Mar 19
ACADEMICALLY SPEAKING by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Mar 19, 2010

Part 1

Matagal nang panahon nang una akong makapag-publish ng article sa website na ito kaya nakita ko ang pagbabago sa Film Academy.

Mula sa pagpapalit ng pangalan (originally ay www.fap.com.ph) hanggang sa pagpapalit ng website administrator ay hindi nagbabago ang mga articles. Malaman. Sensible. At madalas ay positive ang projection.

Contrary sa mga magagandang articles at writeup ang nangyayari sa loob ng Film Academy. Sa dati-rating mahigit 5 million pesos na yearly budget ay na-slash sa halos 1 million na lamang. Sabi nga ni FAP Director General Leo Martinez, “Ano naman ang mangyayari sa ganyang kaliit na budget?”

Ang tanong ko naman ay bakit ba lumiit nang ganito ang budget?

According to some FAP veterans, ang budget ng Film Academy ay nanggagaling sa kinikita ng MMFF (Metro Manila Film Festival) na idinadaos tuwing panahon ng Kapaskuhan. Paminsan-minsan ay may mga opisyal ng gobyerno na nagbibigay gaya ng senador o congressman.

Taong 2005 nang biglang baguhin ang sharing scheme ng MMFF revenue. Ang FAP na dating nabibigyan ng 30% ay naging 10% na lang ang share sa kinikita ng nasabing festival. Ito raw ang direct result ng advice kay Pangulong Gloria Arroyo.

Tanging ang Adviser for entertainment lamang ang makakasagot kung bakit ginusto niyang liitan ang share ng FAP. Maaaring galit siya sa pamunuan ng FAP o hindi niya gusto ang pagmumukha ng mga miyembro ng FAP. Sa madaling salita, ang nangyayari ay sa disadvantage ng FAP at ng mga kasapi dito.

Sino nga ba ang mga nakikinabang sa FAP?

Ang FAP ay umbrella group na siyang nangangasiwa at sinasandalan ng mga guilds o sectoral groups ng movie industry. Nasa ilalim ng FAP ang samahan ng mga cinematographers o cameraman, mga scriptwriters, at iba pang manggagawa sa loob ng movie industry.

Ang bawat guild na kasapi sa FAP ay tumatanggap ng monthly subsidy para sa operational expenses. Aside from this, FAP provides an office space to the guilds for the pursuance of their operations. Ang pangulo ng mga guilds automatically becomes a member of the FAP board of governors.

Ang modest FAP office sa ground floor ng Octo-Arts building sa Panay Avenue, Quezon City ay nagsisilbi ring convergence zone ng mga movie industry people. Hindi kaila sa karamihan na ang mga taga-movie industry ay umiistambay sa Escolta noong araw at ngayon naman ay sa Tropical Hut sa malapit sa FAP office.

Ang ganitong pagtatagpo ng mga movie industry workers ay isang network na nagagamit ng mga walang trabaho. In other words, movie industry workers search for projects thru informal meetings. Sabi nga ng mga FAP officers, “Ang kape sa FAP ay laging mainit at walang bayad.”

art-2010_03_19-academically-speaking-part-1-pic-1.jpg
Citer screening at the FAP office

Sa taunang Luna Awards, ang proseso ay tinatampukan ng mga Citers, Nominators at Voters. Ang unang grupo ay binubuo ng 10 Citers bawat isang guild. Ang Nominators ay binubuo ng limangl tao bawat guild. Ang panghuli ay binubuo ng 30 Voters bawat isang guild. At matapos ang proseso ay saka lamang idadaos ang Luna Awards.

Ang Luna Awards for 2008 ay hindi na yata idadaos dahil sa kawalan ng pondo. At kapag hindi pinalad ang FAP ay baka ganun din ang maging kapalaran ng Luna Awards for this year – 2010. Ang estimated budget requirement ng Luna Awards ay almost 1 million pesos.

Maaaring hindi napapansin ng karamihan na ang screening process ay isang daan sa pagkikita-kita ng mga veteran workers sa movie industry. Sa Citer screening ay mahigit 100 katao ang nagkakatagpo-tagpo upang sabay-sabay panoorin ang mga movies nang nakaraang taon. Isang magandang pagkakataon ito na makahalubilo ang mga dating kasamahan lalo na sa mga retired at matatandang movie industry workers.

Pagdating ng Voting ay muling panonoorin pero this time ay ang mga nominated movies na lamang. Mas marami na ang nanonood ng sama-sama kaya madalas itong gawin sa UP Film Center. Ang mga Voters ay binibigyan ng transportation allowance na mahigit 100 pesos per screening day bukod sa libreng pagkain.

art-2010_03_19-academically-speaking-part-1-pic-2.jpg
Snapshot of Luna Award Citers

Gaya ng sinabi ko sa itaas, napakagandang pagkakataon ito para magkita-kita ang mga dating Film Editors, matatandang Film Directors, mga laos na artista, atbp. Kahit sa mga litrato at documentary video lamang ay bakas ang kaligayan sa mukha ng mga Voters. Isa si Sergio Lobo sa nagpapasalamat sa mga video at litrato. Si Ka Serge na dating cinematographer ay namatay bago mag-Pasko ng taong 2009.

Pero itong munting kaligayahan ng movie industry people ay nagbabadyang mawala. Sabi nga nila, matatapos na ang maliligayang araw ng mga taga-Film Academy. Dahil wala na kasing pondo para idaos ang proseso ng Luna Awards. Wala na ring pagkakataon ang mga veteran movie workers na magkaroon ng bonding.

Kailan kaya ibabalik ang 30% share ng FAP sa proceeds ng MMFF?

Marami ang umaasa na magbabago for the better ang financial condition ng FAP after the elections. Marami rin naman ang nagsasabi na baka maging mas masahol pa ang mangyari depende sa magiging bagong presidente.

Pero kung tutuusin ay hindi lang naman presidente ng bansa ang puwedeng magbigay ng tulong sa Film Academy. Andyan naman ang iba pang opisyales na gaya ng mga senador, lalo na ang mga showbiz senators na gaya ni Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Lito Lapid.

Mabuti pa nga si Sen. Miguel Zubiri dahil nakapagbigay siya ng 2 million pesos para sa housing project ng NMPP (Nagkakaisang Manggagawa ng Pelikulang Pilipino) at DGPI (Director’s Guild of the Philippines). Sana ay dumami pa ang kagaya ni Sen. Zubiri pagkatapos ng election sa Mayo.

Abangan ang Part 2 – interview kay FAP Director General Leo Martinez.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/