Apr 23
STAR POWER IN 2010 ELECTIONS by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Apr 23, 2010

It’s difficult to dispute, because it is a fact, that Popularity is the name of the game in a democratic election.

For the national elections, si Kris Aquino ang star power na ipinag-mamalaki ng Liberal Party ni Noynoy Aquino. Ang reyna ng endorsements at sinasabing reyna rin ng ABS-CBN, tinatayang si Kris ang most effective endorser ng mga pulitiko sa ngayon.

At nagkataon namang naging sikat din ang asawa ni Kris na si James Yap. Sa PBA (Philippine Basketball Association), ang professional league natin, si James ang MVP (Most Valuable Player) last year. Kung dating si Joshua ang darling of the crowd, natabunan na silang lahat ni Baby James ngayon (na nagkataong ka-birthday pala ni Joseph Estrada).

Para sa kanilang kahandaan sa kampanya ay naglaan ng malaking budget ang NP para sa kanilang pantapat kay Kris. Ang unang endorser ng NP ay si Willie Revillame. Matapos idagdag si Dolphy na gumawa ng isang infomercial ay si Manny Pacquiao naman ang kanilang isinama sa partido. Sa pagsapit ng kainitan ng campaign period ay kasama na rin si Sarah Geronimo sa kanilang long list of endorsers.

Ang ipinagmamalaki ng NP na dinadagsa raw ng tao ang kanilang mga rally ay dahil na rin sa kanilang palabas na pinangungunahan ni Willie Revillame. Pero nagreklamo ang mga female senatorial candidates ng NP dahil sa medyo may kalaswaan ang sayaw ng Giling Girls na kasama sa kanilang programa.

Ang PMP ay hindi na nag-aksaya ng panahon at pera para sa celebrity endorser dahil mismong si Joseph Estrada na presidential candidate nila ay isang dating artista. Sabi nga ng mga news reporters, si Erap mismo ay isang balita. Si Jerica Ejercito, ang dalagang anak ni Erap na tumutulong sa kampanya, ay masasabing isa na ring celebrity.

Malamang na ang star power strategy ang tiningnan ng Lakas-Kampi kaya nila kinuha si Edu Manzano bilang candidate for vice president sa ilalim ni Gibo Teodoro. Dahil hindi naman kilala ng tao si Gibo, umaasa ang Lakas-Kampi na madadala ni Edu ang laban pagdating sa usapang star power. Unfortunately, hindi naging effective ang campaign ni Edu, obviously due to lack of proper funding.

Bro. Eddie Villanueva can be considered a celebrity in his own right dahil isa siyang sikat na religious pastor ng JIL—Jesus Is Lord religious sect. Noong 2004 elections na tinakbuhan ni Bro. Eddie bilang president ay ipinagmalaki niyang may 7 million members sila (sa kanilang sekta). Unfortunately, siya ay nakakuha lamang ng less than 2 million votes laban sa 11 million ni GMA at 10 million ni FPJ.

Ang kawalan ng star power ang matibay na dahilan kung bakit nasa kulelat si Dick Gordon sa surveys. Sikat mang masasabi ang kanyang running mate na si Bayani Fernando pero mas appropriate na description ang notorious dahil si BF ay kinaiinisan ng mga vendors, drivers at jeepney and bus operators. Ang pagkapanalo ni BF sa Celebrity Duets ng GMA-7 ay hindi nakatulong sa kanilang kampanya.

Si Jamby Madrigal ay nag-iisa sa kanyang pangangampanya. Imbes na kumuha ng endorser ay itinakwil pa ni Jamby ang ganung gawain at sinabi pang pinagsisisihan niya ang pagkuha ng endorser noong siya ay manalo bilang senador. Sumama ang loob ni Judy Ann Santos sa statement ni Jamby at lumitaw ang usap na may utang pa si Jamby sa talent fee ni Juday.

