Oct 23
SINGING ACTRESSES by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Oct 23, 2009

Ang pagkanta ay isang daan patungo sa tagumpay sa larangan ng showbiz. Maraming sikat na artista ang nagsimula sa pagkanta. Nangunguna na rito si Carmen Rosales.

Singing is a talent that may be a passport to fame and glory. Nang lumutang sa radyo ang pangalang Nora Aunor, there was already the undefined excitement because the unknown singer from Bicol was bruited to be so good. Sa kasamaang palad ay natalo si Nora kay Jose Yap sa Tawag Ng Tanghalan singing contest.

Pero nakaguhit na sa kapalaran ang pagsikat ni Nora. Mula sa radyo ay napunta siya sa television at pelikula. Hindi nagtagal ay tinagurian siyang superstar. Nakakapagtakang isipin dahil wala siyang ipinagmamalaking ganda, maliit siya (standing less than 5 feet) at hindi rin maputi ang kutis.

Kasabay sa pagsikat ni Nora ang pagtaas ng career ni Vilma Santos sa movies. But contrary to Nora’s footsteps, si Vilma ay walang talent sa pagkanta. Siya ay nagsimula bilang child acress, working her way to the ladder of popularity with her serious drama roles that earned her many acting awards and countless nominations.

Pitting Nora against Vilma in the popularity game was sheer genius. Ang mga fans ay nabuhay at nakisali sa pagtutunggali ng kanilang mga idolo. Ang Tower Productions na pag-aari ni Maria Victoria was turning out a Nora Aunor movie every month, all musicals, of course.

Si Manny De Leon, a virtual unknown singer, ang laging leading man ni Nora at ang director ay si Artemio Marquez. Later on ay nalipat kay Tirso Cruz III ang partnership ni Nora at lalo pa siyang sumikat.

Hindi nagpaiwan ang handlers ni Vilma when they picked a chubby singing contest winner by the name of Edgar Mortiz. With the completed casting of the 2 pairs, the very successful rivalry of Nora and Vilma progressed from a sing-and-dance routine into blockbuster movies with serious plots.

Hindi man mahusay kumanta pero mahusay namang magsayaw si Vilma. What’s interesting to note was Vilma’s admission that she really couldn’t sing. Pero sa kabila noon ay may more than 20 recordings na plaka si Vilma.

In fact, Vilma and Nora are both highly acclaimed actresses with innumerable awards and nominations. Hindi na siguro kayang ulitin ang phenomenal rivalry nina Nora at Vilma.

Aside from the talent fee, ang box office result o benta sa takilya ay isang sukatan ng kasikatan. Yan ang dahilan kung bakit iginagalang ngayon si Sarah Geronimo sa movie industry.

In 2008, Sarah’s A Very Special Love, opposite John Lloyd Cruz, ay humakot ng mahigit P100 million. Kasunod noon ang You Changed My Life, again with John Lloyd as her love interest, grossed more than 200 million. Hindi man singer, si John Lloyd Cruz ay mula sa singing Cruz family at pamangkin ni Tirso Cruz III.

From a high-caliber singer, Sarah had metamorphosed into a fine actress. Siguro ay dahil na rin sa kanyang exposure sa tv. Kasali siya sa Pen-pen De Sarapen at sa Ang TV, both children’s show.

At age 14, Sarah was the grand prize winner of Star For A Night singing contest for her rendition of To Love You More. The show was hosted by no other than Regine Velasquez, a diva in her own right.

Speaking of Regine, isa rin siyang box office drawer. Aside from her SRO concerts, marami siyang box office hits sa movies at ang latest ay ang Paano Kita Iibigin, opposite Piolo Pascual. Aside, her tv shows are all high-rating, be it drama, musical or even comedy like Kim Samsoon.

Jolina Magdangal started out as a singer but ended as a successful movie and tv personality. She played weird character Annie Batungbakal at ang latest movie niya ay ang I.T.A.L.Y., bilang isang chambermaid sa cruise ship. Leading man niya si Dennis Trillo. Jolina is mostly typecasted in comedy roles.

One of the biggest, if not the biggest, movie star to be born from singers is Sharon Cuneta, acknowledged as the mega star. Ang kanyang kantang Mr. DJ ay pumutok sa radyo noong 12 years old pa lang siya. At first, the public was curious because Sharon was the daughter of Pasay City’s mayor and a niece of Helen Gamboa.

To stand on her own feet, Sharon came out with successive albums before she was given a movie role by Viva Films. Ang Dear Heart, which Sharon did when she was only 15, ang unang box office na movie ni Sharon. Yun ang simula ng kanyang successful partnership with Gabby Concepcion.

With her numerous acting awards, Sharon Cuneta is no doubt an actress. Sa ngayon, kahit medyo overweight ay may show pa rin siya tuwing Sunday night –the Sharon Cuneta Show sa Channel 2.

Aiza Seguerra is a peculiar species because unlike most of the singers who became actresses, Aiza started out as a child actress. Despite losing in the Little Miss Philippines contest of Eat Bulaga, ginawa pa rin siyang mainstay ng sikat na noontime show ng trio nina Tito, Vic and Joey.

Sa paglitaw ng Okay Ka, Fairy Ko sa tv ay nabigyan na ng movie roles si Aiza. After outgrowing her cute image, sandaling nawala sa limelight si Aiza. To maintain her popularity, Aiza shifted to music. With a little luck, Aiza’s Pagdating Ng Panahon was a chart topper, making her a fulfilled singer.

Pero hindi lahat ng magaling na singer ay nagtatagumpay sa movies. Although Manilyn Reynes had been a star when she was a teenager, she failed to reach stardom on her second try when she was launched by RPN-9 as the Star of the Decade.

Incidentally, Manilyn played the part of Eva Castillo in the bio tv serial of GMA-7. Si Eva ang perennial rival ni Regine Velasquez sa mga amateur singing contests noong sila ay mga bata pa.

The highly acclaimed international diva Lea Salonga failed to make a lasting mark in the Philippine movies. Although Lea had gained a nomination, from FAMAS and URIAN, for her role in Sana Maulit Muli which she did in 1996, she was never considered a box office actress.

Lea’s star reached the apex nang makuha siya para sa role na Kim sa stage musical Miss Saigon na ginanap sa London West End. Her unparalleled performance earned her an Olivier Award for Best Performance by an Actress in a Musical (1989-1990 season).

Pagkatapos umani ng tagumpay sa London ay lumipat naman sa Broadway si Lea. Doon siya namitas ng Tony Award, a Drama Desk, an Outer Critic Circle and the Theater World Award for her role in Miss Saigon.

Ang ilan sa magagaling na singers pero hindi nagtagumpay in terms of popularity ay sina Christian Bautista, Mark Bautista at Erik Santos. Nagkaroon ng pagkakataon si Mark nang maging bida siya sa Lastikman, opposite Sarah Geronimo, pero hindi kumita ang filmfest movie.

Si Kyla ay maituturing na successful singer pero hanggang sa singing lang siya. Nag-audition siya para gumanap ng Darna na eventually was played by Angel Locsin.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/