Feb 19
CELEBS IN 2010 LOCAL ELECTIONS by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Feb 19, 2010

At this early, kahit hindi pa legal ang declaration ng candidacy ay nakalitaw na ang mga kulay ng celebrities sa 2010 local elections.

Herbert Bautista, a young comedian of yore, is poised to be the mayor of the country’s biggest city. Matapos ang 3 terms sa pagiging vice mayor kay Sonny Belmonte ay tatakbong mayor ng Quezon City si Herbert, nicknamed Bistek. Incidentally, ang vice mayor sa kanyang ticket ay si Joy Belmonte, the beauteous and intelligent daughter of the incumbent mayor.

Like Bistek, after 3 terms of being councilor ay tatakbong vice mayor si Aiko Melendez under PMP (Partido ng Masang Pilipino) of Joseph Estrada. Si Aiko ay dating asawa ni Jomari Yllana at na-involved sa controversy nang makaaway sa isang bar si Happy Ongpauco, daughter ni Liberty Ilagan at first cousin ni Heart Evangelista.

Tatakbong konsehal sa Quezon City’s 2nd district si Roderick Paulate, another comedian. Makakalaban niya si Alfred Vargas at Glenda Garcia. Kasali rin sa labanan ang newscaster na si Precious Hipolito, dating young actress. Si Precious ay asawa ni Winston Castelo, isang councilor na lalaban ngayon sa pagiging congressman.

Tatlong generation of politics ang gustong mangyari ng mga Mathay sa Quezon City. Council seat ang puntirya ni Ara Mina samantalang ang amang si Chuck Mathay ay tatakbo ulit na congressman. Ang kanyang lolo na si Mel Mathay ay sasabak din at gustong maging mayor muli.

Magkalaban sa 3rd district ng Quezon City ang violinist na si John Lesaca at ang showbiz reporter na si Ogie Diaz Pandaan. Sa 4th district naman ay labo-labo sina Ricky Davao, Jigo Garcia at Maria Isabel Lopez. Si Jigo ang ama ng young star at popular tv personality na si Jennica Garcia.

Si Arnell Ignacio ay magtatangkang maging councilor ng Quezon City. Ganun din ang pangarap ni Dan Alvaro, isang character actor at stuntman.

Sa hot city of Caloocan ay babanggain ni dating mayor Rey Malonzo si Recom Echiverri. For re-election naman si Marjorie Barretto, dating asawa ni Dennis Padilla at napapabalitang ka-relasyon ng mayor.

Sa pagtakbo ni Mayor Jojo Binay bilang vice president ay iiwan niya sa anak niyang si Erwin Binay ang position. Isang Erwin din ang tatapat kay Erwin Binay – si Erwin Genuino na anak ng Pagcor chairman. Ang vice mayor ni Erwin Genuino ay si Jobelle Salvador, dating artista at anak ni Leroy Salvador, dating councilor at naging vice mayor din ng Makati City.

Sa Makati pa rin, tatakbong congressman ang singer na si Rico Puno. Currently ay councilor si Rico ng Makati. Si Edu Manzano, na running for vice president, ay dating vice mayor ng Makati na tinalo ni Binay sa pagiging mayor.

Sa Parañaque ay babalik si Joey Marquez sa dati nyang puwesto bilang mayor. Si Anjo Yllana na kanyang kaibigan ay tatakbong vice mayor. Hindi pa malinaw kung magkasama sa isang partido ang magkaibigan. Si Anjo ay kasalukuyang councilor.

Sa premier city of Manila ay up for re-election si Ishko Moreno. Katiket ni Ishko si Mayor Fred Lim na inaasahang Liberal Party ang magiging kulay. Mabigat ang magiging laban ni Lim kay dating mayor Lito Atienza na nasa PMP na ni Erap. Don’t forget na sikat na sikat si Kuya Kim, ang dating Manila councilor na anak ni Mayor Lito.

For re-election para sa councilor ang comedian na si Lou Veloso at ang character actor na si Yul Servo. May balitang magka-comeback si Cita Astals, dating Manila councilor na natalo bilang congressman.

Down south in Batangas, halos sure na ang reelection ni Governor Vilma Santos samantalang ang husband niyang si Ralph Recto ay inaasahang makakabalik sa senado. Under the Liberal Party ni Noynoy at Mar ang bandera ng mag-asawa.

Sa Cavite ay susubok muli si Lani Mercado. Dati ay tumakbo siyang mayor ng Imus at natalo. This time ay congressman ang pupuwestuhan ni Lani while her husband Bong Revilla is one of the leaders in the senatorial survey.

Sa Laguna ay for re-election si Dan Fernandez, dating husband ni Sheila Ysrael. Si Dan ay nanalong congressman sa 1st district ng Laguna noong 2007 pero tinanggal siya ng mismong congress last November 2009 for lack of residency. However, the Supreme Court ruled otherwise kaya naibalik agad si Dan sa kongreso.

For governor of Laguna ay maugong ang pangalan ni E.R. Ejercito a.k.a Jorge Estregan, Jr. Several times outstanding mayor si E.R. Si Angelica Jones ay tatakbo bilang board member ng Laguna.

Sa Quezon Province ay tatakbong board member si Gary Estrada. Matatandaang tumakbo lumaban sa pagka- mayor si Gary sa isang town sa Quezon. Unfortunately, hindi nanalo si Gary in spite of the countless medical missions na ginawa niya.

Sa Ormoc at sa Bohol ay halos tinitiyak na ang panalo ni Richard Gomez at Cesar Montano respectively. Amid the accusation of lack of residency, si Goma ay tatakbong congressman samantalang si Buboy naman ay bilang governor.

Muling susubok si Manny Pacquiao sa pulitika. Matapos ilampaso ni Congresswoman Darlene Custodio sa General Santos City noong nakaraang election (2007) ay tatakbong congressman si Pacman sa Sarangani Province naman. Makakatapat niya si Roy Chongbian, katulad ni Darlene na political clan ang pinanggalingan.

Early this month ay na-dismiss ang isinampang kaso ni Pacquiao laban kay Roy Chongbian. Lack of residency ang akusasyon ni Pacman sa kalaban niya dahil si Chongbian daw ay sa Ayala Alabang nakatira.

Sa iba pang dako ay tatakbong congressman ng Cainta, Rizal si Jestoni Alarcon, defeated in the recent election for vice governor. Sa Nueva Ecija naman ay susubok na maging vice governor si Rommel Padilla, kapatid ni Robin at dati ring artista na naging karelasyon ni Karla Estrada.

Good luck sa mga showbiz politicians. At sana don’t forget the entertainment industry kapag kayo ay nagsipanalo.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/