Apr 30
STAR POWER IN 2010 ELECTIONS by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Apr 30, 2010

Part 2

Since political campaigns are now governed by celebrity endorsers and infomercials, technology is not left behind.

Si Moymoy Palaboy ay naging instant celebrity sa youtube nang makakuha ang kanilang video ng maraming hits (more than 10,000 at first). Si Moymoy at ang kapatid niyang si Rudolf ay nagli-lip synch ng kanta with matching facial expressions. Ganun lang kasimple ang video act ng magkapatid.

But when their style caught fire, nakarating na sa TV si Moymoy Palaboy. Yan ang tinarget ng tambalang Dick Gordon at Bayani Fernando. Dahil siguro sa kawalan ng pondo, presidential candidate Gordon resorted to the internet. Sabi nga ng aming Technical Consultant, the internet is now the 4th media (tri media is composed of the press, radio, and tv).

May press release si Moymoy Palaboy na hindi nila tinanggap ang alok ng NP dahil unlike before na sige lang ang pagboto nila, this time ay pinag-aralan daw nilang mabuti kung sino ang kandidato na dapat iboto. At ang napili ng magkapatid ay ang tandem ni Dick Gordon at Bayani Fernando.

Ang mga infomercial sa youtube ay hindi na mabilang sa ngayon. The Ang Kapatiran Party joined the bandwagon with their own infomercial. Search in youtube for Kabataang Pilipino which is very similar to the infomercial of Manny Villar – moving text na pag binasa ng pabalik ay nagiging positive. It is posted by Norman Cabrera, the AKP secretary general.

Bukod sa mga ginawang infomercials ay tambak din sa youtube ang mga old and new video clips ng mga candidates. Katulad ng mga banat ni Jamby Madrigal kay Manny Villar at Mike Velarde na may views na more than 1,000 each.

Ang youtube infomercial ni Nicanor Perlas ay mahigit 2,000 views na. Ang video clip ni Bro. Eddie Villanueva nang mag-file siya ng candidacy sa Comelec ay may 30,000 views at 5 digits din ang views ng iba pa niyang mga youtube video clips.

Ang AMS Party List ay nakisali na rin with their 2 infomercials sa youtube. Just search for AMS Party List para mapanood nyo ang nasabing youtube infomercial. That infomercial had logged more than 2,000 views in a span of one month exposure.

Sa pagsikat ng Friendster noong year 2001 ay natabunan na ito ng Facebook in the last 2 years. Hindi nakapagtataka na ang number one social networking site na Facebook ay gamitin din sa election. Napuntahan nyo na ba ang Facebook account ng AMS party list? Just search for AMS Party List sa Facebook.

Si Noynoy Aquino ay may 1.3 million fans sa kanyang fan page as against the 1.2 million fans of Manny Villar in the Facebook battle. Although the fan page is not a concrete gauge of popularity, masasabing isa rin itong indication ng kasikatan ng isang tao o product (sa loob ng Facebook lamang).

Nakatanggap ka na ba ng email o text tungkol sa isang candidate?

May loyal texter ako mula sa NP na nagte-text sa akin every day. Bukod sa mga blurbs at spiels for Manny Villar, ang 5 cellphones numbers ay nagte-text din sa akin ng mga paninira laban kay Noynoy Aquino at Mar Roxas. Kadalasan ay mga current issues na kunyari ay news report pero obvious na concocted lamang.

Bukod sa ilang text mula sa kampo ni Dick Gordon at Gibo Teodoro, ilang beses din akong nakatanggap ng text about Bayani Fernando thru the Marikina group naman. Ilang party list din ang nagte-text sa akin ng kanilang mga propaganda.

Halos lahat ng mga political campaign texts na dumarating sa cellphone ko ay galing sa mga unregistered o anonymous texters. Saan kaya nila nakuha ang aking cell number?

Sa mga emails naman ay madalas kong matanggap ang legitimate articles o columns ng mga writers na gaya ni Billy Esposo, Conrado de Quiroz at pati si Lito Banayo. Take note, ang mga email senders ay hindi ko talagang kilala.

Isang interesting email ang nakarating sa aking inbox. Complete with pictures ng supposedly mansion ni Manny Villar sa Utah, agad kong kinusulta ang snopes.com upang ma-confirm na ito nga ay bogus. Ang www.snopes.com ay isang website na naglalaman ng mga so-called urban legends. Doon mo mapipiho kung totoo o hindi ang anumang kumakalat na issue.

Sa email ko rin nabasa ang mga patunay tungkol sa pagkamatay ng kapatid ni Manny Villar. Sa kanyang tv infomercial, sinasabi ni Villar na namatay ang kanyang kapatid dahil sa kawalan nila ng pera. Pero ayon sa natanggap kong email, ang cause of death ni Danny Villar, a toddler at the time, ay leukemia kaya regardless if you are rich or poor ay hindi rin mabubuhay.

Nasa email din ang photocopy ng death certificate ng kapatid ni Villar kung saan naka-specify ang kanilang home address sa 560 square meter lot sa Navotas. Nasabi rin na sa FEU hospital na-confine ng 13 days ang pasyente.

The technology is a powerful media tool. Ito ang dahilan kung bakit ang dating IT, which stands for Information Technology, ay tinatawag na ngayong ICT to mean Information and Communications technology. Napakahalaga ng communication sa mga tao. At lalong mahalaga ang communication sa elections.

Kung may movie star at tv star, sa internet ay mayroon na ring maituturing na cyber stars. Ito ang mga video clips na may mahigit 10,000 views o mga Facebook o Friendster accounts na may mahigit 1,000 friends o fans. Kung meron lang sanang text star. Pero paano naman masusukat ang popularity ng text star?

Ngayong 2010 elections ay masidhi ang kampanya, hindi lang ng mga national candidates kundi pati na rin sa mga local elective positions. Hindi man sila artista, ang popular politicians at mga controversial personalities ay may epekto sa ikapapanalo ng mga candidates.

Ang pagiging oposisyon ni Among Ed at Grace Padaca, both governors of Pampanga and Isabela, respectively, malaking tulong ang naibigay nila sa campaign ni Noynoy Aquino. Ganun din siguro ang tulong na naibigay ni Chavit Singson kay Manny Villar.

Andyan din ang malaking issue ng mga Ampatuan. Sa dating suot na orange at baller band ni Manny Villar ay nagbalimbing ang mga Ampatuan sa kanilang press con para maipakita ang kanilang dilaw na kulay. Agad namang tinanggihan ng LP ang nasabing offer of support from the Ampatuan clan.

May epekto rin kaya ang suporta ni Jason Aguilar Ivler?

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/