Aug 11
NOON TIME TV SHOW by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Tue, Aug 11, 2009

(Last of four parts)

Wowowee. Matapos ang ilang dekada ng pagkabigo sa pakikipagtunggali sa Eat Bulaga ay sumulpot noong February 2005 ang bagong noontime show ng ABS-CBN. Hango sa pangalan ni Willie bilang main hosts, ang objective ng Wowowee ay ang mabigyan ng kasiyahan ang audience sa pamamagitan ng naglalakihang premyo ng mga madali at nakakatuwang palaro.

Ang original co-hosts ni Willie ay si Iya Villania, Janelle Jamer at Kat Alano. Sa hindi inaasahang pangyayari ay isa-isang nag-alisan ang mga co-hosts ni Willie. Ang huling umalis ay si Janelle na nagpunta sa Amerika upang takasan ang intriga na nililigawan daw siya ni Willie.

At present ay dominant naman sa pagiging co-host si Mariel Rodriguez at Valerie Concepcion pati na rin si Pokwang na siyang nagpapasaya sa mga contestants dahil sa kanyang iba-iba at out of this world na headdress.

Karamihan ng mga contestants ay mga masa o yung mahihirap. Ilang beses na ring natawag ang pansin ng Wowowee dahil feel ng ilang (showbiz) writers that the show is exploiting the poverty of the contestants. Lagi kasing nakasentro sa kahirapan ng tao ang mga spiels ng mga hosts.

Ang isa pang irritating sa style ng Wowowee hosts ay ang palungkutin ang audience sa pamamagitan ng malulungkot na kuwentong-buhay ng mga contestants. Katuwiran naman ni Willie na gusto lang nilang maging “touching” ang mga interviews nila at hindi naman daw scripted yun.

In fairness to the show ay punong-puno ng nakakalibang na games ang Wowowee. Nangunguna pa rin ang Pera O Bayong, the most popular segment of game na hango pa sa MTB days. Hindi biro ang jackpot prize na 1 milyon considering na may bonus pang house and lot at brand new car para sa winner.

Hindi rin matatawaran ang mga complexities ng games dahil talaga namang pinag-isipan at ang primary intention ay ang bigyang saya ang audience at syempre lalo na ang winner ng game. Katulad ng Pasalog game, gumagamit sila ng malaking beachball na pinagpapasa-pasahan ng mga audience. Pero kapag hindi na maganda ang review sa kanilang games ay agad namang inihihinto at pinapalitan ng bago.

Marami ang nagtataka kung paano nakayanan ng Wowowee ang competition (against Eat Bulaga) samantalang halos nag-iisa si Willie ngayon. Noong MTB na kasama niya si Randy at John Estrada ay wala silang nagawa.

Hindi lang main host si Willie, lumalabas na tactitian din siya dahil binigyan siya ng free hand ng management para sa kanyang mga creative ideas. Inamin ni Willie na pinag-aaralan niya ang show ng kabalan, iniisip niya kung bakit ito successful at umiisip din siya ng panlaban.

Sa paglipas ng panahon ay lumakas ang appeal ni Willie sa audience. Marahil ay dahil pangkaraniwan na sa kanya ang magbigay ng consideration sa mga tao (contestants) lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan.

Ang isang malaking misfortune ay ang stampede sa ULTRA (Philsports Arena sa Pasig) noong February 4, 2006 kung saan umabot sa 73 katao ang namatay. Ironically, ito ang first anniversary celebration ng Wowowee na ginawa sa ULTRA na pinilihan ng napakaraming tao even the day before pa lang.

Sabi ng ilang witness na may namigay ng ticket pass at yung mga nasa hulihan ng pila ay gustong makiagaw ng ticket. Sa pagkakagulo sa gitna ng pila ay hindi naiwasan ang tulakan at takbuhan na nagresulta sa injury and death ng napakaraming tao.

