Oct 16
BAYANIHAN VS BAHA by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Oct 16, 2009

Napakalaking pinsala ang dinulot ng bagyong Ondoy sa Pilipinas noong September 26 ng taong ito. Wala man ang mapanirang hangin ngunit ang dami ng ibinuhos na ulan ay naging dahilan ng matinding baha sa iba-ibang lugar sa Luzon.

Ang unang sinisisi ay ang pag-release ng tubig sa Lamesa Dam at sa Angat Dam. Mahirap mang patunayan ito ay marami ang naniniwala na naging negligent ang dam caretakers kaya napunuan ang dam at kailangang magpakawala ng maraming tubig.

On a positive note, muling ipinakita ng mga Pilipino ang ating Bayanihan spirit. Sama-sama at tulong-tulong upang sagipin at tulungan ang mga nalubog sa baha.

Nakakatuwang isipin na ang mga artista ang nangunguna sa relief missions. Both GMA-7 and ABS-CBN have their own donation box, so to speak. Hindi naman nag-paiwan ang TV-5 dahil meron din silang sariling collection. Ang mga telethon na tumatanggap ng donations ay mga artista rin ang nagha-handle.

Nakakagulat na may sariling grupo pala si Dingdong Dantes, ang Yes Pinoy Foundation na namahala sa pagbibigay ng tulong sa almost 1,000 families sa Manggahan, Pasig City. Dingdong was joined by Dennis Trillo and Antonio Aquitania on that Sunday after Ondoy’s wrath.

Sa evacuation center sa Barangay Silangan naman pumasada si Alfred Vargas. Nagdala siya ng relief goods at tumulong sa mga nasaktan at namatayan. Nangako rin si Alfred na hindi pababayaan ang mga evacuees.

Sa kabila ng pagtulong ni Dingdong at Alfred ay maraming kilay ang nakataas. Maugong kasi ang balita na pareho silang tatakbo as councilor ng Quezon City. Actually, nag-declare na si Alfred ng kanyang intention pero si Dingdong ay hindi pa.

Hindi man kakandidato ay tumulong sa distribution ng relief goods sa San Francisco Del Monte sa Quezon City si KC Concepcion. Kasama ni KC si Direk Joyce Bernal at ang magaling na singer na si Mark Bautista.

Ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ay nagpakita rin ng kanilang effort nang tulungan nilang sagipin ang family ni Gladys Reyes. Nasa abroad kasi ang husband niyang si Christopher Roxas kaya medyo nag-panic si Gladys.

Inabot daw ng almost 6 hours ang pagresponde ni Ryan at Judy Ann dahil talagang mataas ang tubig baha. In fact, stranded sa second floor ng kanilang bahay si Gladys kasama ang kanyang 2 anak at ang maid.

Matapos mailigtas ang family ni Gladys ay tinulungan din ni Ryan ang ilang kapitbahay ni Gladys. Nagdala rin ng pagkain si Ryan at Judy Ann dahil alam nilang walang pagkain ang mga stranded sa lugar na yun.

Binaha rin ang bahay ng mag-inang Jean at Jennica Garcia sa Common-wealth in Quezon City. Very traumatic daw ang pangyayari dahil na-stranded ang mag-ina sanhi ng malalim na tubig ng baha.

Si Camille Prats ay nakaranas din ng trauma. In fact, sumulat na siya ng love letter sa kanyang husband na si Anthony Linsagan. Lampas-tao ang baha sa Village East na kung saan ay presidente pa ng Homeowners Association ang father ni Camille.

Tahimik naman sa kanyang crusade si Angel Locsin. Bukod sa pagbibigay ng half million pesos sa relief fund ng ABS-CBN ay kumikilos din si Angel sa pangangalap ng pondo upang makapagsagawa ng sariling relief mission. At pakiusap ni Angel na huwag na raw sanang mai-publish pa ang kanyang ginagawa dahil baka bigyan pa ng hindi magandang meaning.

Katulad ni Angel, walang puknat ang pagtulong ni Miriam Quiambao sa mga nasalanta, hindi lang ng bagyong Ondoy kundi pati na rin ang tinamaan ng bagyong Pepeng. Personal na dinadalaw ni Miriam ang mga nasalanta at hindi rin siya tumitigil sa paghingi ng mga donations.

Saksi ang mga kapitbahay sa heroic acts ni Gerald Anderson. Nabalitang nilangoy ni Gerald at ng kanyang kapatid ang malalim na baha upang tulungan ang mga taong stranded. Natakot ang mother ni Gerald dahil hindi naman daw dapat gawing true-to-life ang role ni Gerald sa Tiagong Akyat.

Nakakatawa namang intriga ang ibinato kay Kim Chiu. Isa raw detractor ang nagpadala ng relief goods sa bahay ni Kim dahil ito raw ay mal-nourished na. Ang nasabing mischief ay hindi ma-confirm dahil ayaw patulan ni Kim ang issue.

Isa pang magkapit-bahay ay sina Cesar Montano at Bayani Agbayani sa Vista Real sa Quezon City. Kapuwa sila tumulong sa mga kapitbahay nilang nasalanta ng bagyo. Ngayon lumitaw na nakatulong pala nila sa rescue effort si Gerald Anderson. Hindi raw nakilala ni Cesar si Gerald dahil madilim noong gabing yun.

Si Raymart Santiago ay hindi rin nakatiis. Napilitan siyang lumusong sa malalim ng baha upang tulungan ang kanilang mga kapitbahay. Nagka-taon na neighbor nila si Jericho Rosales kaya naging close ngayon ang dalawa.

Pero ang pinakamalaking balita ng heroism during Ondoy’s wrath ay ang rescue na ginawa ni Richard Gutierrez kay Cristine Reyes. At kaya naman lumaki ang balita ay hindi lang dahil sa intriga kundi dahil na rin sa pagsali ni Annabelle Rama sa issue.

Via cellphone ay nalaman ni Richard Gutierrez na nasa bubungan ng bahay si Cristine and family. Nang maging emotional si Cristine sa phone ay nagdesisyon na si Richard. Lampas-tao kasi ang floodwater sa Provident Village sa Marikina City at nasa bubungan si Cristine and family.

Kasama ang isang kaibigang may gamit na pantubig, nilusong ni Richard ang malalim na baha sa Marikina. Muntik na ring matangay ng malakas na agos si Richard. Suwerte na lang daw at maliksi siyang nakaiwas sa disgrasya.

Nagkataon kasi na leading lady ni Richard si Cristine sa soon to be shown Patient X. Hindi tuloy maiwasang isipin na gimmick lang ang lahat kahit hindi. Incidentally, si Richard din ang producer ng kanilang movie.

Sa pagpunta ni Richard kina Cristine ay hindi mapalagay si Annabelle kaya sinundan nito ang anak. Nagkataon namang may mga GMA-7 reporters kaya na-broadcast na ang mga nangyayari. As usual, ang munting usok ay naging sunog dahil na rin sa contribution ni Annabelle sa issue.

Overall ay positive ang lahat ng mga nangyayari. At sa pagdating naman ng bagyong Pepeng ay sa northern Luzon naman naka-focus ang mga relief missions.

Hindi man artista pero ang talagang nakinabang sa publicity sa nang-yaring bahaan ay si Gibo Teodoro. Malamang na biglang taas ang kanyang rating kumpara sa less than 1 percent na nakukuha niya dati.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/