Dec 11
ARTISTA AT MEDIA (Part 2) by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Dec 11, 2009

Do you remember Eddie Gil? He was the nuisance but popular candidate in the 2004 elections. Hindi lang ang kanyang wig ang nakatawag pansin kundi pati na rin ang kanyang mga nakakatawang antics.

Ang legendary helicopter ni Eddie Gil ay nanatiling legend lamang dahil hindi ito nakita ng madla. Siya lang ang Pilipinong may one million peso bill – buong isang milyon. At ang ipinagyayabang na maraming pera ay hindi lumitaw hanggang maputulan ng kuryente ang kanyang campaign headquarters.

After losing in the elections ay naging part ng showbiz si Eddie Gil. Bida siya sa pelikulang Pelukang Itim. Katambal niya si Alma Moreno na directed by Tony Bernal with special participation of Madam Auring.

In the footsteps of Eddie Gil, here comes Felix Cantal. Hindi familiar ang pangalang Felix Cantal sa showbiz dahil hindi naman siya sumikat. Dati daw siyang bit player before migrating to the US.

After saving money, bumalik siya with the title of a doctor to produce movies. Maraming magagandang balak si Dr. Cantal para sa local movie industry particularly ang paggawa ng at least 30 movies a year.

Kahit sa sandaling panahon ay nagkaroon ng pag-asa ang industriya dahil marami ang nabigyan ng trabaho. Isa sa movies na nagawa ng production outfit ni Dr. Cantal ay ang Interpool which has Palito in the starring role.

Another project ay si Paquito Diaz naman ang bida. Unfortunately, hindi natapos ang movie na ito dahil sa pagkakasakit ni Paquito. And then biglang tumigil siya sa pagpo-produce for many reasons. Sabi ng iba ay naloko raw si Dr. Cantal – after getting the down payment ay naglaho na ang line producer.

With the coming elections ay muling naririnig ang pangalan ni Dr. Cantal. Hindi dahil nangunguna siya sa survey kundi dahil interesting ang kanyang mga pakulo. Sa dami ng kanyang plataporma ay nangunguna.ang cash subsidy.

Kapag si Dr. Cantal ang naging presidente ay magkakaroon ng monthly subsidy ang lahat ng Pilipino – P3,000 sa mga bata, P5,000 sa mga adolescents at P10,000 pesos each para sa mga adults. Sa ganitong paraan, ayon kay Dr. Cantal, ay magiging pantay-pantay ang lahat at mawawala na ang mga mahihirap.

Ang Philippine taxation ay babaguhin din ni Dr. Cantal. One percent of tax lang ang sisingilin sa bawat nag-tatrabaho. Malinaw na puro sa kapakanan ng mga tao ang plataporma ni Dr. Cantal. Ang tanong na lang ay kung realistic at logical ang mga ito.

* * *

Sa Makati ay nakatuon ang mata ni Butz Aquino sa binakanteng mayor’s seat ni Jojo Binay. Sa kabila ng declaration na tatakbong mayor si Junjun Binay (dahil sa paglipat ng kampo ni vice mayor Ernesto Mercado) hinihimok pa rin ni Butz Aquino na maging vice mayor si Junjun sa kanyang ticket.

Coincidentally, matatandaang dating vice mayor ng Makati si Edu Manzano at natalo siya kay Jejomar Binay sa pagiging mayor. Ngayon ay tatakbong vice president si Edu sa ilalim ni Gibo Teodoro. Marami ang nagsasabi na sigurado na sanang panalo sa senatorial race si Edu at malabo namang manalo bilang vice president.

Another coincidence. Si Edu Manzano ang dating OMB chairman. Pinalitan siya ni Ronnie Ricketts ngayon. Si Ronnie ang unang boyfriend ni Maricel Soriano. Si Edu naman ay naging asawa ni Maricel.

* * *

Nakakatuwang isipin na all out ang pagtulong ni Kris Aquino sa kanyang Kuya Noynoy who is running for president. Sa mga product endorsements ni Kris ay pambayad sa tax lang daw ang ibinabawas niya at ang natitira sa kanyang talent fee ay nakatodo sa campaign coffers ni Noynoy.

For me, mas malaking bagay sa campaign ang endorsement ni Kris kaysa sa perang ibinibigay niya. Ang mukha ni Kris ay nangangahulugan ng boto. Controversial man si Kris pero admittedly ay sikat na sikat pa rin siya at malaki ang influence niya sa madlang voters all over the country.

* * *

Ano kaya ang mangyayari sa candidacy ni Lani Mercado bilang congressman ng Cavite? Lani ran and lost as mayor of Bacoor in the past. Ang dahilan ay ang kasungitan raw ni Lani. Iba raw ang appeal ni Bong at iba rin ang kay Lani.

art-09dec11-artista-at-media-part-2-pic-1.jpg
Lani Mercado flanked by Marissa Delgado and National Artist Eddie Romero

Sa pagkaka-appoint kay Lani bilang isa sa mga directors ng board of San Miguel ay marami ang nagrereklamo. Umaandar na naman ba ang pagka-antipatika niya? Malalaman natin kung talagang ayaw ng Cavitenos kay Lani after the 2010 elections.

* * *

Ang pag-asa ng buong movie industry ay tila ba nakasalalay sa ikapa-panalo ng AMS – ang Alyansa ng Media at Showbiz. Bukod sa pagbibigay protection sa mga media people (related sa Maguindanao massacre) ay naglalayon din ang AMS na muling buhayin ang nahihimbing na movie industry.

Ayon sa mga figures ay mangangailangan ang AMS ng halos isang milyong boto. Ang 2% ng 47 million registered voters ay 940,000 votes, the minimum number of votes required for a party list to get a seat in congress.

art-09dec11-artista-at-media-part-2-pic-2.jpg

At para ma-achieve ang maximum 3 seats ay dapat na makakuha ng almost 3 million votes ang AMS. Take note na ang party list ay sumasakop sa buong Pilipinas kaya one can imagine the time, effort and money needed in the campaign.

At dahil walang campaign funds ang AMS kaya siguro ay kakailanganin nito ang so-called star power. Kung magko-cooperate ang mga sikat na broadcasters at artista ay hindi imposibleng manalo at makuha ng AMS ang maximum 3 seats.

Puwede kayang tumulong sa campaign si Korina Sanchez o si Mike Enriquez? Kahit siguro sa campaign jingle o infomercial. How about si Dingdong Dantes at si Jericho Rosales? Baka puwede silang tumayo sa stage at magpaliwanag sa tao?

For sure ay magiging masaya ang movie industry kung mananalo ang AMS – Alyansa ng Media at Showbiz. Napakaraming activities na mangyayari para sa ikauunlad ng media at ng entertainment industry.

Let’s hope for the best.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/