Jan 29
ROYALTIES ISSUE by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jan 29, 2010

News Item: Baguio city businessmen and radio station people are complaining of excessive collection of royalties by FILSCAP.

Kahit mahaba ang news article ay hindi ko maintindihan ang sinasabing collection. The mere playing of songs on radio ay dapat na palang bayaran ang royalty para sa composer at performer?

At dahil ang sinisingil ay mga business establishment na nagpapatugtog ng kanta, ano kayang mga kanta yun? According to the old copyright and patent licensing ay public domain na ang isang kanta after 50 years. That means yung mga bagong kanta ay subject to copyright license.

There was a time when Dely Magpayo complained of such scheme. Sabi niya na puro lumang kanta na lang ang patutugtugin niya sa kanyang radio program para hindi na siya magbayad ng royalty. Sa pagtatampo ni Tiya Dely ay nasabi niyang natutulungan na nga niya ang mga bagong kanta para sumikat tapos sisingilin pa siya ng royalty.

Ano nga kaya ang rationale about this copyright and royalties issues? Paano sumisikat ang kanta kung hindi patutugtugin sa radio? Sa pagkakaalam ko nga ay yung song producer pa ang nagbabayad sa radio station (in terms of the unethical payola).

Ayon sa website ng FILSCAP (www.filscap.com.ph), ang kanilang mission ay ito. Provide a consistent income stream for a growing membership of composers through creative Licensing, efficient Collection and accurate and timely Distribution of Performance Mechanical Reproduction, and Synchronization Royalties.

Napakahusay pala ng FILSCAP sa monitoring at collection ng royalties kaya siguradong satisfied ang mga members nito sa pamamalakad ni Mon Del Rosario bilang pangulo. Ang kanilang chairman ay si Nonoy Tan at vice president naman si Heber Bartolome ng Banyuhay band.

Parallel with the music industry is the movie industry. Mas dapat nga na may royalty ang mga pelikula dahil mas mahirap at mas complex ang pag-produce ng isang movie kaysa sa pag-produce ng isang album.

Bukod sa artista ay may crew ang movie gaya ng director, production designer, cameraman, atbp samantalang ang isang kanta ay composer lang ang kakabit na pangalan bukod sa singer.

Hindi lang artista ang nagtatanong kung bakit wala silang royalty. Maraming involved sa artistic creation ng isang movie. Patunay dyan ang mga awards na ibinibigay taon-taon. Bakit ba may best director o best musical scoring? Ang award ay ang pagkilala (recognition) sa artistic contribution ng technical crew.

Hindi kumpleto ang pelikula kung walang music o sound. Paano magagawa ang movie kung walang director? At paano makukuha ang mga tamang eksena kung walang hahawak ng camera? Syempre importante ang ayos ng background o setting na likha ng Production Designer.

Sa madaling salita, ang isang movie ay nagmumula sa collective effort ng mga artists involved. Wala bang copyright ang movies? Kung meron ay bakit walang banggit ng royalties para sa mga makers ng movie?

Kaiba sa music industry ang kalakaran sa movies. Once na mabili na ang rights ng isang movie ay puwede itong ipalabas ng paulit-ulit. Para bang lock, stock and barrel ang usapan na isang bayaran lang at pakyaw na lahat-lahat.

Sa music industry, ang mga singers at composers ay nakakakuha ng royalty mula sa sales ng plaka o sa iba pang dahilan ng collection ng royalties samantalang sa movies ay ang producer lang ang nakikinabang sa finished product.

Kung nagawa ng FILSCAP ang bigyang protection ang mga composers at singers, bakit hindi magawa sa movies?

Dito na siguro eeksena ang AMS – Alyansa ng Media at Showbiz – ang party list ng movie industry. Kung may representante ang media at showbiz sa congress ay mapupunuan ang mga pagkukulang ng gobyerno sa ating sector sa pamamagitan ng paggawa ng bagong batas.

Bukod sa issue ng royalties ay puwede ring talakayin ng AMS ang mga problemang bumabalot sa local movies. Una na nga ang piracy na sinasabing nakakalusot dahil ang batas ay malambot. Bakit kailangan pa ng OMB para mag-raid ng mga vendors ng pirated dvd? Hindi ba puwedeng basta pulis na lang ang huhuli sa kanila?

Dapat rin sigurong bigyan ng pansin ang mga producers na kumakayod hindi para kumita kundi para manalo ng award lalo na sa abroad. Aminado naman ang mga indie producers na hindi sila kumikita dahil suwerte na raw kung makabenta sila ng 10,000 pesos sa isang araw ng exhibition.

Hindi rin biro ang puhunan ng mga indie movies pero kumpara sa mainstream ay di hamak na mas tipid ang budget nila. At mas marami silang natamong karangalan mula sa mga prestigious award-giving bodies gaya sa Cannes at Venice.

Kung mananalo sa election ang AMS ay baka matuloy na rin ang pangarap ng mga producers na magkaroon ng grand studio. Katulad sa Universal Studio ng Amerika, itong grand studio ay isang malaking lupain na naglalaman ng mga kailangan sa shooting, mula sa mga sceneries hanggang sa costume and props.

A Production Designer’s territory, ang grand studio ay one stop shop para sa mga naghahanap ng location o desired setting ng kanilang movies. Malaking pera ang kailangan para maitayo ang grand studio pero magagawaan ng paraan yan ng ating party list na AMS.

Para hindi magtampo ang media na ka-alyansa ng ating party list, mabibigyan ng ngipin ang batas para sa kumpletong protection ng media people. Magandang halimbawa ang nangyari sa Maguindanao at magagamit itong test case.

Pero bago ang lahat ay kailangan tayong magsama-sama upang tulungan ang ating party list. Ito ay atin at para sa atin. Itong AMS ang isang malaking pag-asa ng media people at movie industry kaya walang puwang dito ang kabiguan.

Don’t forget na kailangan ng AMS ang almost a million votes. Hindi madali ang magkampanya sa buong Pilipinas. Pero naniniwala akong magagamit ng AMS ang media at ang showbiz para sa kanilang malinis na pagkampanya.

Sabi ng ilang movie industry veterans, “Kahit paano ay may pag-asa pa pala.”

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/