Aug 18
TALENTADO KA BA? by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Tue, Aug 18, 2009

From the word talented, ang Talentado ay karaniwang gamit na ngayon sa Tagalog lalo na sa showbiz. At sa word na ito sumakay ang highest rated show ng TV5, ang Talentadong Pinoy na umeere tuwing 7:00 pm ng Sabado.

Hosted by Ryan Agoncillo, ang show ay hango sa America’s Got Talent at Britain’s Got Talent. Dito naman sa atin ay nauna ang Show Ko, Pasiklaban ng Bayan sa QTV-11 noong 2006. Si Ethel Booba ang host nitong weekday show na hango naman sa “30 seconds of fame.”

Sa Talentadong Pinoy, ang bawat contestant ay binibigyan ng 90 seconds (1-1/2 minutes) upang ipakita ang kanilang talento. May tatlong talent scouts na binubuo ng mga celebrities gaya ni Audie Gemora, Amy Perez, Roderick Paulate, Bayani Agbayani at lately ay si Lucy Torres at Wilma Doesnt.

Ang panel of judges ay tinatawag na jury. Sila ay binubuo ng hindi kukulangin sa 10 tao na mula sa iba’t-ibang sector ng lipunan. Ang jury ang nagbibigay ng score at sila ang nagpapasiya kung sino ang mananalo. Hindi man nagbibigay ng score ang mga Talent Scouts pero nakakapagbigay naman sila ng impluwensya sa jury.

Mula sa pagkanta at pagsayaw, Talentadong Pinoy accepts any other talents that is entertaining to the audience. Sa katunayan, karamihan ng mga winners ay yung mga nagpakita ng kakaibang talento.

Mula pito hanggang sampung contestants ang naglalaban sa isang araw. Ang winner sa elimination round ay tatanggap ng P10,000 at ang mga natalo naman ay bibigyan ng consolation prize na P5,000. Sabi nga ni Ryan, “Dito sa Talentadong Pinoy ay walang umuuwing luhaan.”

Ang elimination round winner ay sasagupa sa defending champion. At kung sinuman ang magwagi ay siyang tatanghaling weekly champion na magkakamit ng P50,000 na premyo at muling lalaban (sa elimination round winner) sa susunod na linggo. Ang weekly champion ay limited sa 5 beses lamang. After winning 5 consecutive weeks, ang Talentadong champion ay ilalagay sa Hall of Fame.

Ang Far East Acrobat na binubuo ng isang pamilya – tatay, nanay, 2 anak na lalake at isang anak na babae – ang unang contestant na napasali sa Hall of Fame. After five consecutive wins, nakapagbulsa sila ng P250,000 na premyo.

Ang sumunod na Hall of Famer ay si Wan Lu, isang ventriloquist na gamit ang iba’t-ibang puppet. Intellectual at humorous ang sketches ni Wan Lu kaya hindi siya natalo sa loob ng five weeks sunod-sunod. Si Wan Lu ay father of 8 at ang kanyang ventriloquist act ang livelihood niya. Matapos maging Hall of Famer ay sumali ang isang anak niya na Puppet din ang gamit. Pero hindi pinalad na manalo ang bata.

Ang latest na pumasok sa Hall of Fame ay ang 13-year old na si Joshua Davis. Using the screen name Yoyo Tricker, pinabilib ni Joshua ang audience sa kanyang mga yoyo exhibition. Sa bawat linggo ay iba-ibang routine ang ginawa ni Joshua kaya hindi nagsawa ang audience, ang Talent Scouts at pati na ang jury.

Ang Gutierrez family na bumubuo sa Far East Acrobat ay ilang beses nang nagtanghal sa Taiwan at sa iba’t-ibang parte ng bansa. Si Wan Lu naman ay professional ventriloquist at showman. Para sa gustong umarkila kay Wan Lu for private parties, visit kayo sa kanyang website: www.wanlu.net.

Ang maikling anecdote ni Joshua ay ang dapat na pagsali nila ng kanyang kuya dahil ang kanyang Kuya Bugoy daw ay mas mahusay sa yoyo. Pero namatay sa brain cancer ang kuya niya. At nagkataon namang birthday ng Kuya Bugoy nya nang first time na maging champion si Joshua. Paminsan-minsan ay guest si Wan Lu at Joshua sa iba’t-ibang show ng TV5.

After running for one year since its maiden airing on August 16, 2008, umarangkada ang Talentadong Pinoy sa ratings. Noong June 20, kung kelan nasaksihan ang pagiging champion ni Joshua, ay nakakuha ng 21% audience share ang Talentadong Pinoy. Ang Singing Bee ni Cesar Montano sa ABS-CBN ay nakakuha lamang ng 16% at 15% naman ang natamo ng Are You The Next Big Star ng GMA-7.

Isang milestone ito sa local television. Sa wakas ay natibag na rin ang paghahari ng ABS-CBN at GMA-7 na sana ay mabawasan na rin ang init ng kanilang network war. Sa kabuuan ng primetime noong June 20 ay 4th place ang Talentadong Pinoy na pinangunahan ng Kapuso Mo, Jessica Soho, Followed by Bitoy’s Funniest Videos at ng Imbestigador.

Ang isa pang show ng TV5 na maaaring makapasok sa top spots ng Sunday prime time ay ang Shall We Dance. Hosted by Lucy Torres, maganda na rin ang rating nito lalo na noong naging guest nila si Aling Dionisia Pacquiao.

After June 20 ay consistent na ang rating ng Talentadong Pinoy at dahil siguro sa popularity ni Yoyo Trickster sa internet kaya lalong tumaas ang rating ng Talentadong Pinoy. Lately naman ay sumikat din ang Tribal Dancers na binubuo ng 4 na sexy at magagandang dalaga. Sila ay four weeks nang champion at lalong nagpataas sa rating ng Talentadong Pinoy.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/