Jan 15
1st PNP FILM FESTIVAL – YOUNG FILIPINO FILMMAKERS SHOUT… HELP! by William Mayo  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jan 15, 2010

Ang sining ng pag gawa ng pelikula ay di tulad ng ibang sining. “Cinema Art is Expensive”. Anumang ‘format’ ito gawin (35mm Film, Digital Video) ay nangangailangan ito ng malaki-laki ring halaga para maging isang katuparan. Ang sining ng pelikula ay di tulad halimbawa ng pagpipinta na canvas lamang at kulay ay pwede na. Kamera, ilaw, Production Staff, Set Designs, mga actor na magsisiganap , Script, Transportation, pagkain, location, at iba pang mga bagay na teknikal na kadalasan ay di maaring makuha ng ‘gratis’ lamang. Isang damukal na pakiusapan at baratan para makuha mo ang mga ito sa mababang halaga.

Definitly, isang kalokohan ang 25,000 na budget para gumawa ng isang pelikula. Kahit sabihin mo pang ang tatay at nanay mo ang gagawin mong bida! Isama mo na ang mga kapitbahay mo bilang extras… at kahit magpalusot kayong ‘short film’ lang yan, shortchanging pa rin yan ng mga young filmmakers’ (Ang NCCA subsidy for shortfilm – P250,000).

Ang ‘police works’larangan ng PNP yan. Sila ang experts dito at wala tayong debate doon. Pero ang paggawa ng pelikula, wala silang nalalaman dyan. Dapat ay kumunsulta sila sa mga taga industriyang higit na nakaka alam dito.

Nagsadya sa akin at humihingi ng tulong ang ilang lumahok at napili sa 1st PNP FILM FESTIVAL. Marami na daw silang nilapitang tao di pa rin nila matapos ang kanilang proyekto. Yun daw ‘first cut’ ng kanilang movie ay ipinasa na nila sa PNP. Ito raw ay ibinalik sa kanila dahil naliliitan sa ilang eksena. WOW! Galing nyo, mga Bro. Choosy pa kayo ha?

Sa mukha ng mga ‘Young Filmmakers’ na ito ay bakas mo ang larawan ng masidhing paghahangad na matapos ang kanilang proyektong pampelikula. Pelikulang magtataas ng imahe ng ating kapulisan. Bakas mo din ang mabigat nila problema. Dahil kinagat nila ang 25K na bigay ng PNP, kailangang tapusin nila ang proyekto (90 minutes running time- Full Length) sa anumang paraan.

Dalawa ang aking naramdaman habang inilalahad nila ang litanya ng mga pinagdaanang hirap magawa lamang ang kanilang proyekto… Awa at Inis. Nakaka-awa sapagkat sa maagang bahagi ng kanilang pagtahak sa landas ng Sining Pampelikula ay nasagupa na sila sa ganitong uri ng pananamantala at pag abuso.

Noong nagsisimula pa lamang ako bilang isang filmmaker, yung budget na 5M, yung post-dated na sweldo, pagkaing wala sa oras, at kulang na mga shooting requirements ay nagbibigay na sa akin ng “feeling exploited.” Wala pala yun kumpara sa dinadanas ng mga batang ito sa kamay ng PNP.

25K! Para sa isang Pelikula? diba nakaka-inis yun. Di lang nakaka-inis, nakakaloko pa. Ang ‘motto’ ng mga tusong negosyante.. ’Sa Maliit na Puhunan, Malaking Pakinabang’. Pero para isipin na isang government institution ang gagawa nito, di yata tama yan mga Bro.

Oo nga, di naman pinilit ang mga sumali pero sinamantala naman ang kanilang masidhing hangarin bilang mga artista.

Huwag tayong maging ipokrito, ang intension ng proyektong ito ng PNP ay hindi para tulungan lamang ang mga taga-pelikula. PNP ang higit na makikinabang sa mga pelikulang ito. PR Campaign yan e.

Sige nga, kumuha nga kayo ng PR Group kundi gumastos kayo ng milyon-milyon. Alam nyo yan dahil madami namang ‘bright boys’ sa ating mga pulis. Pero kung sinoman ang nag-isip ng gimik na ito ay dapat itali sa langgaman habang ipinalalabas ang pelikula. Sandali lang naman yun, 90 minutes lang.

Sana ay nagpa Scripwriting Contest na lamang kayo. Makatarungan yun dahil di naman kailangan magsolicit pa ang sasali o mangutang ng karagdagang puhunan para makagawa ng isang makabuluhang kwentong pampelikula.

Gayahin ninyo yung mga pulitiko natin, gumagastos kaya kahit may mga bugok, pogi sa telebisyon.

Aming napag-alaman mula sa asosasyon ng mga sinehan na syang namamahala ng ‘bookings’ ng mga pelikulang ilalabas, na walang pormal at ‘prior arrangements’ na ginawa sa kanila hinggil sa film festival na ito ng PNP. Kung magkakaoon man dapat sana ay ginawa munang ‘theatrical arrangement’ bago inanunsyo at inatat ang mga batang sumali na ang kanilang mga obra ay mapapanood sa mga sinehan.

Suggestion lang, bakit di nyo gamitin yung sang damukal nyong ‘intelligence fund?’ Ipamigay sa mga batang filmmaker nang makagawa sila ng matitinong pelikula para sa inyo na di kailangang mamalimos sa iba. Kaya lang, wala daw ‘Funds,’ kung walang funds… Intelligence pa kaya?

Ang mga Young Filmmakers ang Future ng Filipino Film Industry. Huwag abusuhin!


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/