Feb 05
INDIE DISTRIBUTION by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Feb 5, 2010

Sa mainstream movie, lalo na yung 35 mm film ang gamit, ay hindi biro ang budget requirements. At dahil ang mainstream film ang kalakaran ng mga sinehan sa ngayon kaya willing na mamuhunan ang mga producers sa paniwalang mababawi at kikita pa.

Isang magandang halimbawa ang Avatar na close to 2 billion dollars na ang kinikita sa 7 linggong showing. Kahit sabihing halos 500 million dollars ang puhunan dito ay todo bawi at may tubo pa. Bukod pa sa masasabing ang Avatar ang record holder ngayon sa palakihan ng benta.

Pero bibihira lang naman ang may kakayahang mamuhunan ng napakalaki. Dito sa local movie industry ay Regal Films lang yata ang malakas ang loob ng sumugal sa mga big budgeted movie productions.

Ito ang dahilan kung bakit nagiging popular ang so-called indie movies using the digital camera. Kung sa mainstream movie ay kulang ang budget na 5 million pesos, sa indie movie ay sobra-sobra pa ito. In fact, ang Cinemalaya grant ay nagbibigay lang ng 500,000 pesos para sa pag-produce ng indie movie.

Sa halagang 1 million or less ay maaari nang gumawa ng pelikula ang mga aspiring producers. Hindi nga lang kasing-tingkad ng mainstream movie ang indie movie dahil lesser ang production value. Yan ang direct effect ng low budget.

Sa napakaraming sumubok na gumawa ng indie movie ay napakarami rin ang disappointed. Hindi nila expected na napakahirap palang bawiin ang isang milyon na puhunan sa indie movie. Hindi gaya sa mainstream na napakaliit kung 2 milyon lang ang kitain, sa indie ay suwerte na kung kumita ng 10,000 pesos sa isang araw. That means sa 5 araw na ganung kita ay 50,000 lang ang returns.

Sa usapang business ay ang distribution ang unang nakikitang problema. Ilang beses nang naisulat na ang mga sinehan dito ay hindi fully equipped para magpalabas ng mga digital movies. Katulad sa SM Megamall cinema o Robinsons Galleria (EDSA cor Ortigas Ave.) may tig-isang sinehan lang sila na may digital projector.

Kung ang isang sinehan ay maglalaman ng 500 na taong capacity sa isang araw na magbabayad ng 100 pesos bawat isang tao, that can be translated to a gross of 50,000 pesos sa isang sinehan pa lamang. Eto ang isang conservative na computation:

500 persons x 100 pesos = 50,000 per day sa isang sinehan
50,000 pesos x 2 sinehan = 100,000 per day

Using that model average, para kumita ng 1 milyon ang isang indie movie ay mangangailangan pala ng 10 araw na showing sa 2 sinehan o kaya ay 5 days of showing sa 4 na sinehan.

Pero take note na ang ginawang sample computation ay dapat na makahakot ng 500 paying moviegoers sa isang sinehan. Paano naman kaya mangyayari iyun? And another thing, ang gross na iyun ay hahatiin pa sa 3 kaya 350,000 lang ang mapupunta sa producer dahil yung 1/3 ay sa tax at yung isa pang 1/3 ay sa theater naman.

Dyan makikita ang pangalawang problema ng indie movie which is the promotion. Ang one minute commercial spot sa tv ay mahigit 150,000 kaya it’s out of the question. Sa dyaryo siguro ay puwede pa dahil mga 10,000 pesos lang ang isang moderate size advertisement.

Ang isang disadvantage ng indie ay ang kanyang pagiging low-budget. Hindi sikat ang cast kaya walang dating sa traditional moviegoers. Yung gay movie na Daybreak na ipinagmamaki nilang pinilahan sa Robinsons Galleria ay baka hindi man lang umabot ng 1 milyon ang gross dahil sa isang sinehan lang ito naipalabas.

Ang third problem ay ang booking. Kung sakali mang dumami na ang mga sinehang equipped with digital projectors ay hindi pa rin nakakasiguro ang indie movie. Mas reliable kasi ang local mainstream movies at foreign movies when it comes to income kaya may priority sila sa mga theater bookers.

Kahit sa abroad ay booking ang malaking problema ng mga indie movies. Sabi nga ni Peter Broderick, isang film consultant sa Los Angeles, gamitin daw ang internet para sa promotion and release ng indie movies. Malaking katipiran ito at habang tumatagal ay nagiging effective dahil parami nang parami ang internet users worldwide.

An Anvil ay kumita ng $700,000 dahil sa tulong ng Abramorama, isang promotional outfit na pag-aari ni Richard Abramowitz. Ang tanging ginamit ay ang makabagong booking strategies mostly via the internet.

Ang isa pang paraan ng booking sa internet ay ang tinatawag na download-on-demand. Ang mga subscribers ng rental websites ay parang katulad ng mga cable subscribers. Ang magustuhan nilang movie ay ida-download lang nila at mapapanood agad. Ang producers ng nasabing movie (na na-download) ay may bahagi sa ibinayad na subscription.

Ang internet ay parang nagiging venue of exhibition ngayon. Tila isang malaking sinehan na hindi mabilang ang pelikula na puwedeng ma-download. Ang isang delikado lang dito ay ang piracy dahil prevalent din ang piracy sa internet.

Dito sa local scene, ang isang paraan ng movie exhibition ay ang campus tour. Makikipag-deal sila sa school upang maipalabas (sa school auditorium) ang indie movie. Bebentahan ng tickets ang mga students at merong kaparte sa proceeds ang school syempre.

Para naman sa promotion, indie producers harness the power of the internet. Gumagawa sila ng blogsite upang doon mai-advertise ang kanilang movies. Pati trailers ay ikinakarga na rin sa youtube.

Sadyang malaki na ang ipinagbabago ng terrain when it comes to movies. Sa bilis ng technology advancement ay iba-ibang paraan ang lumilitaw sa internet. Mula sa digital camera at digital editing ay movie exhibition naman ang nababago ngayon.

Pero ang prediction na malalaos ang sinehan ay hindi mangyayari. Maaaring sa pag-uso ng internet movie showing ay mangongonti ang theaters pero hindi ito mawawala dahil part na ito ng culture worldwide.

Besides, the theater is one favorite venue ng mga romantics. Kaya tuwing Valentine’s day ay jampacked ang mga sinehan kahit hindi maganda ang palabas. Dahil malaki ang kaibahan ng atmosphere sa sinehan kaysa sa atmosphere sa cybercafe.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/