Sep 23
MALE COMIC TANDEMS by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Wed, Sep 23, 2009

Masasabing the first popular comic duo sa ating pinilakang tabing ay ang partnership ni Pugo at Togo. Dahil parehong kalbo kaya sa hitsura pa lang ay natatawa na agad ang audience (dahil noong araw ay hindi fashion ang kalbo na gaya ngayon). Lalo pa nga sa kanilang mga slapstick na hindi naiiba sa Three Stooges ay totoo ang kasabihang sasakit ang tiyan mo sa katatawa sa kanila.

Panahon ng World War II nang pumalaot sa stage si Pugo at Togo. Sandaling pinalitan ang pangalan nila ng Puguing at Tuguing dahil ang Togo ay katunog raw ng Tojo, ang Prime Minster ng Japan noong giyera. Ang comic duo ay dinudumog sa Clover Theater at sa Avenue Theater, hindi lang sa basta comedy kundi dahil sa kanilang “satire” na patungkol sa mga Hapon. Ito ang dahilan kung bakit madalas silang ma-aresto at madala sa Fort Santiago.

Sa ngayon ay puwedeng ihambing kay Pugo at Togo ang tandem ni Jose Manalo at Wally Bayola ng Eat Bulaga. Although kamukha ni Wally si Togo ay wala namang similarity ang humor nila dahil modern na si Jose at Wally. Pero ang talagang unang gumaya kay Pugo at Togo ay si Pugak at Tugak na sa pangalan pa lang ay talagang gaya-gaya na.

Ang sentro ng comedy ni Pugak at Tugak ay ang “stupidity” o katangahan ng isang character na sa bandang huli ay lumilitaw na silang dalawa pala ang tanga. Mas akma silang itulad sa Three Stooges.

Hindi gaanong nagtagal ang partnership ni Pugak at Tugak kaya itinuloy na lang ni Tugak ang kanyang passion na pagiging painter, using his real name Peck Piñon. Si Pugak naman ay halos pa-extra, extra na lang gamit ang kanyang kakaibang mukha. Siya lang siguro ang artistang kayang tiklupin ang kanyang mukha.

For all time popularity sa local scene ay wala pa sigurong tatalo sa comic tandem ni Dolphy at Panchito. Phenomenal ang kanilang kasikatan at kahit paulit-ulit ang kanilang English-Tagalog song translation act ay never na nagsawa ang mga tao. Sa kanilang act ay si Panchito ang laging arch-rival ni Dolphy na nakakalamang sa umpisa pero sa bandang huli ay si Dolphy pala ang bida.

One thing going for Dolphy and Panchito ay ang galing nila sa pagkanta. Hindi man halata (dahil natatabunan ng kanilang comedy) ang blending ng kanilang boses ay puwede nang isaplaka. Another thing ay ang natural flair for comedy ni Dolphy kaya siya nabansagang Comedy King ng Pilipinas.

Ang sentro ng humor nila ay ang kapayatan ni Dolphy at ang laki ng ilong ni Panchito. Ang isa sa long-running tv show nila ay ang Buhay Artista. Together with other comedians na kaibigan nina Dolphy at Panchito—Babalu, Bayani Casimiro, Teroy De Guzman at Cachupoy—ay meron din silang Kahit Ano Puwede, ang Crazy Corporation at ang 1898 na kasama pa si Rey Langit.

Nahinto lang ang partnership nina Dolphy at Panchito nang magkasakit na si Panchito at nagpunta siya sa Amerika. Pero sinundan pa rin siya ni Dolphy doon upang gawin ang kanilang last movie together, Home Sic Home.

Sa foreign counterpart naman ay isang notable comic tandem ang tambalan ni Bud Spencer at Terrence Hill. Parehong Italian (although half German si Terrence), umabot sila sa Hollywood dahil sa galing ng kanilang comedy.

Normal, guwapo at blue-eyed si Terrence in contrast with Bud who stands 6 feet, 4 inches at super taba. Binagayan nga siya sa movie niyang They Call Him Bulldozer dahil talaga namang parang bulldozer ang katawan niya. Si Terrence naman ay binagayan din sa Call Me Trinity, isang mischievous character.

