Sep 02
INFOMERCIAL INQUIRY by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Wed, Sep 2, 2009

Ang Infomercial ay isang advertisement para sa ikauunlad ng isang bagay na hindi pang-commercial ang purpose. Unlike commercial ads, ang produkto ng infomercial ay hindi nabibili dahil image o idea ang ibenebenta nito.

Ang mga infomercials na nakikita natin ngayon sa tv at naririnig sa radyo ay nagsusulong din ng image or idea pero image ng government official at ng idea na dapat siyang iboto sa darating na 2010 elections. Halatang pansariling kapakanan na ang tinutumbok ng mga infomercials nila.

Ang nangunguna sa paramihan ng infomercial ay si Manny Villar. Ang emphasis ng kanyang message ay ang pinagdaanang hirap ng buhay pero ang nakukuhang idea ng mga tao ay ang kanyang kayamanan sa ngayon dahil ang mga major channels ay bugbog sa kanyang infomercials.

“Nagmula sa mahirap kaya tumutulong sa mahirap” ang tagline na nagpapahiwatig na mayaman na siya dahil kaya nyang bayaran ang gastos ng infomercial. At bilang saksi ay ang patunay ng kanilang dating kapitbahay na sila nga ay siksikan sa bahay.

Second running kay Villar ang infomercial ni Mar Roxas. Katulad ng kay Villar, ang infomercial ni Senator Roxas ay nakatutok din sa kahirapan. Ang iba-ibang mukha ng mahihirap ay nagrereklamo kay Senator Roxas na sasagutin niya ng napakalamya at parang nanghihinang “Ramdam ko kayo. Wag kayong matakot. Lalaban tayo.”

Sa rough estimate na P80,000 per 30-second spot ang gastos sa tv advertisement, madaling makuwenta na milyon ang nagagasta ng 2 senador sa loob ng isang araw lamang. At kung gagamitan ng calculator ay makikita natin na napakalaking halaga ang mauubos nila sa infomercial dahil malayo pa ang election day.

Maganda ang pakikisawsaw ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa issue ng infomercial. Noong August 14 ay nagpatawag siya ng senate inquiry upang malinawan kung bakit ang mga government officials ay may infomercial lately. Sinabi rin ni Senator Santiago na obvious na palatandaan ito ng kanilang political ambition. Sino ba ang gumagasta at saan nanggagaling ang ibinabayad para sa airing ng infomercial?

Exempted sa issue ang infomercial topnotchers dahil personal na gastos ang mga infomercial ni Senator Manny Villar at Senator Mar Roxas. Alam naman ng karamihan na mayaman ang 2 senador kaya can afford sila sa ganyang gastusin. But how about the other infomercials?

Ang pagsikat ni Santino sa kanyang tv soap na May Bukas Pa ay sinakyan ng infomercial ni Ronaldo Puno. Gamit na soundtrack ang theme song ng soap ni Santino, naka-focus ang women’s desk na siyang papel ni Precious Lara Quigaman sa top rating tv soap. At ang ending scene ay ang pagyakap ni Puno sa bata na alam nating simbolo ni Santino.

Si Ronaldo Puno ay secretary ng DILG – Department of Interior and Local Governments. Siya ang big boss ng mga pulis sa PNP at siya rin ang nagre-regulate sa mga mayors, governors at iba pang local officials. At ang infomercial niya ay “to disseminate information on the accom-plishments” of his department.

Wala sanang problema kaya lang ay naghayag na si Puno ng kanyang balak na tumakbo bilang vice president kaya obvious na personal political ambition ang purpose ng kanyang infomercial. Hindi pumunta sa senate hearing si Secretary Puno at pabirong nangatuwiran na gusto lang niyang makaiwas sa pagsigaw ni Senator Santiago.

Ang ating vice president na si Noli De Castro ay concurrently chairman ng Home Development Mutual Fund (PAG-IBIG), ang government agency for mass housing. Sa pagkuwestiyon sa infomercial ni De Castro, sinabi ng HDMF chief executive officer na si Jaime Fabiana na si De Castro raw ay akmang maging endorser ng housing program dahil kilala na siya ng mga tao.

