Oct 02
DAHIL SA PAG-IBIG by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Oct 2, 2009

The thing called love is very evident in the entertainment field especially career wise. Maraming artista at singers sa local entertainment ang nakitaan ng pagkabigo o pagtagumpay dahil sa pag-ibig.

First and foremost ang story ni Barbara Perez. Happily married to Robert Arevalo, hindi siguro alam ng karamihan na muntik na siyang maging hollywood actress.

art-09oct02-dahil-sa-pag-ibig_pic1.jpg
Barbara Perez with Robert Arevalo

Isa si Barbara sa mga artistang hindi nag-audition. Noong araw kasi ay mahigpit ang pagpili sa mga artista. Hinahanapan muna ng magandang rehistro sa camera (the so-called screen test). Isang plus factor siguro kay Barbara ay ang kanyang pagiging Karilagan model kaya lumutang ang kanyang exotic beauty.

Sa Seattle World’s Fair ay naimbita si Barbara ng Universal International at binigyan pa siya ng press conference. Ang MGM ay nag-offer din ng role kay Barbara to play the lead in Dime With A Halo. Ang isa pang offer ay ang The Seventh Dawn na leading lady sana siya ni William Holden.

Ang lahat ng magagandang pagkakataon sa Hollywood ay tinanggihan ni Barbara nang dahil sa pag-ibig.

Si Jean Garcia, na ngayon ay mas kilalang nanay ni Jennica, ay muntik na ring maging star ng local movies. Title roler siya sa Impaktita noong 1989. Produced by Regal Films, kasama ni Jean si Aga Muhlach, Richard Gomez, Gloria Romero, Nida Blanca, Rez Cortez, Directed by Peque Gallaga

Isang horror ang Impaktita na ang storya ay umiikot sa isang dalagitang inampon ng isang pamilya. Ang tunay na ina niya ay isang asuwang at magiging asuwang rin siya pagsapit ng 18 years old.

Bagay na bagay kay Jean ang papel nya sa Impaktita kaya very appropriate na launching movie niya yun as a star. However, si Jennica ay ipinanganak noong December, 1989 courtesy of Jigo Garcia. Hindi natuloy ang pagiging Horror Queen sana ni Jean nang dahil sa pag-ibig.

Si Julia Clarete ay permanent fixture sa Eat Bulaga at halos sa Eat Bulaga lang siya makikita sa ngayon. Hindi pansin ng tao ang kanyang singing prowess dahil ang kanyang pagiging comedian ang nangingibabaw.

Si Julia ay member ng Star Circle batch 4 noong 1996. After 10 years ay naglabas siya ng album. Released by Ivory Records, Bumalik Ka Lang was the carrier single na si Julia rin ang composer. Matindi ang preparation ng album producer sa launching ni Julia as the new singing sensation.

Taong 2007 nang ipanganak ni Julia ang isang baby boy. Naunsyami ang pagiging singing star ni Julia nang dahil sa pag-ibig.

Because of the very successful movie career ni Judy Ann Santos ay hindi maiwasang mai-link siya sa mga naging screen partners niya. Ang kahigpitan ng kanyang inang si Mommy Carol ay madalas tuligsain sa mga tabloid. Pero ang label na stage mother ay actually pinapelan ng kanyang manager na si Alfie Lorenzo.

Bilang masunuring anak, pinakinggan ni Judy Ann ang pangaral ng kanyang mother lalo na pagdating sa pag-ibig. Ang mga suitors niya ay parang dumadaan sa audition. Kung tutuusin ay walang naging seryosong boyfriend si Judy Ann maliban kay Ryan Agoncillo.

Si Judy Ann at Ryan ay ikinasal ng isang Martes noong April 28, 2009 sa simbahan ng San Juan Nepomuceno sa San Juan, Batangas. Isang malaking surprise sa publiko ang kasal nila dahil nagawa nilang ilihim ang date at place. Gusto raw kasi ng bride and groom na maging private at solemn ang affair.

The way it looks ay happily married si Judy Ann kay Ryan and hopefully they will stay happily married. Ngayon ay naging matagumpay ang personal na buhay ni Judy Ann nang dahil sa pag-ibig.

Si Pauline Luna ang isa pang dutiful daughter at very close sa kanyang family. In fact, pati ang kanyang grandmother na close sa kanya ay adviser din ni Pauline. Incidentally, si Merceditas Jimenez na lola ni Pauline ay binaril at namatay noong November 5, 2008 sa isang palengke sa Sta. Cruz, Manila.

Hindi man hayagan pero obvious din ang screening committee sa family in Pauline when it comes to her suitors. Ang pagiging close ni Pauline Luna kay Marvin Agustin ay napunta sa wala dahil sa pagkontra ng kanyang pamilya. Ganun din ang sinapit ng kanyang short-lived relation kay Dennis Trillo lately.

On the contrary, ang relasyon niya kay Sherwin Gatchalian na mayor ng Valenzuela ay dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Unfortunately, ang relasyon na yun ay hindi rin nagtagal. Ngayon ay malungkot si Pauleen nang dahil sa kawalan ng pag-ibig.

Katulad ni Pauleen, si Sunshine Dizon ay isang ulirang anak na nakikinig sa kanyang ina. Lahat ng mga nanligaw kay Sunshine ay dumaan sa pagkilatis ng kanyang mother na si Dorothy Laforteza. At sa ngayon ay wala pang talagang nakakapasa.

Para kay Sunshine ay career ang kanyang priority. Bata pa naman daw siya kaya siya ay willing to wait nang dahil sa pag-ibig.

Si Jennylyn Mercado ay naging crowd sweetheart nang magwagi siyang Ultimate Survivor sa unang batch ng Starstruck. Successful ang tambalan nila ni Mark Herras na naging sweetheart din niya sa true life.

Matapos silang maghiwalay ni Mark Herras ay na-link si Jennylyn kay Patrick Garcia. Bumulusok ang career ni Jennylyn nang siya ay mabuntis. Hindi pinanindigan ni Patrick ang kanyang ginawa at may usap pa na dine-deny daw ni Patrick na siya ang ama ng bata sa tiyan ni Jennylyn.

Nagsilang ng batang lalake si Jennylyn at siya naman ang nanindigan na hindi niya ibibigay ang karapatan ni Patrick sa anak nila. Mukhang masaya naman si Jennylyn sa kanyang buhay kahit sabihing nabigo ang personal na pangarap nang dahil sa pag-ibig.

art-09oct02-dahil-sa-pag-ibig_pic2.jpg
Boots Anson Roa accepting the Lifetime Achievement Award from FAP

Si Boots Anson ay dating host ng Dance-o-Rama with Pete Roa. Papasikat na sa entertainment si Boots nang bigla siyang mag-asawa.

In fairness kay Pete, naging sikat na artista pa rin si Boots after ng kanilang sudden marriage.

Wanted Perfect Mother ang unang blockbuster ni Boots opposite Dante Rivero noong 1970. Kasama sa said movie si Liza Lorena bilang wife ni Dante at ang mga anak nilang sila Gina Alajar at Snooky.

In fairness kay Pete, naging sikat na artista si Boots Anson Roa nang dahil sa pag-ibig.

Marami pang kuwento ng mga artista, singers at iba pang personalities sa entertainment na nagtagumpay o nabigo nang dahil sa pag-ibig. Pero mangingibabaw pa rin ang kuwento ni Vilma Santos at Sharon Cuneta sa kanilang ikalawang kaligayahan nang dahil sa pag-ibig.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/