Feb 26
RADIO PILIPINAS by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Feb 26, 2010

Technology advances by leaps and bounds. Akala ko dati ay kapalit lang ng typewriter ang computer. Tapos nadagdag ang functions ng calculator. Later on ay naging drawing board tapos naging laruan dahil sa mga games.

Hindi ko naisip na ang computer ay magiging instrumento ng communication. Sa pagsikat at paglago ng internet ay naging very powerful na communications tool ang so-called personal computer. Sa panahon ng wireless communications ay may mga taong hindi mabubuhay kung walang connection (celphone o internet).

Sa umpisa ng ICT (Information and Communication Technology) ay email muna ang naging popular. Maaari kang magpadala ng sulat kahit saang bahagi ng mundo na may internet. Sumunod ay ang chat na maaari kang makipag-usap kahit kaninong may computer na may chat function. Later on ay naidagdag pa ang webcam (internet camera) kaya nagkakakitaan kayo ng iyong kausap.

Sa pag-usad ng technology ay hindi naiwan ang entertainment. Nauna sa mga free downloads ang mga recording ng kantang may format na mp3. Dahil sa compressed format nito kaya mabilis ang download (pagkopya mula sa internet patungo sa personal computer sa bahay).

Malaking legal problem ang kinaharap ng www.napster.com noong dekada ng 1990 dahil sa infringement of copyright. Sila kasi ang unang website na nagbibigay ng free downloads ng mga existing songs na halos lahat ay copyrighted.

Ang depensa ng Napster, hindi naman daw sila ang nagkakarga sa internet dahil ang kanilang website ay free market ng mga kanta kung saan puwede kang mag-contribute by uploading at puwede ka ring kumuha by downloading songs na walang bayad.

Sumunod sa kanta ay mga video clips naman. Karamihan ay mga excerpts ng old movies at tv commercials. Hindi nagtagal ay puwede na ring mag-upload at mag-download ng mga movies especially sa pagsikat ng www.youtube.com.

Masasabing ang internet ang pinakamagaling na imbensyon ng tao ngayong siglo. Bukod sa pagiging interactive communication tool kung saan puwede kayong magpalitan ng email o mag-usap sa chat, ang internet ay puwede na ring gawing telebisyon o radyo.

Dito ko natagpuan ang www.radiopilipinas.com. Isang website na umaaktong parang isang FM radio station. Meron itong schedule ng program at meron ding DJ. At dahil may DJ kaya puwede ring mag-request.

Pag-display pa lang ng frontpage ng website ay agad maririnig ang tugtog na walang kinaibahan sa radyo. Pero sabi ng mga techno ay depende raw sa speed ng connection ang behavior ng tugtog. Ibig sabihin kapag mabagal ang iyong internet connection ay magpu-putol-putol ang tugtog pero kapag mabilis ang iyong internet connection ay radyong-radyo ang dating.

Ang design ng font page ng website ay ginaya ang panel ng radyo. May button para sa play, pause, stop at meron ding rewind at fast forward. Syempre andyan din ang volume control.

Ang isang peculiarity ng internet radio na ito ay bukod sa mga tugtuging Pinoy ay halos mga bagong awitin ang maririnig. Sa tawag na alternative radio, ang ganitong radyo sa internet ay naglalayon na palawigin ang audience ng mga indie songs.

Katulad sa movies, ang indie songs ay mga compositions ng baguhan at hindi sikat na composers. At ang mga performers ay mga singers at banda na hindi rin sikat. In other words, ang internet radio ay isang venue ng mga maliliit o marginalized music people na hindi kayang mag-produce at mag-promote ng sarili nilang album.

Narito ang regular programming ng Radio Pilipinas:
7:00 – 8:00 am. daily – BERSYON
8:00 – 9:00 am. Mon to Fri – MAINIT NA KAPE – hosted by Nolit
10:00 – 12:00 pm. daily – INDIEPINOY
12:00 – 1:00 pm. daily – WEEKLY TOP TEN
3:00 – 5:00 pm. Mon to Fri – WADAPAKISHDISH– Kuya Kurt
5:00 – 6:00 pm. – BASS HOUR – Chitols
6:00 to 7:00 pm. – MASS LINE – Nato
7:00 – 8:00 pm. daily – NURSERY RHYME – Jeffre Yumol
8:00 – 9:00 pm. daily – FILIPINO METAL – DJM
9:00 – 11:00 pm. Tue and Thu – BANDS LIVE
11:00 pm. – 1:00 am – JAZZ EASY – DJ Jeannie
1:00 am. – PINOY CLASSIC
2:00 am. onwards – AUTO

Ang mga internet radio na ganito ay may sariling audience na puwede nilang maging connection para mai-promote ang album o concert. Sa ngayon ay may naglilitawang indie album. Yan ang mga produced ng ilang grupo o minsan ay self-produced ng singer at composer.

Sabi nila ay hindi na kailangan ang mga malalaking record companies para gumawa ng album. Sa tulong ng technology ay nakakapag-record ng kanta gamit ang personal computer. Sa promotion ay magagamit naman ang internet particularly ang mga internet radios at puwede rin ang youtube in case of mtv.

At sa mga gustong mag-request ay puwedeng mag-text sa 0921-822-1822. O kaya ay mag-log on lang sa www.radiopilipinas.com.

Saan patungo ang entertainment? Gaano kabilis ang paggalaw ng technology? Wala sigurong makapagsasabi kung bukas o makalawa ay hindi na tayo lalabas ng bahay dahil nasa internet na lahat ng kailangan ng ating mga mata at tenga.

Gaya ng sabi ng aming technical consultant, “indeed the internet is the fourth media (aside from print, tv and radio).”

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/