Mar 26
ACADEMICALLY SPEAKING by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Mar 26, 2010

Part 2

Ang share sa proceeds ng MMFF (Metro Manila Film Festival) ang main source of funding ng Film Academy. From my understanding, MMFF was established for the benefit of movie industry groups like Mowelfund, Film Academy, Film Development Council at Motion Picture Anti-Piracy Council.

Ang mga nabanggit na organizations ay may mga representative sa Executive Committee ng MMFF. This setup is mandatory so that the beneficiaries like Mowelfund would have a voice. Impliedly, the head of the beneficiary group is invited to sit as a member of the MMFF’s Execom.

The late Atty. Laxa, the FAP’s chairman, had been representing the Film Academy in this regard. However, when Atty. Laxa passed away last year, it is imperative that the new chairman should assume the position in the MMFF Executive Committee.

“Ang sabi ni Rolly Josef ay hindi na ako member ng execom,” laments Leo Martinez, currently the director general and concurrent chairman of FAP. May nagsabi pa raw na ina-appoint ang member ng execom at hindi naman automatic. Mr. Martinez asks, “Sino ngayon ang representative ng Film Academy?”

Sino ba ang may appointing powers sa executive committee ng MMFF? Makatuwiran bang tanggalan ng representasyon ang FAP? Bakit kailangang maging issue ang representation sa MMFF executive committee?

Eto pa ang isang tanong – are the proceeds of the MMFF wholly given out to the beneficiaries? O baka naman portion lang ang naibibigay ng MMFF para magamit ang ibang pera halimbawa sa pagbibigay ng cash gift sa mga nagdaos ng kaarawan?

Ayon sa ilang insiders ng Film Academy ay hindi nagta-tally ang computation nila sa actual monies received by FAP. Sa estimated na 3 million pesos na dapat maibigay sa FAP ng taong 2009 ay 900,000 pesos lamang ang kanilang tinanggap. Ganun din ang ratio of difference ng mga nakaraang ilang taon.

Bakit nagkakaganito? Hindi birong pera ang proceeds ng MMFF. Wala ba itong oversight committee para ma-check kung tama ang disbursement at kung wasto ang pinupuntahan ng pera? Na-resolve na ba ang kaso ng birthday gift kay dating MMDA chairman Bayani Fernando na umabot sa 1.4 million pesos?

art-2010_03_26-academically-speaking-part-2-pic.jpg
The free lunch at FAP in celebration of Director General Leo Martinez’s birthday

Ang isa ko pang tanong – bakit ang pamamahala ng Metro Manila Film Festival ay nasa kamay ng MMDA? Ang festival ay isang purely showbiz affair, isang entertainment affair na hindi magandang haluan ng pulitika. Admit it or not, ang MMDA is a political arm of the government. Bakit nangyayari ang ganitong kalakaran? Kailangan ba ng batas para mabago ito?

Sa loob at labas ng movie industry, iisa lang ang naririnig ko. “Malaking pera ang MMFF.” At dahil dyan ay suspect for corruption agad ang tingin ng mga tao unless may audited figures na inilalabas ang MMFF. Katulad sana ng ibang organization na may year-end report, sana may terminal report din ang MMFF tuwing matatapos ang isang period ng festival.

Last February ay isinara ang MMFF 2009 at officially opened na ang MMFF 2010. It’s only proper to give a chairman’s report kahit sa media man lang sana. That way ay nalalaman ng publiko kung saan napupunta ang kinikita ng festival. Remember, ang publiko ang tumatangkilik sa festival.

It’s already a cliché when someone says “the movie industry is dying.” Mere commiserating is not enough. Dapat kumilos tayo. Paano natin ibabangon ang movie industry kung ang mismong Film Academy ay neglected? Take note na ang FAP ay isang quasi-government entity dahil ito ay likha ng isang Executive Order. At malinaw na ang funding nito ay manggagaling sa gobyerno.

Ang pinuno ng FAP ay isang director general na appointed ng pangulo ng Pilipinas. Sa nangyayaring kapabayaan sa funding ng FAP ay para na ring hindi iginalang ang appointing power nito.

Dapat ring maunawaan na ang Film Academy ay umbrella group ng lahat ng sectoral groups sa movie industry. Sa macro inspection ay makikitang lahat ng tao sa movie industry ay represented sa FAP. In fact, pati mga producers ay kasapi dito. Kaya nga may kasabihan na ang gustong gumawa ng pelikula ay pupunta lang sa FAP dahil kumpleto ito mula sa writers hanggang sa artista.

Ang akala siguro ng karamihan ay Luna Awards lamang ang silbi ng FAP. At kapag hindi na awards season ay wala nang ginagawa ang mga tao sa Film Academy. Napakaliit ng plantilla ng FAP – 2 tao sa secretariat, 1 sa website, 1 janitor/messenger at 1 guard – total na 5 tao sa mga pang-araw-araw na gawain

Una sa trabaho ng FAP ay ang maging contact point ng mga tao sa movie industry. Lalo na ngayong may internet na, ang FAP ay nagiging information center. Maraming emails na natatanggap mula sa iba-ibang lugar at iba-ibang nationalities, kadalasan ay mga inquiries tungkol sa mga artista o movies. Hindi mabilang ang mga estudyanteng nakakuha ng information na magagamit sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng email ng FAP.

Speaking of information, ang FAP website ay napakalawak ang sakop. Ang mahigit 5,000 hits per day ay respectable figures na puwedeng ihambing sa mga best-selling regional newspapers. Dahil sa FAP website ay lalong dumarami ang nakikinabang sa information na puwedeng makuha sa FAP.

Every week ay 4 na articles ang nailalatag sa FAP website. Ang mga lumang articles ay nasa archive at always accessible ng kahit sino. Mayroon din itong directory ng mga movie industry workers at celebrities kaya nga lang ay hindi makumpleto dahil sa kakulangan ng resources. Mayron ding list of awards ng FAP, Urian, atbp.

Maraming makabuluhang projects ang FAP na lately ay na-shelved na lahat dahil sa kawalan ng pondo. Ang magandang balak na mag-produce ng movie base sa Philippine literary character ay hindi na natuloy. Ang mga planong talk show na magbibigay ng bagong kulay sa movie industry ay hindi na rin natuloy.

Ang pamunuan ng FAP ay trying hard na makakuha ng project funding mula sa NCCA (National Commission for Culture and the Arts). Pero hindi naman biro ang documentary requirements ng NCCA. In fact, ang SGP (Screenwriters Guild of the Philippines) ay nag-submit ng proposal for a grant to produce a movie. Sa kinasamaang palad ay na-reject ang nasabing proposal.

At dahil ang FAP ay immediate sponsor ng mga guilds kaya pati ang mga guilds ay wala na ring maipakitang output. Liban sa iilang project ng 2009 ay halos natulog na ang mga guilds dahil nga sa kakulangan ng logistical support.

Sana ay makita naman ng mga sensible people in the gov’t ang kalagayan ng Film Academy of the Philippines. Sana ay mabigyan ng suporta ang FAP upang kahit man lang ang International Film Market project ay maisakatuparan. Sana ay mag-ibayo ang pansin sa Film Academy upang mabiyayaan naman ang mga kasapi dito na dati rin namang naglingkod sa movie industry.

Wala tayong magagawa sa ngayon kundi ang magdasal.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/