Aug 04
NOON TIME TV SHOWS by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Tue, Aug 4, 2009

(Third of four parts)

Eat Bulaga. Nag-umpisa noong July 30, 1979 sa RPN-9, walang nag-isip na ang Eat Bulaga ay magiging contender sa noontime variety shows on tv. Masyado kasing established na ang Student Canteen sa katanghaliang tv show.

Hosted by Tito Sotto, Vic Sotto and Joey De Leon, a.k.a. Tito, Vic and Joey, Eat Bulaga is produced by TAPE, the production outfit of Tony Tuviera. The other original hosts is Richie d’ Horsie. Later on ay nadagdag si Chiqui Hollman, a veritable newcomer na medyo amateurish ang dating pero madali namang natuto ng good hosting style.

Veering away from the traditional decent and formal mode of Student Canteen, “kalog”ang description sa mga hosts ng Eat Bulaga. From the original jokes of Joey na sasaluhin naman ni Vic, the trio of Tito, Vic and Joey plus the kakengkuyan ni Richie captured the hearts and minds of the noontime tv audience.

Matapos ang ika-5 taong anniversary ay paminsan-minsang nagiging number one sa ratings ang Eat Bulaga. Sad to say, sa pagsikat ng Eat Bulaga ay siya namang paglubog ni Richie dahil sa involvement niya sa prohibited drugs.

Nang kunin ng Cory government ang RPN-9 ay napilitang lumipat ang Eat Bulaga sa ABS-CBN noong February 1989. Kasama sa paglipat ang iba pang shows na produced ng TAPE gaya ng Agila na pinangunahan ni Val Sotto, Coney Reyes on Camera at Okay Ka, Fairy Ko, ang pinaka-successful sitcom ni Vic Sotto na co-produced by his M-Zet production outfit.

Sa pagkapanalo ni Tito bilang senador ng Pilipinas noong 1992 (siya ang topnotcher) ay napilitan siyang umalis sa Eat Bulaga. Pero paminsan-minsan ay lumalabas pa rin siyang parang guest ng show. Ang unang political position ni Tito ay ang pagiging vice-mayor ng Quezon City.

Taong 1995 nang lumipat ang Eat Bulaga sa GMA-7. Gusto raw kasing bilhin ng ABS-CBN ang rights ng show. Pero nang tumanggi ang TAPE ni Tony Tuviera ay pinaalis ang Eat Bulaga sa ABS-CBN. Kasamang naalis sa Channel 2 ang iba pang TAPE shows gaya ng Valiente at Okay Ka, Fairy Ko.

Bukod kay Tito, Vic and Joey, ang mga iba pang hosts ngayon ng Eat Bulaga ay sina Anjo Yllana, Jimmy Santos, Ruby Rodriguez, Allan K, Toni Rose Gayda, Jose Manalo, Wally Bayola, Ciara Sotto, Julia Clarete, Paolo Ballesteros, Michael V at Keempee De Leon.

For the beauty side, ang mga iba pang so-called “dabarkads” ay sina Pia Guanio, Pauleen Luna, Daiana Menezes, Lougee Basabas, EB Babes at siyempre ang Sexbomb Dancers at ang bagong Kitty Girls. Si Daiana ang spice ng Itaktak mo portion sa kanyang mga nakakatuwang spiel dahil kahit baluktot ay marunong siyang mag-Tagalog.

Ang isang malaking controversy sa Eat Bulaga ay nang mag-boycott ang Sex Bomb Dancers dahil sa favoritism ng main hosts at management kay Sugar Mercado, isang baguhang member ng Sex Bomb. Dahil sa vacancy ay nag-launch ng search ang Eat Bulaga kung saan nila nabuo ang EB Babes. Sa pagkakaayos ng gusot ay alternate sa show ang pag-appear ng EB Babes at Sex Bomb Dancers.

Ang isa ring hindi malilimutang controversy ay ang nangyari kay Mickey Ferriols, isang co-host. Ang manager ni Mickey na si Chit Ramos ay nakasagot sa ABS-CBN para sa paglipat ni Mickey sa MTB. Pero sa pagtanggi ni Mickey sa deal ay kinasuhan siya ng kanyang manager at later on ay napilitang umalis si Mickey sa tv. Yung insidente na yun ang sumira sa career ni Mickey. Before that problem ay malakas ang appeal ni Mickey sa tao at marami ang natutuwa sa team-up nila ni Vic Sotto.

