May 07
PREDICTIONS ON 2010 ELECTIONS CELEBS by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, May 7, 2010

Here are the candidates from the entertainment sector:

Joseph “Erap” Ejercito Estrada –president
Edu Manzano –vice president
Jay Sonza –vice president

Jinggoy Estrada – senator
Bong Revilla – senator
Lito Lapid – senator
Imelda Papin – senator
Rey Langit – senator
Tito Sotto – senator

Vilma Santos – Batangas governor
Cesar Montano – Bohol governor
E.R. Ejercito (Jeorge Estregan, Jr.) – Laguna governor

Christopher De Leon – Batangas board
Angelica Jones – Laguna board

Lani Mercado – Cavite congressman

Herbert Bautista – QC mayor
Joey Marquez – Parañaque mayor

Rey Malonzo—Caloocan City vice-mayor (Asistio)
Aiko Melendez – QC vice mayor (Defensor)
Ishko Moreno – Manila vice mayor (Lim)
Jobelle Salvador – Makati vice mayor (Genuino)
Rico Puno – Makati vice mayor (Binay)
Anjo Yllana – Parañaque vice mayor

It’s the second time around for Joseph Estrada in the campaign trail as presidential candidate. Whereas si Erap ang runaway leader sa survey in 1998, ngayong 2010 ay far third place lang siya sa SWS at Pulse Asia surveys. Sa final count, palagay ko ay ganun na nga ang kalalagyan ni Erap – 3rd place.

Si Edu Manzano under Lakas-Kampi of Gibo Teodoro is down at the bottom of the survey ratings. May konting kalamangan lamang si Edu kay Jay Sonza. Ang chances nila para maging vice president of the Philippines? Malabong malabo.

There are 6 senatorial bets courtesy of the entertainment zone. Sa final tally ay malamang na maging number one si Bong Revilla at number two si Jinggoy Estrada. Siguradong panalo naman si Tito Sotto pero nasa middle siya ng list – number 6 to number 8 positions. Si Lito Lapid ay border line kaya kailangan niya ng konting suwerte at maraming dasal para muling maging senador.

Milagro ang dapat hilingin ni Imelda Papin at Rey Langit para sila mag-tagumpay. Si Imelda ay dating vice governor ng Camarines Sur samantalang si Rey Langit ay presidente ng DWIZ. Kahit araw-araw na tirahin ng DWIZ ang mga kalaban ng Lakas-Kampi, kahit araw-araw ding purihin si Rey Langit, sigurado ako na hindi pagbibigyan ng langit ang kahilingan ni Rey.

Sa usapang governor ay nangunguna si Vilma Santos sa probinsya ng Batangas. Ayon sa mga mismong taga-Batangas ay mahirap matalo si Vilma dahil nakopo niya ang puso at isipan ng mga Batangueño. Kahit sabihing may sympathy votes dahil sa pagkamatay ng kalaban niyang si Armand Sanchez due to stroke, halos sure win na si Ate Vi sa kanyang second term as Batangas governor.

Sa province ni Jose Rizal, it’s a toss up between ER Ejercito and Joey Lina. Malakas pa rin ang clout sa mga botante ni Joey Lina dahil marami siyang naibigay sa Laguna noong siya ay senador pa. Si ER Ejercito naman ay ilang taon ding naging Outstanding Mayor ng probinsya at nai-ayos niya ang Pagsanjan lalo na ang tourism sa Pagsanjan Falls.

Love triangle sa mga Boholanos ang laban ni Cesar Montano versus Julius Herrera versus Edgar Chatto. Si Herrera ang sinusuportahan ng incumbent Gov. Erico Aumentado (who is running as congressman). Ngunit ang mga Boholanos ang nagsasabi na “walang talo” si Buboy kahit itanong mo pa kay Amay Bisaya.

Batangas board seat ang inaasinta ni Christopher De Leon. Dati siyang natalo sa vice governor race. Si Angelica Jones naman ay board seat din sa Laguna ang ina-ambisyon. Malamang na manalo si Boyet dahil LP ang partido (nila ni Ate Vi). Si Angelica naman ay malabong manalo dahil hindi naman pang-pulitika ang personality niya.

Muling susubok sa pulitika si Lani Mercado, this time bilang congressional candidate ng Cavite’s 2nd district. Matatandaang natalo si Lani nang tumakbo siyang mayor ng Bacoor (simultaneous sa pagkatalo ni Bong bilang governor ng Cavite). Si Del Abaya ng LP ang inaasahang mananalo pero may slim chance naman si Lani.

art-2010_05_07-predictions-on-celebrities-in-2010-elections-pic.jpg

Mainit ang labanan sa Quezon City pero inaasahang landslide ang magiging panalo ni Herbert Bautista and his running mate Joy Belmonte. Kaya goodbye na sa tandem ni Mike Defensor at Aiko Melendez pati na sa iba pang candidates.

Kung mainit sa QC ay kumukulo ang banggaan ni Baby Asistio at incumbent mayor Recom Echeverri. And to consider na si Rey Malonzo, former mayor, ay tatakbo ngayong vice mayor under kay Asistio. Sabi nga ni Maverick, it would be Bruce Lee versus Paquito Diaz.

Isa pang tagilid ang laban ay si Joey Marquez sa Parañaque. Mahirap talunin ang incumbent mayor na si Florencio Bernabe ng Lakas-Kampi samantalang si Joey ay independent lamang. PMP naman si Anjo Yllana pero mabigat din ang kalaban niyang sa vice mayor na si Gustavo Tambunting ng Lakas-Kampi. Incidentally, si Alma Moreno ay tumatakbong councilor sa pangalang Vanessa Salic.

Other vice mayoral candidates sure to win are Ishko Moreno in Manila (under Lim) and Rico Puno in Makati (in the ticket of Junjun Binay). Kalaban ni Rico si Jobelle Salvador (under Genuino) pero inaasahan na ang pagkatalo ni Jobelle.

Congratulations to the winners on May 10 and better luck to the losers.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/