Jun 04
ENTERTAINMENT by Gabriel the Messenger  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jun 4, 2010

Ayon sa Oxford American Dictionary, entertainment is a noun meaning, (1) entertaining, being entertained, (2) amusement, (3) something performed to amuse or interest an audience.

At dahil dito sa mga definition na ito ng entertainment, we tried to go back to the past. Isang nostalgia trip kung baga. The best daw itong gawain pag bagong gising ang isang tao sa umaga. Kung saan ay malinaw na malinaw daw ang kanyang utak. At sinubukan naman namin kung pwede o totoo. Bukod sa television, eto pang ang iba naming naalala.

Karnabal

Ito ang unang lumutang sa aming isipan. Isang batang maliit, kasama ang kanyang medyo matanda nang pinsan na si Jesus Santos Natividad. Grabeng pangalan yan. Try po ninyong humanap ng pangalan na mas “holy” pa sa pangalan ni Manong Jesus.

Every last week ng January sa Mangatarem, Pangasinan ay town fiesta. At pag may fiesta sa probinsiya, malamang na mayroon ring karnabal. Dito sa Maynila ay peryahan yata ang tawag. Mayroong palabas na movie, mayroong sirena, mayroong kambal na dwende, at nandoon rin si Maguka, isang taong bundok raw na nahuli nila at ito ay kumakain ng buhay na manok. Pero ang hindi namin makalimutan sa isang karnabal ay ang ferris wheel.

Isinakay ako ni Manong Jesus sa isang ferris wheel. Ikot-ikot muna at pagkatapos ng ilang ikot ay isa-isa ng iba-baba ang mga pasahero. Siyempre hindi pwedeng sabay-sabay. At ang hindi namin makalimutan ay noong kami na ang nasa pinaka-tuktok (top), habang bumababa ang pasahero na nasa pinaka-ibaba. The amusement or feeling was so unforgettable, hindi na po uli kami sumakay ng ferris wheel up to now.

Boksing

Sure kami na maliit pa kami nang mangyari itong kwentong ito. Bakit po? Dahil tandang-tanda namin na kami ay karga-karga ni Uncle Rufo. Siya ay bunsong kapatid ni tatang Pablo.

Nung araw, ang Araneta Coliseum ay malapit lang sa amin. Kaya isang araw na alaga ako ni Uncle Rufo ay dinala niya ako sa Araneta Coliseum. Umaga noon. Doon lang kami sa gilid ng Araneta. May gym doon ng mga boksingero. Pero ako ay isang baby noon, hindi namin alam kung ano ang boksing, kaya nung biglang magsuntukan ang dalawang lalaki, kami ay umiyak nang umiyak.

Bakit? May nag-aaway eh. Nagsasakitan sila. Iniuwi na ako ni Uncle Rufo after that, hindi na kasi niya ako mapatahan sa pag-iyak. At simula noon, pag gusto akong sawayin o patigilin, sasabihin lang sa akin na ako dadalahin sa may Araneta Coliseum, at ako naman ay tatahan na agad.

Movies

Siyempre naman kulang ang kwento tungkol sa entertainment kung walang movies. At dahil panganay na pamangkin si Gabriel, siya ang madalas na kasama o isama ng kanyang mga uncle at auntie sa mga movies.

Si T’yo (read tyo for tiyo.) Peping na kapatid ni tatang Pablo at si Mamang Fe naman na kapatid ni Nanang Lea ang pinakamadalas sa mga nagdadala kay GTM sa movies.

Pag si Mamang Fe, siyempre The Sound Of Music with Julie Andrews, How The West Was Won and the likes ang pinapanood namin. Pag si T’yo Peping naman, Goldfinger, Godzilla and the likes.

At nung malaki na si GTM, siyempre naman, The Song Remains The Same, starring The Led Zeppelin band with lead guitarist Jimmy Page, singer Robert Plant at drummer John “Moby Dick” Bonham at ang kanilang all time hit na Stairway To Heaven.

Holiday On Ice

Sino kayang bata noon na taga Metro Manila ang hindi nakapanood ng Holiday On Ice na palabas pag December doon sa Araneta Coliseum? Yearly po ang palabas na yan noon. Inaabangan na parang yung palabas sa harap ng C.O.D. sa Cubao na ngayon ay ginaya na doon sa may Greenhills, San Juan. Pero ang hindi namin makalimutan ay ang magic na kung saan ay hahatiin ng lagaring bilog ang katawan ng isang babae. Grabe ang nerbiyos ng batang si Gabriel sa palabas na ito. Makakita ka ba naman ng buhay na tao tapos hahatiin ng lagare. Nakaka-takot talaga yun.

Concerts

Si Howling Dave yata ang emcee noon at kumanta pa siya habang tumutugtog siya ng gitara. Yan ang concert doon sa Ateneo De Manila Gym sa may Katipunan Avenue sa Quezon City . Tumugtog doon ang Juan Dela Cruz band at kinanta nila ang walang kamatayang Ang Himig Natin. Hindi ko na masyadong matandaan ang iba pero parang nandoon si Florante at ang grupo ng Maria Cafra o Banyuhay or both. Very peaceful ang concert habang nagsi-sigarilyo ang maraming kabataan. Iyan ang ok na ok sa amin. Ang peacefulness ng isang concert noon.

Ang sikat na si Lionel Richie ay napanood rin namin sa Araneta Coliseum noong siya ay member pa ng grupong The Commodores. Ang mga tugtog na Machine Gun at Slippery When Wet na lang ang mga kanta nila na naging sikat na natatandaan namin.

Parang nagpunta sa Philippines at nag concert rin sa Araneta Coliseum si Deodato. Ang hindi namin makalimutang sinabi niya sa concert ay, “Balut” (boiled duck egg with embryo). At ang pianist, may bote ng San Miguel Beer sa ibabaw ng piano. Siya yata ang Deodato. Pero sa youtube ngayon ay guitara ang kanyang hawak.

Piece nila na hindi nawala sa aming memory? Siyempre ang walang kamatayan at madaling tandaan ang title na Ave Maria.

Ganyan ang iba’t-ibang klase ng entertainment sa Pilipinas.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/