Mar 12
ULTIMATE TALENTADONG PINOY by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Mar 12, 2010

Nang mabili ni Manny Pangilinan ang TV5 ay nag-umpisa na itong maging threat sa rivalry ng GMA-7 at ABS-CBN. Pambato ng TV5 ang Talentadong Pinoy na hinango ang format sa America’s Got Talent.

A record of sorts, ang Talentadong Pinoy ng TV5 ay naging number one sa rating bago pa ito mag-isang taon sa ere. Bilang by-product ng success nito ay nagkaroon din ng Kuwentong Talentado tuwing Monday night. Dito pinapakita ang mga sidelights ng Talentado contestants.

To make it more interesting, ang weekly champion ng Talentadong Pinoy ay nilagyan ng limit na maximum of five weeks only, with the winner getting P50,000 each week. Ang mga nakapanalo ng five consecutive weeks ay iniluluklok sa tinatawag nilang Hall of Fame.

Sa tinakbuhang mahigit isang taon ng Talentadong Pinoy ay nagkaroon na sila ng pitong Hall of Famer. Very dynamic ang “think tank” ng Talentadong Pinoy dahil naisip nilang agad paglaban-labanin ang pitong Hall of Famer.

Bilang dagdag na entry ay nagpasok sila ng wildcard para maging walo ang contestants sa Battle of the Champions. Ang wild card ay ang magiging grand winner sa tunggalian ng mga dating winners (na hindi Hall of Famer o hindi nakapanalo ng five consecutive weeks).

Sa loob ng dalawang linggo idinaos ang wildcard eliminations. Bukod sa puntos na galing sa jury ay may text votes din ang wildcard selection. Matapos ang competition ay namayani si Jackielyn, isang batang babaeng bulag na singing ang ginawang performance.

Making the event grander is the inclusion of famous celebrities as jury. Nangunguna ang perennial talent scout ng Talentadong Pinoy na si Audie Gemora, Jose Javier Reyes, Alessandra de Rossi, Joey De Leon, Judy Ann Santos at ang bagong contract talent na si Ruffa Gutierrez.

Ang mga naglaban-laban sa Battle of the Champions na idinaos sa Cuneta Astrodome noong March 6 ay ang mga sumusunod:

1. Far East Acrobats – isang pamilya ng professional circus performers. Sa mata ng pangkaraniwang audience ay overkill ang act ng Far East Acrobats dahil may nagpe-perform sa foreground at meron din sa background.

2. Makata Tawanan – tumutula ng mga humorous stanzas. Bukod sa nakangiting mukha na may dimple, si Makata Tawanan ay gumagamit ng appropriate props gaya ng mga litrato. Sa Battle of the Champions ay banda ng musiko ang props niya bukod pa sa mga backup dancers na naka-costume ng probinsyano.

3. Leah Patricio – isang soprano kaya expected na hindi simpleng kanta ang gagamitin niya sa Battle of the Champions. Impressed naman ang mga tao dahil professional singer si Leah at talagang may ibubuga sa biritan.

4. Omar, The Ladder Balancer – ay gamit ang props na hagdan. Bukod sa naninimbang siya sa nakatayong hagdan ay tinitimbang din niya ang mga umiikot na plato sa kanyang ulo at bibig. Ang isang pagkakamali ni Omar ay nang mabitawan niya ang umaapoy na kahoy na gagamitin sana sa juggling.

5. Wanlu, the ventroloquist – pinagsasalita ang manyikang si Nicolo. Matagal na naging professional magician si Wanlu bago siya naging ventriloquist. Laging hit ang act ni Wanlu dahil napakaganda ng kanyang script. Pero this time ay hindi interesting ang mga dialogues at parang hindi pinaghandaan ni Wanlu ang Battle of the Champions.

6. Yoyo Tricker – a.k.a. Joshua Davis, isang yoyo wizard ang 14-year old na ito. Pero bukod sa yoyo tricks ay nagpakita siya ng husay sa pagsayaw at ang choreography ay angkop sa temang Michael Jackson. Nagkamali man ng isang beses, sabi ni Alessandra na “so what” to mean balewala ng error dahil kahanga-hanga talaga si Yoyo Tricker.

7. Tribal Dancers – grupo ng 4 na babaeng pawang magaganda at sexy. Gumagamit sila ng apoy sa kanilang pagsasayaw at ang choreography nila ay laging very complex at visually entertaining kaya hindi nakaka-sawang panoorin.

8. Jackielyn – blind elementary school girl. Hindi masasabing exceptional ang talent ni Jackielyn dahil malayo ang performance niya sa performance ni Leah Patricio. Marami nga ang nagtataka kung bakit naging wild card winner si Jackielyn.

Ang Talentadong Pinoy ay isang talent competition kaya sana ay malinaw sa mga hurado ang kanilang pagpili ng panalo. Ang talento ay God-given o natural na husay na hindi katulad ng skills na napapag-aralan lamang. At lalong hindi sana kasama sa judging ang compassion o awa particularly sa mga handicapped contestants.

Sa pagsasanib ng mga scores ng jury at ng text votes ay hinirang na Ultimate Talentadong Pinoy si Yoyo Tricker. Sabi nga ni Jose Javier Reyes na star material si Joshua at malayo pa ang mararating dahil bata pa siya. Napanalunan ni Yoyo Tricker ang premyong P1 million.

Bilang pampalubag loob kay Jackielyn, nag-offer ng tulong si Manny Pangilinan na patitingnan sa specialist si Jackielyn at kung may magagawa pa ay baka ipaopera ang kanyang mga mata para makakita siya.

Bukod sa production number ng halos 200 participants na mga dating contestants, nagsayaw din si Lucy Torres at si Regine Tolentino. Ang live coverage ng Talentadong Pinoy ay inabot ng 3 oras, nagsimula ng 8 pm at natapos ng 11 pm.

Very momentous event ang Battle of the Champions dahil inaasahang lalong gaganda ang show at lalong dadami ang sponsors. At sa suportang ipinakita ng management, malamang na aalagwa sa ratings ang Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/