Ang isa pang sumira sa career ay ang pag-alis ni Gladys Guevarra. May ugong na naging problema ang secret relationship niya kay Janno Gibbs, isang occasional host ng Eat Bulaga. Noong una ay health ang reason ng absence ni Gladys at later on ay nagpunta siya ng Amerika, purportedly to heal her broken heart. Ang pag-alis ni Gladys ang sumira sa kanyang career.

Ang isa pang secret relationship ay ang kay Angela Luz, na naging co-host sa Eat Bulaga, at Vic Sotto. Nagkaroon sila ng anak na babae na magaling maglaro ng golf. May rumor na si Tito ang tunay na ama ng bata at ginawa lang cover up si Vic.

Ang isa pang co-host na na-involve kay Vic ay si Christine Jacob, isang dating national swimmer. Nagkaroon pa ng movie si Vic at Christine. Sa paghihiwalay ni Christine at Vic ay lumipat si Christine sa rival show.

Ang pinakamalaking personality na napasikat ng Eat Bulaga ay ang pinakamaliit sa height na si Aiza Seguerra. Hindi man naging grand winner ng Little Miss Philippines, ang 3-year old na bata ay kinuha ng Eat Bulaga para makasama sa kanilang show. Later on ay napunta sa sitcom na Okay Ka, Fairy Ko at nagkaroon ng hindi mabilang na movies kasama ang kanyang benefactor na sina Tito, Vic and Joey.

Sa paglaki ni Aiza ay nakasama niya si Lady Lee, isang batang magaling magsayaw. Sa pagsayaw rin ni Goyong kaya siya naisama sa cast ng Eat Bulaga. Si BJ “Tolits” Forbes naman ay pinasikat sa Bulagaan segment. Discovery si BJ mula sa kanyang Tide commercial.

Ang isa pang malaking pangalan na nanggaling sa Eat Bulaga ay si Toni Gonzaga. Dahil sa talino at galing sa pagsasalita ay hit si Toni sa tv audience. Pero bago pa man siya mabigyan ng malaking break ay na-pirate si Toni ng ABS-CBN.

Si Julia Clarete ang ipinalit kay Toni. Dahil may singing voice na gaya ni Toni, binalak ng TAPE, the show producer, na gawaan ng music album si Julia. Pero bago mai-launch ang album ay umamin si Julia sa kanyang kalagayan – buntis siya. Hindi na naka-take off ang career ni Julia at until now ay simpleng host pa rin ang papel niya.

Nauna kay Toni at Julia si Sherilyn Reyes. Magaling magsalita at mahusay ang sense of humor, papasikat na rin si Sherilyn nang umalis siya sa Eat Bulaga para maging plain housewife sa kanyang second husband. Lately ay bumalik na ulit sa tv si Sherilyn. Moms ang kanyang program sa QTV-11, kasama niyang hosts si Manilyn Reynes at Lani Mercado.

Si Teri Onor na isang impersonator ay pumatok rin sa Eat Bulaga bilang host. In fact, dahil sa kanyang pagkasali sa Eat Bulaga kaya siya sumikat nang husto at nagkaroon ng lakas ng loob na lumahok sa pulitika sa Bataan. Noong 2007 ay nanalong vice-mayor ng Abucay si Teri kaya siya nawala sa show.

Taong 1995 nang pumutok ang pangalang Gracia. Mula sa pagiging simpleng dancer, ang maganda at seksing si Gracia (Samantha Lopez in real life) ay naging sikat na tv personality. Unfortunately, hindi niya nakayanan ang kasikatan at katulad ni Richie ay nalulong sa droga si Gracia kaya permanenteng nawala sa eksena.

Ang Mr. Pogi contest ang pinanggalingan ni Jericho Rosales. Bago pa man maging ABS-CBN talent si Jericho ay nabigyan na siya ng magandang exposure ng Eat Bulaga at pati na rin ng GMA-7.

Syempre, sa Eat Bulaga ipinanganak ang Sex Bomb Dancers na pinangungunahan ni Rochelle at managed by Joy Cancio. Actually si Joey De Leon ang nagbigay ng pangalan sa kanila. Sa ngayon ay producer na rin si Joy ng Daisy Syete, ang afternoon soap featuring the Sexbomb Dancers in different roles.

Ang mga namatay na co-hosts ng Eat Bulaga ay sina Helen Vela, Rio Diaz at ang latest na nawala sa mundo ay si Francis M. Naging madrama ang pagkamatay ni Francis M dahil ilang beses siyang binigyan ng tribute ng Eat Bulaga.

Eat Bulaga is the longest running noontime variety show in history. Ang kanilang 30 years anniversary ay inaabangan sa November 2009. (Itutuloy)

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/