Aug 12
MOVIE TRIVIA–SWOWBIZ SINGERS by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Fri, Aug 12, 2005

By Tante de Ramos

Ilang dekada na sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino na nagkaron ng mga singers na tinanghal na superstar ng kanilang panahon. Karamihan sa kanila ay mga babae, tulad ni Nora Aunor, Sharon Cuneta at Regine Velasquez. Sa aking pananaliksik sa triviang ito, narito ang listahan ng 29 singer na pumaimbulog sa pelikulang Pilipino. Karamihan sa kanila ay nagsimulang singer at naka-tawid patungo sa kasikatan bilang artista.

SHARON CUNETA. Ang tinatawag na megastar na nakuha rin sa pelikula dahil sa pagkanta. Nakatambal na halos ng lahat ng malalaking leading man, mula kay Fernando Poe Jr., Robin Padilla hanggang kay Aga Muhlach. Nagkaron siya ng long-running television program, ang Sharon Cuneta Show.

LEA SALONGA. Sa kokonting pelikulang nagawa niya, nakatambal niya sina Aga Mulach at Ariel Rivera. Ang pinaka-tatangi niyang pagganap ay sa stage play na Miss Saigon sa ibang bansa. Nagkaron siya ng mga concert sa key cities around the world.

REGINE VELASQUEZ. Siya ang tinatawag na Asia ‘s Queen of Songbirds. Nakatambal sina Aga Muhlach at Richard Gomez sa mga pelikulang ginawa sa Viva Films na pawang mga box-office blockbusters. Lumabas din sa Captain Barbell kasama si Ramon “Bong” Revilla Jr. na gumanap sa naturang papel at si Ogie Alcasid. Palaging nagko-concert sa iba’t-ibang venue dito at sa ibang bansa.

ZSAZSA PADILLA. Sa RVQ Productions siya lumalabas sa pelikula na si Dolphy ang Comedy King ang palagi niyang kapareha. Lumalabas din sa ABS-CBN Musical Variety Show tuwing linggo. Tinatawag na Diva Queen sa concert. Minsan nagsosolo siya at sa ibang venue ay may ibang kasama.

POPS FERNANDEZ. Sa Video King, si Robin Padilla ang katambal niya na lumabas sa title role ng pelikula. Anak siya nina Dulce Lukban at ang yumaong Eddie Fernandez. Palagi siyang nagko-concert kasama minsan ang asawang si Martin Nievera o sina Zsazsa Padilla at Regine Velasquez.

GARY VALENCIANO. Lumabas sa mga pelikulang produced ng Seiko Films. Nakatambal din si Sharon Cuneta. Hit na hit siya sa pagko-concert dahil sa galaw ng katawan sa pagsasayaw. Dito sa ating bansa at kahit sa ibang panig ng mundo ay mabili din siya sa pagko-concert.

MARTIN NIEVERA. Nakasama ni Pops Fernandez sa ilang fantasy films at love dramas na ang karamihan ay ginawa sa Regal Films. Tinaguriang Concert King dito sa atin. Nagkaron na rin siya ng isang concert season sa Las vegas.

OGIE ALCASID. Dating miyembro ng Kundirama ng La Salle University. Lumabas siya bilang Enteng sa Captain Barbell. Ang asawa niya ay si Michelle Van Emieren na Miss Australia sa Miss Universe Beauty Pageant na ginanap dito sa Pilipinas. Kung saan-saan venue siya nagko-concert.

JANNO GIBBS. Palaging kasama si Ogie Alcasid sa mga concert nito. Dalawang beses nang lumabas bilang Pedro Penduko, sa direksyon ni Erastheo ‘Baby’ Navoa at Erik Matti. Anak siya ni Ronaldo Valdez na isang artista rin. Ang kanyang asawang si Bing Loyzaga ay lumalabas rin sa pelikula.

