Jan 08
METRO MANILA FILM FESTIVAL 2009 by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jan 8, 2010

The Metro Manila Film Festival is the grandest of them all. Hindi lang moviegoers ang nag-aabang dito kundi pati na rin ang mga producer. Ang pagsali sa filmfest ay hindi madali dahil may screening committee simula pa lang sa script. Para ka raw sumasali sa script contest dahil mahigpit ang mga judges at may sinusunod na criteria.

Bukod sa quality of films ay binibigyang halaga ng filmfest committee ang tinatawag na production value – the big difference between a mainstream movie and an indie movie. Ang location, setting at costumes ay malaking factor sa filmfest kaya ginagastahan talaga ng mga producers para lang gumanda ang visuals ng kanilang entry.

Official filmfest entries will have the privilege of being exclusively exhibited. That means lahat ng entries lamang ang puwedeng ipalabas during the filmfest period starting on December 25. Dahil banned muna ang mga foreign films kaya malaki ang opportunity ng mga filmfest entries na kumita.

Despite the name Metro Manila Film Festival, nationwide ang exhibition ng mga entries. Ang 800 theaters ay paghahatian ng mga entries at random (by raffle) ang pagpili kung saan mabu-book ang movie kaya walang reklamo ang mga producers. Ang isang entry ay mabibigyan ng 110 theaters to exhibit their movie.

With the 7 official entries in the Metro Manila film festival for 2009, konti ito compared to the past years pero full of stars naman. Sa traditional parade pa lang ay ikinatuwa na agad ng mga tao ang participation ng so-called movie stars.

Starting the list with Mano Po 6: A Mother’s Love ng Regal Films, it banners no other than Sharon Cuneta, ang tinaguriang Megastar. Kaya kahit drama ang Mano Po ay nagbibilang na ng profit si Mother Lily dahil tiyak daw na pipilahan ito ng mga fans ni Megastar Sharon.

In the tradition of the Mano Po series, Sharon plays a billionaire who is discriminated in her circle because she is half-Chinese. Kasama ni Sharon si Ciara Sotto, her cousin in real life who played her daughter in the movie. Si Heart Evangelista ay daughter din niya.

The star-studded Mano Po 6 includes Zsa Zsa Padilla of “Ako Legal Wife” fame, Christopher De Leon and Boots Anson-Roa. Kasama rin ang mga young stars na sina Dennis Trillo, Glaiza De Castro, Ryan Eigenmann at JC De Vera. And to top the cake with the icing, pang-ibabaw ang cameo role ni Kris Aquino kahit hindi ito lumitaw sa credits. Sinadya raw huwag ipalagay sa billing ang name ni Kris para siguro magdagdag ng mystery sa Mano Po 6.

For a long time ay makakasama ang Comedy King sa film festival. Dolphy is the lead star in Nobody, Nobody But Juan. Idea raw ni Dolphy na idagdag yung Nobody from the original title na Juan to capitalize on the popular song Nobody ng isang Korean band.

Si Gloria Romero ang love interest ni Dolphy while Heart Evangelista plays the young Gloria. Kasama rin sa Nobody, Nobody But Juan ang King of Character Actors na si Eddie Garcia. Like Mano Po 6, isang sikat na tv personality in the person of Willie Revillame ang may cameo role. Willie plays himself, host of Wowowee.

Not just a blockbuster star but also a blockbuster senator, Bong Revilla plays the title role in Ang Panday. Si Iza Calzado ang leading lady ni Bong. Produced by GMA Films, this movie capitalizes on the famous character created by the very controversial National Artist for Films and Visual Arts Carlo Caparas.

No one can dispute the popularity of Manny Pacquiao who plays the title role in Wapakman. Si Rufa Mae ang leading lady niya pero kay Krista Ranillo nakatuon ang mata ng mga tao. Playing major support si Krista sa movie na naging controversial dahil sa suspected secret liaison niya kay Manny.

And to make it more controversial, during the traditional film fest parade ay hindi sumama sa float ng Wapakman si Krista. At sabi pa ay sasama raw kasi si Jinkee para mabantayan ang Pambansang Kamao.

Hindi naman nagpahuli ang traditional filmfest top grosser na si Vic Sotto. Si Cristine Reyes ang kanyang leading lady sa Ang Darling Kong Aswang. Being a horror/comedy film, expected na magiging riot sa katatawanan ang entry ni Bossing Vic.

Produced by the long time partnership of M-Zet and Octo-Arts, umaasa ang ilan na ang entry ni Vic Sotto ang siya pa ring magiging top-grosser. Sabi nga ni Richie D’ Horsie na kasama sa cast, “May following si Vic dahil every year may entry siya sa filmfest.”

At tulad ng pagsali na parang isang contest, ang festival ay isa ring competition dahil may mga awards na ipamamahagi, mula sa best picture award hanggang sa mga technical awards. Pati ang mga float sa parade ay may premyo rin. Ang mga trophies ay may kasamang cash incentives.

A major change to take note of ay ang pagpapalit ng leadership sa MMFF. Dahil sa kanyang political ambition ay wala na si Bayani Fernando. Si former Judge Oscar Inocentes ang bagong MMDA chairman at siya rin ang head ng filmfest committee.

The filmfest is the financial backbone of movie industry organizations. Ang ilan sa mga beneficiaries ng filmfest ay ang Mowelfund, Film Academy, Motion Picture Anti-Piracy Council. Kaya kapag kumita ng malaki ang filmfest ay malaki rin ang magiging share ng nasabing mga organizations.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/