Dec 16
SONG INSPIRED MOVIES by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Fri, Dec 16, 2005

By Tante de Ramos

As early as the 1950s, local movies have been using popular songs for their titles, sometimes adapting the songs’ lyrics for the storylines. A popular song plus a popular loveteam always spell box-office success. It is no wonder then that up to now, producers literally outbid each to snare the movie rights whenever a popular song hits the airwaves.

Our movie trivia specialist Mr. Tante de Ramos came up with nineteen Filipino films that obviously ride on the popularity of a song’s title and lyrics to craft an unforgettable film. Narito ang kanyang listahan:

Ang Tangi Kong Pag-ibig – Pinagtambalan nina Rogelio de la Rosa at Carmen Rosales, ito’s isang pelikulang drama na may halong kantahan. Ang prodyuser nito ay ang Sampaguita Pictures, Inc. ng mga Vera-Perez.

Nasaan Ka Irog? – Ito’y pelikulang pinangunahan ni Letty Liboon, isang soprano na produkto ng Conservatory of Music ng University of Sto . Tomas. Si Miss Liboon ay tinaguriang Singing Sweetheart of the Philippines . Asawa siya ng makatang si Rolando Carbolell, ang may katha ng Beyond Forgetting. Kasama niya sa pelikulang ito sina Mario Montenegro na lumabas na piyanista at si Val Castelo na isa namang gitarista. Ang komposer ng kanta ay si Nicanor Abelardo. Ang musical director ay si Manuel Silos. Sa direksiyon ni Joe Climaco, prinodyus ito ng LVN Pictures.

Maalaala Mo Kaya – Pinagtambalan muli nina Rogelio de la Rosa at Carmen Rosales. Isang pelikulang drama na ginawa at prinodyus ng LVN Pictures.

Now and Forever – Tatlong beses nang nagamit ang kantang ito sa pelikula. Ang istorya ay tungkol sa walang hanggang pagmamahalan. Unang pinangunahan ni Armi Kusela, ang unang Miss Universe (1952), at ang Filipino businessman na si Virgilio Hilario na naging asawa niya. Ang pangalawang tambalan ay sina Nora Aunor at Cocoy Laurel. Ginamit din ang titulong ito sa isang pelikulang pinagtambalan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Mamang Sorbetero – Mismong si Celeste Legaspi, ang leading lady ng pelikula, ang kumanta ng Mamang Sorbetero . Katambal niya dito ang nagging Pangulong Joseph Estrada. Prinodyus ito ng JE Productions na sariling film outfit ni Ginoong Estrada. Ang tema ng istorya ay ang pag-iibigan ng isang mayamang babae at isang mahirap na drayber na hinadlangan ng mga magulang ng babae ang kanilang relasyon.

Waray-Waray – Isang pelikula na tinampukan nina Nida Blanca at Nestor de Villa. Isa pelikulang comedy-musical, marami rin itong eksena na aksyon at bakbakan. Ito ay prinodyus ng LVN Pictures, Inc.

Tiririt ng Ibon – Magkatamba ditto sina Charito Solis at Leroy Salvador, kasama sina Val Castelo at Lou Salvador, Sr. na siya ring ang director. Isang pelikulang katatawanan na may halong awitan at sayawan na ang prodyuser ay ang LVN Pictures, Inc.

Luneta – Pinagbidahan din nina Nestor de Villa at Nida Blanca. Halos sa Rizal Park o Luneta kinunan ang mga eksena dito. Isang pelikulang musical na ginawa at prinodyus ng LVN Pictures, Inc.

Rock Around the Clock – Hango sa rock and roll hit nina Bill Haley and the Comets, magkatambal dito sina Susan Roces at Eddie Gutierez. Ito ay musical na punung-puno ng kantahan at sayawan na prinodyus ng Sampaguita Pictures.

Lawiswis Kamayan – Muling pinagtambalan nina Nida Blanca at Nestor de Villa, ang pinaka-successful na loveteam ng LVN Pictures. Isang pelikulang musical uli.

Together Again – Pinagtambalan nina Nora Aunor at Tirso Cruz III, ang karibal sa popularidad nina Vilma Santos at Edgar Mortiz. Ang pelikulang musical na ito ay prinodyus ng Sampaguita Pictures, Inc.

The Pledge of Love – Ito ay pinangunahan ng loveteam na karibal nina Guy and Pip na sina Vilma Santos at Edgar Mortiz. Silang dalawa din ang kumanta ng naturang awitin.Bago sumikat bilang artista, nanalo sa singing contest ng Student Canteen si Edgar. Ito ay isang pelikulang drama musical na ginawa ng Sampaguita Pictures.

Isang Linggong Pag-ibig – Ito’y pelikulang pinangunahan nina Gretchen Barretto at Gardo Versoza. Sinundan nito ang isang istorya ng pagbig na nangyari sa pitong araw ng isang linggo. Ito ay isang pelikulang drama. Ang umawit ng kanta ay si Imelda Papin.

Pagdating ng Panahon – Pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla. Kasama din sina Amy Austria, Bernard Palanca, Rosemarie Gil, Eddie Arenas, Marissa Delgado, Roldan Aquino at mga ibang supporting cast. Isang pelikulang tumatalakay sa lumang kaugalian ng mga Pilipino ng paghaharana at pagpanhik ng ligaw sa nililiyag sa probinsiya. Ang producer ng darama-comedy film na ito ay ang Viva Films.

Ibigin mo ay Pangit – Ang pelikulang pinagbidahan ni Andrew E. na hango ang pamagat sa kanyang kantang rap. Nadiyan ang eksena ng mga kapalpakan pinaggagawa ng ating bida. Ang adventure at misadventure niya sa pagpapapogi sa mga magaganda at seksing artistang babae na kasama dito sa pelikula. Isang pelikulang kantahan na may halong comedy.

Forevermore – Ito’y isang pelikulang pinangunahan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Ang tema nito ay ang pag-iibigan ng isang mayamang binata na heredero ng isang hacendero na umibig sa isang babae na nagtatrabaho sa hasyenda ng kanyang pamilya. Ito ay prinodyus ng Star Cinema.

Bcz of U – Isang trilogy ng love stories. Ang mga nagbida sa tatlong episode ay ang pares nina Diether Ocampo at Kristine Hermosa, Geoff Eigenman at Heart Evangelista, at Hero Bautista at Sandara Park . Ito ay prinodyus ng Star Cinema Productions.

Let the Love Begin – Si Angel Locsin at Richard Gutierrez ang gumanap sa mga pangunahing papel. Kasama rin sina Mark Herras at Jennylyn Mercado na idinerehe ni Mac C. Alejandre na prinodyus ng GMA Films. Ang pelikula na pang-kabataan ay tumatalakay sa crushes at porma o istilo sa pagligaw.

Hari ng Sablay – Lumabas dito sina Berwin Meily (sa kanyang unang starring role), Rica Peralejo, Paolo Contis, Nadine Samonte, Tuesday Vargas, Jay-R, Nova Villa, Joel Torre, Bianca King, Dion Ignacio at Pekto. Kasama din sina Paolo Paraiso, Jade Lopez, Krissy Jareno, Chris Martin, Jr. Valentin, Al Tantay, Ella Guevarra, Nash Aguas at Miguel Tanfelix. Sa direksiyon ni Mac C. Alejandre para sa Regal Entertainment Inc. Isang pelikulang pulos katatawanan at mga kapalpakan dito ng bidang komedyante. Ang kumanta nito ay ang 6 Cycleminds.