NORA AUNOR. Siya ay produkto rin ng Tawag ng Tanghalan na napiling kampeon sa grand final ng mga magagaling kumanta sa pakontes nito sa telebisyon. Kinuha sa pelikula ng Sampaguita Pictures para lumabas sa mga musical. Nakatambal si Tirso Cruz III sa pelikulang Guy and Pip, si Cocoy Laurel sa pelikulang Now and Forever. Si Manny de Leon sa ilang musical films na una niyang pinagbidahan. Nakatambal din si Sajid Khan, ang amboy na lumabas sa mga pelikulang musical dito sa Pilipinas.

ANDREW E. Nakuha sa pelikula sa pagkanta ng rap. Lumabas sa una niyang pelikulang Ibigin mo ay Pangit na siya rin ang kumanta ng theme song. Lumalabas din sa mga venue na kumukuha sa kanya.

PILITA CORRALES. Nakalabas din sa pelikuka ng Sampaguita Pictures at sa iba pang productions company. Lumalabas pa hanggang sa ngayon sa television sitcom na Lagot Ka, Isusumbong Kita kasama sina Richard Gomez, Joey Marquez, Teri Onor, Maureen Larazabal at Madam Tusha. Sa mga kantang kanyang inirecord karamihan ay Tagalog at Spanish songs. Kumakanta din sa mga venue sa kanya ay kumukuha.

REYCARD DUET. Sila ay sina Rey Ramirez at Carding Castro na nakilalang duo sa pagkanta. Pareho na silang sumakabilang-buhay. May nagsapelikula ng kanilang buhay na pinamagatang The Reycard Duet Story. Simula noon ay kinukuha ng lumabas sa ibang pelikula na may halong katatawanan dahil kay Carding na may kasamang kantahan. Sa telebisyon ay mabiling-mabili ang dalawa dahil sa kanilang pagbibiruan at antics sa pagkanta. Tumigil nang matagal sa ibang bansa para kumanta sa mga casino sa Las Vegas, Nevada. Nabuwag ang tambalan nila nang unang mamatay si Rey kaya nagbalik na si Carding sa Pilipinas. Ang asawa ni Rey na si Lynn D’ Amor ay isa ring artista sa pelikula. Bago namatay napasama si Carding, nakasama siya sa sitcom na Home Along Da Riles ni Dolphy na nagbigay kasiyahan sa mga manonood dahil sa kanyang pagpapatawa. Kinuha ng Star Cinema Productions para lumabas sa pelikulang katatawanan na minsan si Babalu o Redford White ang kasama.

RANDY SANTIAGO. Lumabas sa pelikula na kasama ang ibang mga artista.Nag-concert din siya at nagpundar ng Ratsky’s. Sa tv sitcom ay katambal niya si Ai Ai delas Alas sa ABS-CBN.

ARIEL RIVERA. Ang mga nakasama niya sa pelikula ay sina Megastar Sharon Cuneta at Lea Salonga. Lumabas sa stageplay na siya si Dr. Jose Rizal. Ang kapareha niya rito ay si Monique Wilson.

HADJI ALEJANDRO. Sa isang pelikula, nakasama niya si Nora Aunor. Kinanta niya ang mga original Tagalog songs sa recording company. Sa concert kasama niya ang mga katropa na kumakanta ng sama-sama kung kinukuha sa isang venue.

RICO J. PUNO. Sa pelikula ang laging nilalabasan niya ay musical picture. Sa mga kantang kanyang inirecord halos Tagalog songs ang nakakarami. Nagko-concert siya kasama sina Hadji Alejandro, Marco Sison, Nonoy Zuniga at Basil Valdez.

SARAH GERONIMO. Nakuha sa pelikula matapos na maging kampeon ng Search for A Star . Lumabas sa pelikulang Captain Barbell na nakasama nina Bong Revilla, Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Sa Lastikman nakatambal niya si Mark Bautista na siyang bida dito.

