Feb 05
EXPLOSIVE – MRS by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Sat, Feb 5, 2005

By Tess Clarin

MRS ang new TV show ni Amy Perez, Roderick Paulate at Marvin Agustin. The acronym stands for Most Requested Show, meaning sa request ng audience tatakbo ang show. May katarayan din ang pronouncement nila na kahit anong request daw ay pagbibigyan nila. Parang gusto kong mag-request na pakantahin si Brix!

——————————

An added attraction of MRS is the presence of the children of celebrities. Kasali sa show ang mga anak ni Mark Gil at Jaclyn Jose, Joey Marquez, Rosanna Roces, Bembol Roco and April Boy . Yung anak ni Osang, si Onyok Adriano, hindi si Grace, ha?

——————————

Talagang nag-innovate na ang ABS-CBN. Another upcoming show is STAR DANCE ni Marvin Agustin at Vanessa Del Bianco. Knowing Vanessa, malamang ay sayawan contest ito, tipong Starstruck siguro. Incidentally, the “sapakan” incident was reported and it was not denied. Nagalit daw si John Estrada sa isang male sales attendant sa isang mall na nagsabing mataba si Vanessa. Amidst the apology of the man, sinuntok pa rin daw ni John ang lalake. O, may bagong action star na!

——————————

Speaking of action, masaya si Ronnie Ricketts at Monsour Del Rosario dahil hindi lang nakabawi ang UNO kundi kumita pa! Considering na first local movie ang UNO, hindi inaasahan ang good showing nito sa takilya. Kaya at this early ay may inihahanda nang follow up movie ang Rocketts Productions. Hindi kami sure kung ang title ay DOS!

——————————

We advise you to watch the salpukan on Valentine’s Day ng Star Cinema versus GMA Films. If you want Piolo Pascual and Bea Alonzo then watch DREAMBOY. If you prefer Richard Gutierrez and Angel Locsin then watch LET THE LOVE BEGIN na bonus pa sina Jennylyn Mercado at Mark Herras. But nevertheless, panoorin ninyo kahit alin sa dalawang movie, tiyak ang panalo kayo dahil parehong kilig flick ito. At pag nanood kayo ay parang natulungan na rin ninyo ang ating movie industry!

——————————

Talked to Direk Willy Milan lately. Sabi niya dead na raw ang movie industry kaya dapat tayong mag-inot inot. Huwag daw tayong umasa sa mga producers. Dapat daw ay may sarili tayong palo para sa ikauunlad ng industriya. By the way, Willy Milan is espousing the recognition of the stunt men. We say amen to this (sabay balentong!).

——————————

Spotted in town were Romano Castelvi and Jean Lopez , one of the durable showbiz couples. And of all places, sa San Lazaro racetrack sa Carmona, Cavite. According to Romano, horse racing ang hobby niya sa Canada. Ow, hindi kaya gusto lang niyang makita ang bagong race moderator na si Rosanna Roces?

——————————

Birthday celebration ni Richard Gutierrez sa Embassy last Saturday. May isang lalakeng hindi kilala na nang-gate crash. At later, ang kamao ng lalake ay nag-crash sa mukha ni Richard. Natural, hinabol ng mga guests ni Richard ang gatecrasher at ibinalik ang crash sa mukha na bigay niya kay Richard. At may interest pa kaya nag hitsurang gulay na lanta ang nasabing gatecrasher. Another action star wannabe!

——————————

In that same incident, naki-usi si Bryan Revilla, the eldest son of Bong and Lani, who was also a guest of Richard. No, hindi si Bryan ang tatay ng anak ng anak ni Osang (huh, parang nakakahilo, a). Anyway, naawa si Bryan sa gatecrasher na bugbog-sarado kaya binigyan ni Bryan ng pera para magpagamot sa ospital. Aba, kinasuhan pa si Bryan ng bribery. Talk of false advertising!

——————————

Remember the malicious Gretchen email? Eto na naman ang isang malicious intriga laban kay, of all people, Lucy Torres. Nag-shoplift daw si Lucy ng relo at pabango sa isang mall. According to Lucy, matagal na itong umiikot sa emails pero hindi niya pinapansin. Kaso kumalat na sa media kaya napilitan na siyang magsalita. As expected, hindi totoo ang accusation. Ang isang masakit kasi, may nakarinig daw sa radio na sabi ni Karen Davila na may hawak silang surveillance tape showing the shoplifting incident involving Lucy. Hindi confirmed kung totoong sinabi nga ni Karen ang ganun. But definitely, ginagamit ng mga tao ang email sa kalokohan. As per our last issue, pag naka-receive kayo ng malicious email, don’t believe it, just send to us!

——————————

Nag-tinker ako minsan sa aming website statistics at nakita ko na may pinakamaraming nag-search ng bio ni Jennylyn Mercado. If that is any indication, ibig sabihin si Jennylyn ang number one celebrity sa mga visitors ng website na ito. For those who do not know yet, may profile database ang www.fapweb.org na makikita ninyo sa main menu, yan yung menu sa itaas ng page na ito. Click nyo yung PROFILES tapos enter nyo ang first name ng celebrity then click search. Pag lumitaw ang desired name ng celebrity, click nyo yun para makita ang bio at photo niya. Sorry nga pala, wala pang bio si Jennylyn sa profiles namin. At ako rin, wala pa rin akong bio!

——————————

Please don’t forget to send your love notes for our Valentine issue. Puwedeng kahit ano basta about love. At this early may na-receive na kaming isang makabagbag-damdaming tula, one in English and one in Tagalog. Pero we cannot publish both kasi mauubos ang space natin. Email your love notes to tessclarin@yahoo.com o kaya sa aming official email address na fap_web@yahoo.com.