Ang very conservative Ang Kapatiran Party ay siguradong mapapatid lamang dahil wala silang tunog o ingay except ang endorsements ng ilang bishops. Ganyan din ang kahihinatnan ng kampanya ni Nicanor Perlas na madalas makita sa mga news clips na nag-iisa sa kanyang paglilibot sa Pilipinas. It’s a very lonely crusade for JC and Nicanor.

Ayon sa mga political analysts, ang political campaign ay isang psycho-logical warfare o labanan ng isip. Ang isipan ng mga tao ang malaking challenge sa mga candidates. At dahil yan ang trabaho ng advertising industry kaya ang mga advertising agencies ay buhay na buhay tuwing election period.

Ang mga infomercial ng mga candidates ay ginagawa sa layong makum-binsi ang mga botante na bumoto sa kanilang candidate hence the info-mercial should project an attractive image of the candidate. Noong 1992 elections, “go for good” ang slogan sa infomercial ni Marcelo Fernan sa pagtakbo bilang vice president. When people realized the negative meaning of go for good, agad na-pull out ang nasabing infomercial. Incidentally, si Fernan ay nakakuha ng 4 million votes laban sa 6 million votes ni Erap.

Ang mga nangunguna sa survey at inaasahang mangunguna sa senatorial winners ngayon ay sina Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Miriam Defensor-Santiago. Malaki siguro ang naitulong ng pelikulang Panday kay Bong Revilla at nakatulong rin siguro ang exposure ni Jinggoy sa kanyang movie na Magkaibigan. Si Miriam naman ay celebrity na ring maituturing sa kanyang mga controversial pronouncements from time to time.

Celebrity status ang panlaban ni Vilma Santos sa pulitika. Noong tumakbo siyang mayor ng Lipa, Batangas ay walang nag-akala na maaari siyang manalo. Pero nang tumakbo siyang governor ng Batangas noong 2007 ay wala nang nagduda dahil nakita nila ang star power ni Vilma Santos. Ang fans club ni Vilma na very active sa internet ay all over the world at nag-sisikilos para sa kanilang idolo kung kinakailangan.

Celebrity status din ang inaasahang panlaban ni Cesar Montano. Noong 2007 senatorial elections ay hindi nagwagi si Cesar. Ayon sa mga political analysts, ang dahilan ay ang impression na binayaran siya para sumapi sa Team Unity ni President Arroyo. Ngayong election ay malaki ang panalo ni Cesar bilang governor ng Bohol, ang kanyang probinsyang pinasikat niya sa movie niyang Panaghoy Sa Suba.

In the same vein, si Richard Gomez ay tumatakbo ring governor ng Leyte. Katulad ni Cesar, artista rin ang asawa ni Goma na si Lucy Torres at isang magaling na TV host pa. At gaya ni Cesar, talunan din si Goma noong 2007 elections sa senatorial race as an independent candidate. Ngayon naman ay may pending disqualification case si Goma dahil sa residency requirement.

Hindi gaya noong araw na ang election ay pinangungunahan ng mga issues, ngayon ay celebrity endorsers na ang nagpapagalaw sa mga political campaigns. Mga jingles at infomercial na ang namamayani sa radio at tv at ang mga personalidad na pinag-uusapan ay ang mga endorsers imbes na ang mga candidates. In short, popularity ang kailangan.

In my own experience, I won a seat in the board of SGP (Screenwriters Guild of the Philippines) dahil sa aking pagiging website writer. Halos lahat ay nagulat nang ako ay manalo for the simple reason that I don’t personally know anyone in the guild.

Fortunately, marami palang members ng guild na nagbabasa ng aking mga articles sa FAP website. In fact, Dr. Issa Sebullen, the current SGP president, is an avid reader of my articles. I remember during the counting, very audible ang mga tanong nila kung sino raw ako dahil isa ako sa mga nangunguna sa scoring.

Continued next week

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/