Nov 13
THIS IS IT—MJ’S FINALE NUMBER by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Nov 13, 2009

Sino ang mag-aakala na kahit mahigit 4 na buwan na ang nakalipas nung siya ay mamatay ay kumikita pa rin ang kanyang mga kanta?

Kahanga-hanga talaga ang kasikatan ni Michael Jackson. Kitang-kita ang pagtangkilik sa kanya ng kanyang mga fans. Record breaker pa nga raw ang This Is It , ang final movie ni Michael Jackson.

Ang limited showing nito – 2 weeks only – ay dinumog sa buong mundo. Mahigit $2 million ang kinita nito sa first day of showing sa Amerika at Canada. Umabot sa $21 million ang gross ng box office nito sa first weekend.

Worldwide naman ay kumita ng $101 ang This Is It in 5 days of showing kaya marami ang nagsasabing “Michael is loved all over the world.” Inaasahang mas malaki pa ang kikitain ng documentary movie na ito.

Maraming fans ang natuwa nang mag-declare ang Sony Corporation na magkakaroon daw ng extension ang sinabing limited 2 weeks of showing. Sony Corporation ang owner ng movie rights dahil sila ang nakabili sa rehearsal videos sa halagang $60 million.

Sa mga nagtataka kung bakit napakaraming videos ng rehearsal, si Michael kasi ay may sariling documentarist (videographer). At sa rehearsal ng This Is It ay hindi lang isang camera ang ginamit dahil ang gusto ni Michael ay ma-capture ang iba-ibang angles sa mga eksena ng sayaw.

Umabot ng 80 oras ang total video footages ng rehearsal na kinunan mula March until June of 2009. Meron ding mahigit 100 oras na video footages ng mga behind-the-scenes shots na pinagpilian ni Kenny Ortega. Si Kenny rin ang director ng Dangerous at History Tour ni Michael.

Dito sa Pilipinas ay naglitawan ang mga Michael Jackson fans sa opening day ng This Is It. Nakita sa news report si Ely Buendia ng Pupil (dating Eraserheads) at si boxing champion Nonito Donaire, Jr. na nagpakita pa ng MJ dance steps sa camera.

Walang balita sa gross pero ilang movie reporters ang nagsulat na puno raw ang mga theaters. Si Dolly Ann Carvajal ng Philippine Daily Inquirer ay die-hard fan ni Michael, ganun din si Joey Marquez.

Para sa mga datihang fans ni Michael Jackson ay malaking bagay ang muli siyang mapanood while performing favorites like Thriller, Beat It, I’ll Be There, I Want You Back, Wanna Be Starting Something, The Way You Make Me Feel, Smooth Criminal at marami pang ibang kanta.

Released by Columbia Pictures (na pag-aari ng Sony), ang This Is It ay mga actual video clips ng rehearsals sa Staples Center, Los Angeles. Bukod sa ordinary rehearsals ay umabot na pala sa dress rehearsal ang preparation kaya kumpleto sa costume at props ang nasa video.

Sabi ng ilang nakapanood ay parang nakita na nila ang live concert. Ang 2-hour documentary movie ay equivalent na rin sa live concert na dapat sanang ginanap sa London. Ang This Is It concert ay tatakbo ng 50 beses dahil yung numerong iyun ang edad ni Michael Jackson.

Sabi sa isang report, “what you will see is actually the final rehearsal.” Marami ang nanghihinayang na hindi natuloy ang London concert. In fact, mahigit kalahati ng tickets ay nabenta na pero ready for refund naman. Isa si Tito Sotto sa nakabili na ng This Is It concert sa London.

Ang buong show ng This Is It ay nagmula sa creative talents ni Michael Jackson. Hindi lang choreography ang pinakialam ni Michael at hindi lang pagiging singer at dancer ang makikita rito dahil parang si Michael na rin ang director at architect ng buong show.

Matatandaang namatay si Michael noong June 25 sa Los Angeles. Ang itinuturong dahilan ng cardiac arrest ay ang maling paggamit ng powerful sedative na diprivan. May kaso na against the private doctor of Michael na siyang nagbigay ng nasabing sedative kay Michael.

Ang estate ni Michael ay naiwan sa pamamahala ng ina niyang si Katherine. Noong una ay inakalang utang ang tanging naiwan ni Michael pero lumabas sa kuwentahan na malaking kayamanan pa rin ang namana ng estate niya.

At nakadagdag pa sa kayamanan ng estate ni Michael itong kinita ng This Is It dahil hindi lang ang income sa movie dahil meron din itong soundtrack. Ang album ay inaasahang bebenta ng hindi bababa sa 350,000 copies. Next year ay magkakaroon ng dvd copies na inaasahan ring pag-aagawan bilang souvenir copies.

Sa nangyari sa This Is It ay muling napatunayan ang attraction ni Michael sa mga countless fans niya sa buong mundo. Kahit sa www.rottentomatoes.com ay mataas na 79 points ang naging score ng This Is It.

Ang isang katangian ni Michael na mahirap mapantayan ay ang kanyang husay sa pagkanta at pagsayaw. Karamihan ng kanyang mga steps ay siya ang nag-isip at karamihan sa kanyang kanta ay sa concept niya nanggaling. Si Michael ay collaborator ng songwriter at collaborator din siya ng choreographer.

Sa ngayon, si Michael Jackson ang may hawak ng highest record sales—ang kanyang Thriller album at video. Ang kanyang moonwalk dance steps ay sadyang kakaiba at hindi na siguro mapapantayan pa.

Hindi maitatanggi na si Michael Jackson ay isang creative genius. Ang bakas ng King of Pop ay mananatili sa ating panahon.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/