Dec 04
ARTISTA AT MEDIA by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Dec 4, 2009

Right after the declaration of Edu Manzano that he is running for vice president under the ticket of Gibo Teodoro, maraming napasimangot na mga showbiz veterans. Sayang daw kasi ang mga accomplishments ni Edu sa OMB at nabahiran ng pulitika.

Ganyan kasi ang tingin ng tao. Once na pumasok sa pulitika ay burado na lahat ang magagandang achievements dahil lumilitaw na may ulterior motive pala ang ginagawa niya before. Ang paglilingkod ng isang opisyal ay nagiging pansarili lamang kapag siya ay tumakbo for any elective position.

Take Manny Pacquiao for instance, sinasabi pa niyang para sa bayan ang kanyang laban. Eh siya lang naman ang nagkakapera at yumayaman, di ba? At sa kanyang pag-file ng candidacy for congressman of Sarangani province, malinaw na may hidden agenda pala ang lahat ng kanyang kawanggawa.

Can you imagine a boxer sitting beside a lawyer in congress? Ano naman kaya ang ibubuga ng isang pareho ni Pacquiao sa larangan ng law-making? Aasa na lang ba siya sa kanyang mga advisers? Baka dapat yung advisers na lang ni Pacman ang tumakbong congressman?

Edu and Manny are just 2 of the celebrities who joined the bandwagon of politics. Lahat sila ay iisa ang sinasabi—ang magsilbi sa kanilang constituents. Pero sa mata ng tao ay opportunitistic ang dating nila. Andyan kasi ang opportunity na manalo sa election for the simple reason na sikat sila.

Sa Manila ay magkasama sa ticket ang dating kontra-partido na si Mayor Alfredo Lim at ang running mate niyang si Isko Moreno. Kahit matagal na sa pulitika si Isko ay ang pagiging artista pa rin niya ang nagdadala sa kanya. A promising good fight naman ang handang ibigay ni dating mayor Lito Atienza.

Matatandaang dating magkapartido sina Atienza at Lim. Sa pagtakbo ni Lim sa presidential race noong 2001 ay naiwan kay Atienza ang mayorship ng Manila. At sa pagbabalik ni Lim ay hindi naman bumitaw si Atienza bagkus inilaban pa ang anak niyang si Ali laban kay Lim. Sa pagkatalo ni Ali ay totohanang mainit na ang labanang Lim at Atienza.

Sa Parañaque ay muling sasabak si Joey Marquez. Ang dating mayor for 3 terms ay na-acquit na sa kasong graft and corruption na nag-ugat sa pagbili ng walis tinting na panlinis ng kapaligiran. Marami ang nagsasabi na muling mananalo si Joey dahil marami siyang nagawa sa Parañaque.

Sa Quezon City ay may napipintong landslide para sa magka-tandem na Herbert Bautista at Joy Belmonte. Si Herbert ang long-time vice mayor ni Sonny Belmonte na siya namang ama ni Joy. Public administration ang natapos ni Herbert.

Balitang makakatapat ni Bistek si Annie Susano at Mike Defensor. Si ‘Tol Mike ay natalo sa senate race noong 2007 at kasalukuyang chief ng PNR (Philippine National Railways). Si Congresswoman Susano ay tinaguriang pinakamayaman sa Kyusi (QC) dahil ang pamilya nila ang may pag-aari ng buong Novaliches noong unang panahon.

Si Rico Puno ay tatakbong vice mayor sa ilalim ni Junjun Binay. Dapat sana ay vice mayor lang si Junjun at si Mercado na long time vice mayor ni Jojo Binay ang tatakbong mayor. Pero lumipat ng kampo si Mercado kaya napilitang sumabak si Junjun at si Rico J. nga ang kanyang vice mayor.

Sa Batangas ay tinatayang sure winner ang incumbent governor na si Vilma Santos. Ang kanyang screen partner na si Christopher De Leon ay tatakbo para sa board ng Batangas province. Si Christopher ay natalo sa labanang vice governor noong 2007.

Ang vice governor ni Vilma Santos ay si incumbent Marc Leviste. Makakatapat nila ang ticket ni Sec. Eduardo Ermita. Si Edwin Ermita ang tatakbong vice governor ni Armando Sanchez, ang dating governor na tinalo ni Ate Vi.

Sa Bohol ay almost sure winner na rin si Cesar Montano bilang governor under LP. Sabi ng ilan ay dapat incumbent na siya kung tumakbo siya noong 2007. Kaso ay sa senado siya lumaban at natalo.

Makakatapat ni Cesar ang tandem ni Julius Caesar Herrera at Edgar Chatto. May balitang tatakbo rin si Amay Bisaya para makigulo kay Cesar at Julius Caesar. Si Amay Bisaya na isang character actor ay tumakbong konsehal ng Maynila noong 2007. Natalo siya.

Another almost sure winner is Richard Gomez. Like Cesar, Richard ran and lost for a senate seat in 2007. Cesar was with the administration while Richard was an independent. But this time ay under LP na si Goma. Makakatapat niya si Eufrocino Codilla ng Lakas.

Generally speaking ay napakalaki ng political influence ng entertainment industry. Pero bakit ganito ang movie industry natin?

Siguro nga ay kailangan na natin ang isang party list dahil marginalized sector na talaga ang movie industry. Sa dami ng walang trabaho due to forced retirement ay kailangan na ang tulong mula sa gobyerno.

Hindi magandang banggitin pero sa aking sariling opinyon ay wala namang direct assistance na naibigay ang ating mga showbiz senators – Lito Lapid, Bong Revilla, Jinggoy Estrada. At ngayong election time ay tiyak na gagamitin nila ang movie industry na kanilang pinanggalingan.

Mas makabubuti sigurong mag-concentrate na lang tayo sa AMS – Alyansa ng Media at Showbiz. Ito ang party list para sa atin kaya nakatitiyak tayong malaki ang magagawa nito sa movie industry. Hindi lang ito basta party list dahil ang advocacy ng AMS ay ibangon ang movie industry at itaas ang quality ng media lalo na sa broadcasting.

Although hindi pa kami nakakahingi ng mga impormasyon mula sa AMS pero may platform na raw sila. In fact, ang unang project nito ay pabahay program para sa mga kasapi na walang sariling tirahan. May programa rin sa pag-create ng hanapbuhay at meron din sa education.

Hindi naman nalalayo ang sector ng media. Katulad ngayon sa pangyayari sa Maguindanao, malinaw na health hazard pala ang trabaho ng journalist. Malamang ay may mga programa na rin ang AMS para sa kanila.

Nakakatuwang isipin na ang mga sector ng mass media ay magkakaisa – mga artista at broadcasters. Here’s hoping for the success of AMS for a better Philippines thru a lively movie industry and impartial media.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/