sarili, pang-circus na acrobatic acts at kung ano-ano pa.

In our observation, maraming nararahuyo sa mga talent contests hindi dahil may talento sila kundi para siguro sa exposure na maibibigay sa kanila. Karamihan ng interviews sa mga talunan sa talent contests ay tv exposure ang main consideration kung bakit sila sumali, secondary na lang daw ang prize.

Sa nangungunang Talentadong Pinoy ng TV5, nahihirapan silang kumuha ng contestants during their first year. Pero ngayon ay mahaba raw ang pila kaya ang audition ay hinihigpitan na nila. In other words, tumataas ang quality ng mga performers.

At sa pagtaas ng performance level ay nagiging problema naman ang judging.

Sa grand championship ng Talentadong Pinoy ay pinaglabanan ng 7 Hall of Famer plus 1 wildcard entry. (see related article http://film academyphil.org/?p=1905) Hindi matawaran ang galing ng 7 dahil puro nga sila Hall of Famers, that means nanalo sila ng 5 times.

Yung wildcard ay nanggaling sa mga selected non-hall of famers. Ang audience ay hindi sang-ayon dahil ang pinili ng jurors ay isang batang babaeng bulag na ang singing prowess ay very ordinary lamang. Obvious na nanaig ang emotion o awa ng mga jury members. By the way, ang jury ng Talentadong Pinoy ay binubuo ng mahigit 8 tao na galing sa iba-ibang sectors of society.

But before the grand championship ay nakita na rin ang bias ng jury kay Leah Patricio, ang defending champion that time. Sa isang kanta ni Leah ay natapatan siya ng isang grupo ng trio na napakahusay sa blending ng boses. And to think na ang Bohemian Rhapsody ng Queen ay napakahirap kantahin. Pero natalo ang trio kay Leah.

Sa kasalukuyang TV blockbuster na Pinoys Got Talent, ang judges ay sina Kris Aquino, Ai-ai Delas Alas at Freddie Garcia o FMG, former ABS-CBN president. Sila ang nagha-handle ng first screening ng mga contestants. Sa second screening ay sila pa rin ang nagha-handle. Pero ang semi-finals ay idinadaan na sa text voting upang ang general audience na ang mag-decide.

Pero hindi naman purely text voting lang. Ayon sa mechanics ng Pinoys Got Talent, ang mga semi-finalists ay hahatiin sa groups of 6. At bawat grupo ay pipilian ng 2 finalists. Ang text voting ang magde-decide ngayon. Pero ang topnotcher o number 1 sa text voting lang ang siguradong papasok sa finals round.

Ang second at third placers sa text voting ay magpe-perform for the benefit of the judges na siyang pipili ng pangalawang semi-finalist sa nasabing group of 6. Yun ay regardless of the text voting they had received. There are 6 groups of six therefore ang total finalists ay 12.

In one of the group elimination ay nasalang sa pagpipilian si Sherwin at Fame, parehong singer. Si Sherwin ay kumanta ng isang popular song at si Fame naman ay kumanta ng isang religious song na never heard. Parehong exceptional ang performance ng 2 except si Sherwin ay sumabit sa isang nota.

Pagdating ng judges’ decision ay si Fame ang napusuan ni FMG samantalang si Sherwin naman ang pinili ni Ai-ai at Kris. Despite na may sinabitang nota si Sherwin ay baka puyat lamang siya, ang paliwanag ni Ai-ai. Si Kris naman ay yung kanta ang pinagtuunan dahil may recall daw ang kanta ni Sherwin unlike yung kanta ni Fame ay hindi popular.

That incident caused a spark in the internet. Lalo pa nga at naging bitter si Fame sa kanyang valedictory speech na hindi raw siya titigil sa pagkanta ng religious songs dahil yun ang gusto niya. On this aspect ay malinaw na nangibabaw ang emotions sa mga judges na sina Ai-ai at Kris.

Hindi naman talaga madali ang maging judge. Gaya ni Vice Ganda na biglang sumikat dahil sa pagiging judge niya sa Showtime, ang pre-noontime show ng ABS-CBN. There are times, sabi ni Vice, na hindi na siya conscious sa score na ibinibigay niya. Dahil daw minsan ay parang pare-pareho ang level ng performanc ng mga contestants.

Hosted by Vhong Navarro and Anne Curtis plus Kuya Kim, ang Showtime ay may 5 judges – si Vice Ganda as resident judge at 4 na judges na pinapalitan from time to time as per the votes of the studio audience.

Sa dance contest naman ng Showtime ay may value din ang studio audience votes pero nakalalamang weight ng judges nila. Ganito rin ang manner ng judging ng Diz Iz It ng GMA7 na direct competition ng Showtime.

But Diz Iz It has only 3 judges. Nagkataon na ang kanilang resident judge (na parang katapat ni Vice Ganda) ay si Michelle na isa ring bakla. At para maiba, ang Diz Iz It ay meron ding song contest aside from the dance competition. Ang hosts ng Diz Iz It ay sina Bayani Agbayani, Grace Lee, Ehra Madrigal at Shivaker a.k.a. Sam YG.

Ang isang nakakagulat ay marinig ang word na PET master. Yun pala ay judges lang sila ng Pinoy Extreme Talent. Sa aming napanood ay PET masters sina Glyza De Castro, John Lapus at Drew Arellano.

Ang magic performance ng first contestant na may pinalabas na 4 na kalapati ay nabigyan lang ni Glyza ng 6 points. At ang 3 pang magicians na kasunod ay puro matataas na ang rating na ibinigay ni Glyza. Pero sa totoo lang ay yung first contestant ang pinakamagaling. Well, that’s how human bias works, parang favoritism.

Dadami pa ang mga talent contests and I think they are here to stay. Kaya sana ay pagbutihan ng mga tv networks ang pag-set ng system of judging at pati na rin ang pagpili ng mga judges na may objectivity at walang hidden bias o prejudice.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/