Personal na pinuntahan ni Willie ang mga stampede victims. Nagbigay din siya ng personal na tulong bukod pa sa tulong na ibinigay ng ABS-CBN. Ang mga victims ay nagsampa ng class suit na hanggang ngayon ay hindi pa natatapos.

Sa loob naman ng studio ay naging controversial ang isang game noong August of 2007 nang magkaroon ng technical problem ang Wilyonaryo segment. Matapos matalo ang contestant ay ipinakita ni Willie kung nasaan ang number 2 na jackpot. Pero lumitaw na ang isang box ay mayroong dalawang numero – zero (0) at two (2). Dapat ay isang numero lang ang nasa box kaya marami ang nagtanong dahil ang insidente ay nakuhanan ng camera ay mayroon pang nag-upload sa youtube.com.

Ang issue ay sinakyan ni Joey De Leon. Inakusahan niyang nanloloko ng tao ang Wowowee sa kanilang mga palaro at papremyo. Sa pagpapalitan ng patutsada ay lumaki ang issue pero eventually ay nagkabati rin si Willie at Joey.

Matapos ang masusing imbestigasyon ng kaso ay nagbigay ng hatol ang DTI (Department of Trade and Industry ) na nagsasabing dapat magbayad ng 290,000 ang ABS-CBN dahil sa kanilang violations sa regulatory provisions ng kanilang promo. Naka-appeal sa kaso ang ABS-CBN.

Sa prize issue naman ay nagreklamo ang winner ng Bigtime Pera O Bayong segment dahil may problema ang kanyang napanalunang house and lot. Inabot ng 7 months bago niya nakita ang napanalunang bahay that supposedly was brand new pero ang bahay ay may nakatira na pala. At ang pangakong “furnishings” ay wala naman. Later on ay na-resolve din ang problemang ito at nag-retract ng reklamo ang nasabing winner.

Ang isa pang controversy sa Wowowee ay ang insidente sa Gokada Go segment. Lumuwag kasi ang costume ng isa sa mga kabataang dancer that showed one of her breasts. Ang tawag nila dito ay wardrobe malfunction. Ang pangyayari ay nagdulot ng 3-day suspension sa Wowowee courtesy of MTRCB.

In relation to this, last year ay may palaro ang Wowowee para sa isang deodorant kung saan itataas ng mga contestants ang kanilang kamay. Sa pagtaas ng kamay ng isang matandang babaeng contestant, one of her breasts was captured by the camera. Ang video ay naka-upload rin sa youtube.com

Sa less than 5 years in existence ay masasabing successful nga ang Wowowee. At very successful na matatawag ang host na si Willie Revillame. In fact, nag-ground breaking na ang planong building ni Willie na itatayo malapit sa ABS-CBN. Nabalita ring binigyan ni Willie ng bahay sa Capitol Hills, Quezon City, ang kanyang anak na si Meryl Soriano (naging asawa ni anak kay Bernard Palanca).

Kapatid ni Maricel Soriano ang unang asawa ni Willie at ang naging pangalawang asawa niya ay si Princess Punzalan na anak ni Helen Vela. After a few years ay naghiwalay din sila ni Princess. Si Liz Almoro, isang dating beauty queen, ang naging third wife ni Willie. Sa Lipa, Batangas idinaos ang civil rites which was officiated by then Mayor Vilma Santos.

Sa pag-akyat ng career ni Willie ay papalubog naman ang kanyang marital relationship. Tuluyan silang naghiwalay ni Liz na umabot pa sa TPO (Temporary Protection Order) na nagsasabing hindi puwedeng lapitan ni Willie ang dating asawa.

As of now ay nangunguna ang Wowowee sa national ratings although ang Eat Bulaga pa rin ang number one sa mega Manila. Maganda ang labanan ng dalawang noontime tv shows at sa paglipas ng panahon ay asahan ang marami pang innovations, controversies at intrigues. Pero mas maganda siguro kung may isa pang noontime show na lilitaw mula sa TV5 o sa RPN-9 para magkaroon naman tayo ng alternative viewing.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/