May 28
2010 CELEB CANDIDATES TRIVIA by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, May 28, 2010

First in the list of celebrity candidates si Joseph Estrada a.k.a. Erap. From San Juan mayor, senator, vice president and president, ngayon lang makakaranas ng pagkatalo si Erap once na ma-proclaim si Noynoy Aquino bilang next president of our country.

Utang na loob daw ng ABS-CBN kay Tita Cory ang pagkakabalik ng previously-sequestered biggest network sa rightful owners na mga Lopezes. Sa case ni Erap, bihira ang nakakaalam na instrumental siya sa pagkaka-reopen ng Manilabank noong 1999 matapos maisara ng Central Bank noong 1987.

Almost sure na ang pagkatalo ni Edu Manzano sa vice presidential race. This is the second time na tinalo siya ni Jojo Binay. The first time ay nang talunin siya ni Binay sa pagka-mayor ng Makati noong 2001 in landslide fashion. Lack of funds ang primary reason ng pagkatalo ni Edu this time.

As for Jojo Binay na isang true-blue oppositionist ay isa ring loyalist ni Erap. When the clamor for another EDSA broke out in 2001, ay si Binay ang unang tumayo to defend Erap. Isang malaking counter-protest rally sa Ayala ang idinaos sa pamumuno ni Binay.

Speaking of Makati, banggaan ng 2 showbiz personalities ang vice mayoral race – Rico J. Puno and Jobelle Salvador. Unfortunately, pareho silang tinalo ni Romulo Peña, ang running mate ni Ernesto Mercado na tinalo naman ni Junjun Binay for mayor. Incidentally, si Jobelle ay anak ni Leroy Salvador, dating vice mayor ng Makati.

Back to the senate si Tito Sotto who lost in his senate bid in 2007. Ang nakikitang dahilan ng kanyang pagkatalo noon ay ang pagsapi niya sa ticket ng administration ni President GMA. This time ay under NPC si Tito at malaki siguro ang naitulong ni Kris Aquino. Si Tito ang composer ng Magkaisa, ang theme song ng EDSA People Power na kinanta ni Virna Lisa Loberiza.

art-2010_05_28-2010-celeb-candidates-trivia-pic-lani.jpg

Successful ang reelection ni Bong Revilla at number 1 pa siya sa bilangan. Double victory of sorts ang pagkapanalo ni Lani Mercado as congress-woman ng Cavite. Noong 2001 elections ay natalo si Bong sa governor race ng Cavite kay Ayong Maliksi at si Lani naman ay natalo ng re-electionist mayor ng Bacoor na si Jessie Castillo. Incidentally, si Jessie ay tinalo ni Stryke Revilla in 2007.

Unsuccessful ang attempt for a senate seat ni Imelda Papin at broadcasters Rey Langit, Alex Tinsay at Kata Inocencio. Gaya ng nasasaad sa ating constitution, this is a free country kaya kahit sino ay puwedeng kumandidato.

It is surprising to know that ER Ejercito a.k.a. Jorge Estregan, Jr. is now the governor of Laguna. His victory can be attributed to his very successful stint as mayor of Pagsanjan. Ang successor niya ay ang kanyang asawang si Maita Sanchez, na nanalong mayor ng Pagsanjan using the name Girlie Ejercito. Incidentally ay winning board member ng Laguna si Angelica Jones.

Gusto man niya ay hindi talaga nagpunta si incumbent governor Vilma Santos sa burol ni former Batangas governor Armand Sanchez na namatay dahil sa stroke a few days before the election. At least hindi na nadagdagan ang intriga. Si Christopher De Leon naman, who lost for vice governor in 2007, ay nakasungkit ngayon ng provincial board seat.

art-2010_05_28-2010-celeb-candidates-trivia-pic-vilma.jpg

Marami ang nagsasabi na hindi laan sa politics si Richard Gomez. Matapos manalo ang party list na MAD (Mamamayan Ayaw sa Droga) noong 2001 ay na-disqualified naman ng Comelec dahil ang nasabing party list ay isang advocacy at hindi naman daw marginalized sector.

Noong 2007 ay sure winner na si Goma as Bulacan governor kaya lang ay senado ang tinarget niya at sinamangpalad siya bilang independent candidate. For 2010 ay disqualified naman siya as congressional candidate for lack of residency in Ormoc. Fortunately ay nanalo si Lucy bilang replacement ni Richard.

Another loser, a pitiable one, ay si Cesar Montano. Among sa showbiz circle ay unexpected ang kanyang pagkatalo sa gubernatorial race ng Bohol at poor third pa siya sa bilangan. Considering na nagpakamatay ang kanyang only son due to love problems right on the first day of campaign, masakit ang nangyari kay Cesar.

Similar case din ang sinapit ni Anjo Yllana who lost for the vice mayorship of Parañaque. After the elections ay namatay ang brother niyang si Robbie due to diabetic complications. On the other hand, nanalo naman ang brother niyang si Ryan bilang councilor of the same city.

Even after the proclamation of Herbert Bautista as the new Q.C. mayor at ni Joy Belmonte bilang vice mayor ay hindi mamatay-matay ang issue na meron silang secret na relasyon – si Herbert at Joy. Ang depensa ng kanilang kampo ay isang issue raw yun sa mga black propaganda during the campaign na obviously ay nanggaling sa kampo ni Aiko Melendez who lost to Joy.

Also in Q.C. ang isang worthy candidate who lost but isn’t sour ay si Arnell Ignacio. Bilang pasasalamat ay magtatayo ng retail business si Arnell para mabigyan ng trabaho ang kanyang mga volunteers. That’s nobility despite his lost bid for a council seat.

Maraming kilay ang tumaas dahil sa pagdalaw ni People’s Champ and Sarangani congressman-elect Manny Pacquiao sa headquarters ng Liberal Party. Meeting with soon to be proclaimed president Noynoy Aquino leaves a bad taste in the mouth if we consider the heated battle between the LP and Pacman’s allies in NP (Nacionalista Party).

At para sa huling hirit, isang interesting blind item ang nabasa ko. Isang artista ang nag-campaign against a winning mayor ng Metro Manila. May mga tarpaulin pa raw siyang ikinalat na nagsasabing “hindi dapat manalo si mayor dahil inagaw niya ang asawa ko.” At kapag natalo raw ang mayor ay baka sakaling bumalik sa artista ang kanyang asawa na isang artista rin at isa ring politician.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/