Dagdag na katuwiran ni Fabiana na simula ng magkaroon ng airing ang infomercial ni Vice President De Castro ay dumami ang loan sa Pag-Ibig. In fairness sa HDMF, matagal na ang infomercial na ito at very informative naman talaga in encouraging people to have their own houses.

Proud kaya ang mga taga-Makati sa infomercial ni Jojo Binay? In the tradition of Villar’s kahirapan, ipinakita rin sa infomercial ni Mayor Binay ang pinagdaanang kahirapan. Nag-alaga pala siya ng baboy noong araw. May kinalaman naman ba ang alaga niyang baboy sa pag-unlad ng Makati?

Kung kinilabutan kayo sa infomercial ng local Obama ay baka manigas kayo kapag nakita nyo ang infomercial ni Boboy Syjuco, ang head ng TESDA (Technical Education and Skills Development Authority). Dating may ari ng 7-Up bottling at Marksman ng NRPA (National Rifle and Pistol Association) at ang kanyang asawa ay isa ring mahusay na target shooter.

Kagalang-galang ang pamilya Syjuco … dati. Ngayon ay katawa-tawa ang hitsura ni Augusto ‘Boboy’ Syjuco dahil pakanta-kanta at pasayaw-sayaw siya sa tabi ni Sarah Geronimo. Sasabihin bang ginawa niya yun to promote TESDA?

May infomercial din si Efraim Genuino. Bilang pinuno ng PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation) ay isinusulong niya ang paglaban sa dangerous drugs. Parang mahirap yatang isipin na ang masamang bisyo ay papatayin ng perang galing sa isa pang masamang bisyo – sugal laban drugs. In fairness kay Genuino, hindi naman daw siya tatakbo for any elective position.

Matapos magbitaw ng salita na tatakbo siyang presidente sa 2010 ay lumabas ang infomercial ni Gilberto Teodoro, ang secretary of National Defense. Sa radyo ay madalas maisalang ang kanyang infomercial na ginawa pang acronym ng paghahanda sa calamity ang kanyang apelyidong Teodoro.

Nakita nyo ba ang infomercial ni Ace Durano ng Philippine Tourism Authority? How about yung pagyayabang ni Francisco Duque III sa mga accomplishments ng Department of Health? Kahit minsan ay baka napanood nyo ang paramdam ni Hermogenes Ebdane ng Department of Public Works and Highway.

Ang mga cabinet officials na dumalo sa senate inquiry ay sina MMDA Chairman Bayani Fernando, Finance Secretary Margarito Teves, Vice President (at Pag-Ibig Chairman) Noli De Castro, Education Secretary Jesli Lapus at PAGCOR Chairman Efraim Genuino.

Bukod kay Ronaldo Puno ay hindi rin dumating si TESDA Chairman Boboy Syjuco, Defense Secretary Gilbert Teodoro, Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman at Mayor Jejomar Binay.

Ang mga pangalang nabanggit ay mga government officials na pinaghihinalaang gumagamit ng pondo ng kanilang agency upang ipanggastos sa mga infomercial. Ayon sa senate inquiry ang Pag-Ibig ay gumastos ng P172 million, ang PAGCOR ay P82 million, ang DOH ay P32 million, ang TESDA ay P32 million, Makati City ay P24 million, DepEd ay P5 million at P5 million din ang MMDA.

Habang papalapit ang election day ay lalong dadami ang mga infomercial sa tv, radyo at print media. Pero sana naman, ang lahat sana ay lumaban ng parehas kay Senators Manny Villar at Mar Roxas na gumagasta ng kanilang sariling pera. Hindi masama ang magkaroon ng infomercial pero masama naman kung ang perang panggastos ay manggagaling sa gobyerno.

As of the latest ay nag-issue ang Manila court ng TRO (Temporary Restraining Order) para sa pansamantalang paghinto ng infomercial ng DOH, particularly sa paggamit ng phrase na DOH OK – katunog daw kasi ng DUQUE.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/