Ang ilan sa mga blockbuster movies nila ay ang The Sheriff and the Satellite Kid, Everything Happens To Me, Banana Joe at ang Superfantagenio. Magaling sila sa subdued, isang pagpapatawa na hindi bulgar at hindi straightforward. Ang ganitong comedy raw ay pang-intellectual. Kadalasang naka-sentro sa laki ng katawan ni Bud ang kanilang humor at ang nagre-resolve ng conflict ay ang talino ni Terrence.

Hindi pangkarinawang comedian si Bud Spencer dahil bukod sa pagiging actor ay dating swimmer siya, may law degree at isang inventor na maraming patented inventions. Paghinto niya sa movies ay naging helicopter pilot siya at licensed din siyang magpalipad ng jet plane. Siya ang nagtayo ng Mistral Air noong 1984.

Internationally speaking, ang pinaka sa lahat ng comic tandems ay ang tinaguriang Fat and Thin. Ang images nila ang nasa wrapper ng tsampoy simula pa noong matapos ang World War II. Tanging si Charlie Chaplin lang ang nakalamang sa kanilang popularidad. Pero sa comic tandems ay sila pa rin ang pinakasikat sa buong mundo.

Si Stan Laurel at Oliver Hardy yata ang nagpauso ng comic tandems sa buong mundo.

art-09sept23-male-comic-tandems-pic.jpg
photo from www.callmefatty.com

Ang una nilang tambalan ay ang short film na The Lucky Dog. Silent film ito kaya slapstick lang ang puwedeng comedy. Pagkatapos ng pelikulang ito ay hindi naman sila agad naging magka-partner. Si Stan ay tuloy-tuloy ang pag-aartista at nagsusulat na rin siya ng mga comedic spiels.

Makalipas ang ilang taon ay muling nagsama sina Oliver at Stan bilang sina Fat and Thin, respectively. Ang contrasting image nila—malungkot ang payat na si Stan at masaya ang mataba at bigotilyong si Oliver—ang nagbibigay ng flavor sa kanilang humorous acts. Ang first successful hits nila ay ang Slipping Wives, Duck Soup at ang With Love and Hisses, na sa pamagat pa lang ay lampoon na agad ang dating.

Ang ilan sa mga short films nila ay ang The Battle of the Century, Should Married Men Go Home?, Two Tars, Be Big, Big Business at ang Unaccustomed As We Are. At ang unang feature film nila ay ang The Hollywood Review of 1929 at ang Rogue Song na nasa Technicolor na. Pero ang una nilang pagiging bida (solo) ay sa Pardon Us. Sa paglipas ng kasikatan nila ay iniwan nila ang Roach Studios at lumipat sila sa 20th Century Fox at later on ay sa MGM Films.

Ang tunay na pangalan ni Stan Laurel ay Arthur Stanley Jefferson. Isa siyang British na naglagi sa America. Binigyan siya ng Academy Award ng Lifetime Achievement Award para sa kanyang mga nagawa sa comedy. Kahit sa deathbed niya noong 1965 ay ipinakita pa rin ni Stan ang tatak ng tunay na comedian. Sinabi niyang “I would not mind going skiing.” At nang sumagot ang nurse na “skieer” pala si Stan, sinabi ni Stan na hindi siya marunong mag-ski pero gagawin niya basta alisin lang ang mga tubo at karayom na nakakabit sa kanya.

Ang tunay na pangalan ni Oliver ay Norvell Hardy. Isa siyang American. Matapos ang mild heart attack noong 1954 ay unti-unti nang pumayat si Oliver hanggang mabawasan ng 150 pounds ang kanyang timbang. Sa ilang magkakasunod na stroke ay namatay si Oliver noong 1957 sa edad na 65.

Matagal nang wala sina Fat and Thin pero hindi na siguro mapapantayan ang kanilang naibigay sa laragan ng pagpapatawa. Sila ang inspirasyon ng Champoy nina Noel Trinidad at Subas Herrero. At sila pa rin siguro ang magsisilbing inspirasyon ng mga darating pang comic tandems in the future.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/