Mar 05
INTERNET RADIO DJ by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Mar 5, 2010

Because a new medium is emerging, Internet Radio, a new breed of broadcaster is likewise emerging, the Internet Radio DJ.

Normally, ang DJ ay palamuti lamang sa ere (airwaves) bukod sa sila ang nagsasalang ng tugtugin. Para sa hindi nakakaalam, ang mga DJ ay walang direktang kinalaman sa mga kanta at tugtog dahil ang nagpe-prepare nito ay ang programming manager.

Ang www.radiopilipinas.com ay isang halimbawa ng internet radio. Click here for a related article: http://filmacademyphil.org/?p=1883

Owned by Nolit Abanilla, na siya ring presidente ng www.indiepinoy.com, ang Radio Pilipinas ang main outlet ng mga Indie Pinoy music. Ang Indie Pinoy ay registered music label para sa distribution ng music sa mobile gadgets gaya ng cellphone at blackberry.

Pioneering act din ang Indie Pinoy. Last Christmas ay naglabas sila ng album composed of songs from Indie musicians, a.k.a. neverheard. Nito namang Valentine’s ay muli silang nag-release ng album. Ang sales ng Indie Pinoy ay via order sa kanilang website.

Professional musician si Nolit kaya obviously na for the music ang primary objective niya sa Radio Pilipinas. Bassist siya ng K and the Boxers at minsan ay nahahatak siya ni Pooh, Erik Santos, Ai-ai at ng iba pang Backroom Inc. artists. Bilang business naman ay may internet hosting provider si Nolit – www.nolithosting.com.

Pangarap ng Radio Pilipinas na lumawak ang audience base kaya nakatutok sila sa mga students dahil kadalasan ay mga students ang trend setter when it comes to music. At dahil independent radio station sila kaya most of the songs they play ay mga kanta ng indie musicians o yung mga baguhan.

Unlike the traditional radio station, ang internet radio ay walang DJ booth dahil ang mga DJ (disc jockey) ay nasa harapan lang ng computer. Binabantayan lang nila kung maayos ang playing ng music o kanta. Pero gaya ng traditional radio, ang mga internet radio DJ ay puwede ring magsalita.

And since only a computer is needed to do the deejaying, ang mga DJ ng internet radio ay nasa bahay lang nila. Of course, bukod sa internet connection, ang kanilang home computer ay meron ding microphone at software para maging DJ machine talaga.

Ang afternoon DJ na si Kuya Kurt ay isang Graphic and Web artist. Siya ang nag-design ng very colorful layout ng Radio Pilipinas. Nagkaroon siya ng involvement sa pag-design ng internet radio before na mapasama siya sa Radio Pilipinas.

art-2010_03_05-internet-radio-dj-pic-kk-nolit-girl-heber.jpg
Kuya Kurt, Nolit Abanilla, unidentified girl, Heber Bartolome

Katulad ni Nolit, si Kuya Kurt ay isa ring musician. Kasama siya sa bandang Blue Martian Cookies at Sigwada Experiment. Bukod sa pagtugtog ng gitara ay songwriter din si Kuya Kurt.

Parang motto ng Radio Pilipinas –to contribute something to the music industry—and layunin ni Kuya Kurt. Gusto rin niyang mabigyan ng break ang ibang musicians lalo na yung mga baguhan na may talent.

Si DJ Jeannie naman ay isang jazz lover na working student – nagbibigay ng tutorial music lessons for violin, piano and voice at tumutugtog din professionally paminsan-minsan habang tinatapos niya ang degree na Creative and Musical Performance, with a major in Asian Music.

Bukod sa piano at violin ay marunong din siya ng guitar at mga indigenous instruments gaya ng kulintang, kalinga bamboo, erhu na isang 2-stringed Chinese fiddle, Indonesian gamelan at pati Japanese Koto. “I got exposed to all of these instruments in school, since I’m currently studying in UP College of Music.”

DJ Jeannie was first a member of the Songwriters Philippines, isang forum sa internet na itinayo ni Kuya Kurt para sa mga songwriters. Thru this forum ay nagkakaroon sila ng Songwriters Night to provide a venue for performance.

Nang mabalitaan ni DJ Jeannie ang tungkol sa Radio Pilipinas ay agad siyang nagprisinta bilang DJ. Pero ang genre na gusto niya ay jazz at tanging jazz lamang. “You see, I noticed that most of the indie music we know and hear are either alternative or metal, something running along the lines of rock. Being a pop jazz artist myself, I wanted to provide a space for us in our genre.”

Okay lang naman kay DJ Jeannie ang night schedule – 11 pm until past midnight. “My very purpose was really to provide an outlet for myself to really learn to speak and host. If I am really serious about it, I might even go for mainstream radio. But otherwise, I’m happy with Radio Pilipinas, supporting the independent artists, and providing some entertainment to our beloved friends here and abroad.”

Para sa karagdagang libangan, ang mga internet radio DJ ay maaaring makipag-chat sa mga listeners. This facility is provided para maging interactive sa audience. Very convenient pa nga dahil ang chat facility ay nasa mismong front page ng Radio Pilipinas.

For listeners who want to make a request, puwede silang mag-post sa chatboard o kaya ay mag-text sa 0921-822-1822.

In the days to come, baka maging part din ng mainstream ang internet radio lalo na kung maging welcome sila sa mga sponsoring companies.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/