Nov 27
MAKABAGONG BAMPIRA by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Nov 27, 2009

Isang babaeng umibig sa isang binata—hindi tao kundi isang bampira. At imbes na sakmalin ang babae sa leeg upang sipsipin ang dugo ay sinimsim ng bampira ang leeg na ikinatuwa ng babae.

Kakaibang romance ang inihasik ng pelikulang Twilight noong 2008. Mula sa librong isinulat ni Stephanie Meyer, inasahang magiging tagumpay ang movie pero hindi sa ganoong kataas na level. Naging worldwide hit kasi ang Twilight.

At gaya ng ibang matagumpay na movie, inaasahan ang paggawa ng sequel. The Twilight Saga: New Moon ang karugtong ng vampire movie na kasalukuyang humahakot ng benta sa mga sinehan, kasama na ang Pilipinas.

Sa North America (US and Canada) ay nakapagtala ng $26.3 million sa “midnight shows” ang nasabing movie. Ang figures ay mula sa Summit Entertainment, ang distributor ng New Moon.

Phenomenal ang pagtanggap ng tao sa New Moon. Sa buong mundo, naka-gross ito ng $72 million sa opening day. Nabura nito ang standing record ng Dark Knight ni Batman na kumita lang ng $62 million (sa opening day rin).

Malinaw na nabawi agad ang $50 million production budget ng New Moon sa one day of showing worldwide. Produced in Canada, nabigyan pa ito ng tax incentives kaya tiyak ang pagiging profitable ng movie which was directed by Chris Weitz.

Ang lead characters na si Bella Swan at si Edward Cullen na isang bampira—played by Kristen Stewart and Robert Pattinson respectively—ay muling nagbabalik sa big screen. Pero mas malalim at mas mainit ang kuwento this time dahil kasama na nila si Taylor Lautner para sa isang magandang love triangle ng isang human na pag-aagawan ng 2 male vampires.

Ayon sa ilang press releases, ang New Moon ay maraming mild nudity at full of romance kaya PG-13 ang rating nito. The objective of the movie is to entertain the audience. Kahit vampire movie ay hindi ito nakakatakot dahil hindi naman ito horror. Backdrop lamang ang vampire theme at ang talagang pinaka-focus ng plot ay ang pag-iibigan ng tao at ng mga bampira.

Ang aswang at bampira ay kabahagi na ng Philippine folklore kasama ang manananggal, kapre, dwende at ilan pang mga supernatural being. Dahil dito ay hindi kataka-takang maraming pelikulang may aswang o bampira ang tema.

Noong 1999 ay ipinalabas ang Sa Piling Ng Aswang na kinatampukan ng Diamond Star na si Maricel Soriano. Isang career woman ang papel ni Maricel na subsob sa trabaho at walang panahon sa nag-iisa at nakababata niyang kapatid played by Cogie Domingo. Pero sa pagkamatay ni Cogie ay biglang nag-iba ang ikot ng mundo ni Maricel. Lalo pa nga dahil mysterious ang pagkamatay ng kapatid niya.

At sa pag-iimbestiga ni Maricel ay unti-unti niyang na-discover ang daigdig ng mga aswang. Pero unlike New Moon, ang pelikula ni Maricel ay pure horror na ang intensyon ay ang takutin ang audience.

Produced by MAQ Productions, isang subsidiary ng Regal Films, magandang review ang natanggap ng pelikula mainly because of Maricel’s outstanding performance. Unfortunately, hindi nanalo ng award ang Sa Piling Ng Aswang.

Kasama ni Maricel sina Gina Alajar, Gardo Versoza, Manilyn Reynes at marami pang iba. Directed by the tandem of Peque Gallaga and Lore Reyes, Sa Piling Ng Aswang dares to scare the audience with their suspenseful revelations.

From Regal Films naman, si Peque at Lore rin ang nagbigay sa atin ng Aswang noong 1992. Starring Alma Moreno, kasama rin si Manilyn, Berting Labra, Aiza Seguerra, Janice De Belen at Joey Marquez.

Marami ang nagsabi na mas nakakatakot itong version ni Alma kaysa sa movie ni Maricel. Siguro ay dahil kakaiba itong aswang ni Alma na hindi lang basta sumisipsip ng dugo kundi kumakain pa ng laman lalo na ng mga bata.

Noong 1973 ay naglitawan sa mga tabloids ang allegedly nakitang aswang o bampira. Yun pala ay ipapalabas ang Anak Ng Aswang ni Vilma Santos. Kasama sa nasabing pelikula sina Gloria Romero, Daisy Romualdez, Rosanna Marquez at Edgar Mortiz.

Taong 1989 nang ma-launch bilang solo star si Jean Garcia. Impaktita is the legend of the folkloric manananggal. Very visual ang Impaktita dahil nagpapakita ito ng gory scenes matapos manila ng biktima.

Another Peque Gallaga horror suspense movie, kasama ni Jean sina Aga Muhlach, Richard Gomez, Gloria Romero at Nida Blanca. Ang Impaktita ang first and last starring role ni Jean Garcia dahil nasa tiyan na niya si Jennica.

Bago pa man mag-opening day ay marami na ang nag-aabang sa New Moon. Sabi ng ilang mahihilig sa foreign movies, “Kakaiba kasi ang plot at kakaiba rin ang approach ng Twilight kaya nararahuyo ang mga kabataan.”

Teenage movie kasi ang vampire dahil 18 years old ang female character although ang male character ay 109 years old (dahil ayon sa legend ay may pagka-immortal ang mga vampires).

Talagang kakaiba ang Twilight dahil ang bidang si Edward ay hindi pangkaraniwang bampira. Isa siyang vegetarian vampire na hindi tumitikim ng dugo ng tao. Nagkakasya na lang si Edward at ang kanyang pamilya sa pagsipsip ng dugo ng hayop.

Dito sa Pilipinas ay mainit din ang pagtanggap sa New Moon. Inaasahan ding matatalo nito ang This Is It video ni Michael Jackson. Ito kasing New Moon ay universal ang audience samantalang yung kay Michael Jackson ay mga fans lang niya ang nanonood.

Baka makinabang sa popularity ng New Moon ang forthcoming movie ni Vic Sotto? Entry ng M-Zet at Octo-Arts sa Metro Manila film festival 2009 ang Darling Kong Aswang. Kapareha ni Vic, for the first time, si Cristine Reyes.

Unlike New Moon, si Cristine ang aswang dito and like New Moon ay mabait na aswang ang papel ni Cristine. Isang call center agent ang papel ni Vic na mai-involve sa mga salbaheng aswang at doon niya makikilala ang mabait na aswang sa katauhan ni Cristine.

Ang pag-iiba ng tema ng New Moon ay malamang na gayahin dito sa atin. Kaya expect to have a vampire movie in 2010. And hopefully ay hindi sana kopya lang sa New Moon at sana ay kumita rin yun.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/