MARK BAUTISTA. Naging runner up sa Search for a Star. Nakasama sa cast ng Sarah the Little Princess na si Sarah Geronimo ang bida. Kinuha ng Viva Productions para lumabas sa Lastikman sequel na siya ang bida. Lumabas din sa mga venue na kasama ang ibang nakasali din sa singing contest.

VERNI VARGA. Sa pelikula minsan lumabas siya na katambal si Randy Santiago. Ang role niya ay bilang isang lady detective na ka-team ni Randy sa paghahanap at paglutas sa kasong kanilang hawak. Nakapag-concert din siya sa mga nagdaan panahong sa ilang venue.

STELLA RUIZ. Gumanap sa pelikulang Ganti ng Puso katambal si Gandong Cervantes na isang sexy movie. Naging singer sa isang recording company dahil hindi na acting sa paglabas. Bilang guest sa isang show inalis na niya ang kanyang apelyido sa pagiging manganganta.

HAGIBIS. Isang grupo ng mga manganganta na lumabas sa pelikula. Si Sonny Parsons lamang ang lumabas na solo at naging bida sa mga ginampanang papel. Kumanta din sa mga venue noon sa kumukuha sa kanilang grupo.

RICHARD REYNOSO. Nakaganap sa pelikula bilang second lead kasama si Sharon Cuneta. Sa mga inirecord niya, ang karamihan ay Tagalog love songs. Naggi-guest din siya sa mga television shows.

CELESTE LEGASPI. Sa pelikulang Mamang Sorbetero, katambal niya ang dating Pangulong Joseph Estrada sa ilalim ng Emar Productions. Karamihan sa kinakanta niya ay novelty songs at isa sa mga sikat na kanta ay ang Sarrangola ni Pepe . Nag-perform din siya sa mga venue noon kapag siya ay kinukuhang singer.

DIOMEDES MATURAN. Kung tawagin siya ay Perry Como ng Pilipinas. Matagal ding namayani sa mga kalaban sa pagkanta. Sa grand finals ay napiling kampeon sa mga magagaling kumanta sa pakontes ng Tawag ng Tanghalan. Kinuha para lumabas sa mga pelikulang na ginagawa ng LVN Pictures. Minsan nakasama niya si Nestor de Villa at Nida Blanca sa isang musical film. Siya ay bida sa Botika sa Baryo katambal si Marita Zobel. Kasama rin si Lopito at Patsy sa kanilang mga pagpapatawa. Narito rin ang tatlong featured singer na sina Rufina Esperancilla, Carina Afable at Tres Rosas. Ito ay sa direksyon ni Natoy Catindig.

EDGAR MORTIZ. Naging kampeon sa singing contest ng Student Canteen, siya ay lumabas din sa pelikula. Marami rin pelikula silang ginawa ni Vilma Santos bilang loveteam. Isa na dito ang pelikulang My Pledge of Love na may mga musical numbers din. Ito ay produksyon ng Sampaguita Pictures ng Vera-Perez family.

ROMEO MIRANDA. Isang singer na kumakanta ng mga kundiman songs. Lumabas sa pelikulang Dyesebel katambal si Vilma Santos na siyang bida na gumanap na sirena. Ito ay production ni Dr. Jose Perez ng Sampaguita Pictures.

YOLANDA GUEVARRA. Ang forte niya sa pagkanta ay mga kundiman songs. Nakatambal ni Joseph Estrada sa pelikulang Asiong Salonga ng Larry Santiago Productions. Lumabas pa siya sa ilang pelikula bago nawala sa limelight. Kumakanta din siya noon sa mga cocktail lounge.

NOVO BONO. Isang produkto rin na nag-champion sa grand finals ng Tawag ng Tanghalan. Siya ay taga-Cebu na tumira pasumandali sa Maynila dahil sa paglabas sa pelikula. Palaging nakakasama si Sahlee Quizon sa mga pelikula na katambal niya bilang love team.