May 14
ELECTION 2010 ENDORSERS by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, May 14, 2010

The recent 2010 elections can be a very good gauge for the effectiveness of political endorsers.

Ang endorser nga ba ang nagpapanalo sa mga candidates?

Si administration candidate Gibo Teodoro ng Lakas-Kampi ay itinutulak ng ilang artista gaya ni Melanie Marquez, Ruffa Gutierrez, Annabelle Rama at Rufa Mae Quinto. May direct endorser pa si Gibo dahil vice president niya sa ticket si Edu Manzano at nasa senatorial slate niya sina Bong Revilla at Lito Lapid.

No need to mention na si Joseph Estrada ay isang celebrity. Kasama sa senatorial ticket niya ang anak na si Jinggoy, isa ring artista. Full support kay Erap si Armida Siguion-Reyna, ang dating censors chief.

Surprisingly, si Dick Gordon ay isa sa mga endorsed candidates ni Robin Padilla. Si Gordon din ang napiling presidentiable ni Moymoy Palaboy, isang youtube celebrity, na nagsasabing kusa ang endorsement niya kaya hindi siya naningil ng talent fee.

Hands down sa mga presidentiables, si Noynoy Aquino ang may pinakamaraming celebrity endorsers dahil sa kanyang younger sister na si Kris. Ang ilan sa mga sikat na celebrities na nag-appear sa campaign ni Noynoy ay sina Claudine Barretto, Ogie Alcasid, Dingdong Dantes and Marian Rivera, Ai-ai Delas Alas, Coco Martin, Pokwang at ang megastar Sharon Cuneta.

May direct endorsements din si Noynoy mula sa mga Liberal Party candidates na sina Vilma Santos Recto (governor of Batangas), Cesar Montano (governor of Bohol), Richard Gomez (disqualified congressional candidate in Leyte), Christopher De Leon (board member of Batangas) at Herbert Bautista (mayor of Quezon City).

But the most talked about pagdating sa celebrity endorsers ay si Manny Villar. Maugong ang usapan na 100 million pesos ang endorsement fee niya kay Dolphy. At mas malaking halaga pa ang talent fee kay Willie Revillame na siya ring nagsilbing host sa mga campaign programs. Kasama rin ni Willie ang kanyang Giling Girls.

Villar supporter din si Michael V at ang singers na sina Geneva Cruz at April Boy Regino at ang comedian na si Joy Viado. And to count a sports celebrity, si Manny Pacquiao ay direct endorser ni Villar dahil under NP ang candidacy ni Pacman as congressman ng Sarangani Province.

Reputedly the movie blockbuster princess, si Sarah Geronimo ay masugid na endorser ng Nationalista Party particularly ni Loren Legarda at si Sarah din ang endorser ni Joy Belmonte. Si Joy ay nanalo in landslide fashion pero kabaligtaran naman ang kapalaran ni Loren na naging poor third lamang sa vice presidential race.

Si Mar Roxas ay endorsed ni Mother Lily at Mother Ricky Reyes. Ganun din ang statements nina Maricel Soriano at Martin Nievera sa pag-endorse sa candidacy ni Mar. Pero si Mar ay close second lamang sa vice presidential derby.

Emerging as surprise winner bilang vice president ay si Jojo Binay na endorsed ni Robin Padilla. Si Binay din ang sinuportahang vice president ni Leo Martinez, ang head ng Film Academy at nominee ng AMS – Alyansa ng Media at Showbiz party list. Si Leo at si Binay ay nagkasama sa Kapitbayan radio program sa DWIZ last year.

Ayon sa mga political analysts ay silent worker si Jojo Binay. Ang kanyang gimmick na sister cities ay malaki ang naitulong dahil mismong mga mayors sa probinsya ang kanyang naging mga kakampi. Sa madaling salita, walang masyadong importansya ang celebrity endorsers sa tinahak na landas ni Binay.

Sa kaso ni Villar ay obvious na nakabuhos ang tiwala niya kay Willie Revillame. May mga nagsasabi nga na nagpapakamatay daw si Willie para kay Villar. Unfortunately, very dismal ang performance ni Villar sa counting. This proves, somehow, na walang magandang epekto sa campaign ni Villar ang kanyang mga celebrity endorsers.

On the other hand, negative effect ang naidulot ni Willie Revillame sa candidacy ni Villar. Matatandaang nagpakita ng magaspang na ugali si Willie sa mismong Wowowee noong May 3, that’s one week before election. Nagalit siya sa pagsita ni Jobert Sucaldito sa kanyang gimmick na pag-feature sa mga pasang-awang students (with average grades).

Sabi ni Jobert na hindi magandang example ang ginawa ni Willie na mas dapat daw ay honor students pa nga ang kanyang bigyan ng parangal. Iyun ang ikinagalit ni Willie at nakapagbitaw siya ng statement na hindi siya babalik sa Wowowee hanggang hindi tinatanggal ng ABS-CBN si Jobert.

“That’s plain arrogance,” ang tanging masabi ng mga supporters ni Villar. Alam nila na hindi maganda ang actuations ni Willie. And rubbing salt to the wound, after ilang days ay may dialogue pa si Willie na kung talagang magaling ka at bilib ka sa sarili mo ay hindi ka dapat matakot dahil hindi lang naman iisa ang tv channel. That very strong challenge of Willie to ABS-CBN was literally taken as affront by the voters.

On the part of Noynoy, hard work paid off – Kris and her celebrity friends. Tinupad ni Kris ang pangako niya na babawasan ang pagsasalita upang wala siyang masabing mali at tututok na lang sa pag-iikot sa buong Pilipinas.

Ironically, ang latest movie ni Dingdong Dantes at Marian Rivera na You To Me Are Everything ang naapektuhan. Obvious na Liberal Party ang dating ng movie na iyun kaya ang duda ng movie analysts ay na-turn off ang mga moviegoers na hindi botante ni Noynoy. But in fairness sa movie ay napakaganda ng showing nito sa box office such that nagbigay na ng victory party ang Regal.

The issue of winning thru endorsement was belied by the very vocal Jamby Madrigal. Hindi naman daw talaga nakatulong sa kanyang pagkapanalo bilang senador ang pag endorse sa kanya ni Judy Ann Santos. Dahil doon ay naungkat pa na 30 million pesos daw ang talent fee ni Juday.

Hindi lang naman si Jamby ang may ganyang paniniwala. May mga mayaman o mahirap na naniniwalang hindi kailangan ang mga celebrity endorsers para makakuha ng boto. “Panghatak lang ng tao sa miting,” ang sabi ng isang matandang botante sa Maynila. “Pero kahit dagsa ang tao ay hindi indikasyon na boto na iyun.”

Sa lesson, ganyan nga ang nangyari sa campaign ni Manny Villar.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/