Jul 28
NOON TIME TV SHOWS by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Tue, Jul 28, 2009

(Second of four parts)

Lunch Date. Sa pag-alis ng mga Marcoses sa Malacañang, matapos ang EDSA revolution, ay isinilang ang Lunch Date. Ang hosts ng maiden telecast ay sina Orly Mercado, Rico Puno, Toni Rose Gayda at Chiqui Hollman.

After a year ay nag-iba ng host ang Lunch Date dahil si Orly ay naging senador na. Si Tony Rose lang ang naiwan at ang mga bagong kasamahan niya ay sina Randy Santiago, Lito Pimentel, Pilita Corrales, Tina Revilla, Louie Heredia, Sheryl Cruz, Jon Santos, Dennis Padilla, Fe Delos Reyes, Keno, Atoy Co at Willie Revillame.

Ang segment na Munting Mutya ng Pilipinas ay obviously na ginaya sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga. Pero ang Ulat Panggulat kung saan gumagala si Jon Santos para mag-interview ng kung sinu-sino ay click sa audience. In fact, ito ang nagpasikat kay Jon Santos kaya nagkaroon pa siya ng movie together with Joey De Leon, ang Tangga at Chos.

Dahil sa kasikatan ni Randy Santiago noong panahong yun kaya ang Eat Bulaga sa ABS-CBN ay binigyan ng magandang laban ng Lunch Date sa GMA-7. Pero hindi rin nagtagal at unti-until lumayo sa pangunguna ang Eat Bulaga. Ang huling airing ng Lunch Date ay March 6, 1993.

SST. Salo-Salo Together ang ipinalit ng GMA-7 para itapat sa Eat Bulaga. Ang mga hosts ay sina Randy Santiago, Dennis Padilla, Smokey Manaloto, Liezl Martinez, Anjanette Abayari, Joy Ortega, Willie Revillame at Giselle Sanchez.

Marami ang nagsabi na ang humor ng SST ay bago sa panlasa kaya nag-hit ito sa audience. Kung tutuusin kasi ay halos puro comedians ang mga hosts. Attractive din ang mga giveaways nila gaya ng wall clocks at cash prizes.

Bago lumipas ang isang taon ay nalamangan na ng SST ang Eat Bulaga sa usapang ratings. Dahil sa kasikatan ng show ay naging contract stars pa ng Viva Films sina Dennis, Smokey, Anjanette, Joy at Giselle na nagkasunod-sunod ang mga movies.

At this time din ay umalis sa show si Joy Ortega na pinalitan ni Ai-Ai de las Alas. Pumasok din ang baguhang si Bayani Agbayani at ang beauteous na si Bernadette Alysson na ipinakilalang VJ Berna.

But in spite of the success of SST, nawala sa noontime hour ang show bago sumapit ang 2nd anniversary. Inilipat ang SST sa before 12 noon slot para ipasok ang Eat Bulaga. Being a block timer sa ABS-CBN, nagkaroon ng problema sa contract negotiation kaya napilitang umalis ang Eat Bulaga sa ABS-CBN. It is ironic dahil ang SST na mahigpit na kumpitensya ay naging kakampi pa ng Eat Bulaga.

Sa 10:30 am slot ay nabago ang format ng SST, mula sa noontime variety show ay naging morning talk show na ito. Ang isang host na pumatok ay si Giovanni Calvo, isang university professor at tabloid columnist na siyang may hawak ng segment na Katok Mga Misis. Ang forte ni Kuya Vanni ay mga showbiz news and rumors.

But Calvo’s efforts were not enough for SST. Ang Teysi Ng Tahanan ni Tessie Tomas sa ABS-CBN ay hindi matinag sa ratings. After 6 months ay nawala sa tv ang SST. Pinalitan ito ng Katok Mga Misis, hosted by Giovanni Calvo and Ali Sotto.

Sanglinggo Napo Sila. Hosted by the Apo Hiking Society – Jim Paredes, Danny Javier, Buboy Garovillo – Ang Sanlinggo Napo Sila ay actually the replacement for the noontime slot which was vacated by Eat Bulaga (which moved to GMA-7).

Mula sa successful na Sunday show ng Apo, ang Sa Linggo Napo Sila, musical at parlor games ang focus ng show. Para sa dagdag aliw ay tinambakan din ng host ang show – Bing Loyzaga, Michelle Van Eimeren (dating asawa ni Ogie Alcasid), Agot Isidro, Lara Melissa De Leon (kapatid ni Christopher De Leon), Amy Perez, John Estrada, Rannie Raymundo at Roderick Paulate.

Maganda ang ratings ng Sanlinggo Napo Sila noong umpisa but they couldn’t sustain the pacing set by Eat Bulaga. May nagsasabi na mataas ang antas (quality) ng show kaya hindi nakasabay ang audience na mas gusto ang kabakyaan kaysa sa katalinuhan. Nahinto ang Sanlinggo Napo Sila noong 1998.

Ang ilan sa mga naging co-hosts ng Sanlinggo Napo Sila ay sina Kris Aquino, Gellie De Belen at Manilyn Reynes, Rico Yan at Jon Santos.

Alas Dose Sa Trese. When everyone thought that Eddie Ilarde was already history pagdating sa tv show, isinilang ang Alas Dose Sa Trese noong 1998 sa IBC-13, ang isa sa mga government-acquired tv stations. Kasama ni Eddie bilang host ang mag-inang Boots Anson-Roa at Chiqui Roa-Puno pati na rin si Paco Arespacochaga (dating asawa ni Geneva Cruz).

At bilang paalala sa tao na ito ay hango sa Student Canteen kaya may segment pa itong “Student Canteen Corner.” Pero dahil mahina ang signal ng IBC-13 kaya isang taon lang ang itinagal ng Alas Dose Sa Trese.

MTB. Ang ipinalit sa Sanlinggo Napo Sila ay ang Magandang Tanghali Bayan. Ang mga hosts ay pinangungunahan ng mga hosts ng dating show (Sanlinggo) na sina Roderick Paulate at Amy Perez. Kasama rin si Christine Jacob at ang triumvirate nina Willie Revillame, John Estrada at Randy Santiago.

Ang MTB ay umeere from Monday to Friday only dahil ang Sabado ng tanghali ay hawak ng Apo Hiking sa kanilang Sabado Live, isang musical show. Pero sa pagtaas ng rating ng MTB ay inalis na ang Sabado Live para maging Monday to Saturday na ang airing ng MTB.

Ang ipinagmamalaki ng MTB ay ang segment na Pera O Bayong kung saan namimigay sila ng pinakamalaking premyo na umaabot sa 1 milyon. Ito ang nag-umpisa ng prize war kaya naglalakihan ngayon ang mga prizes sa mga variety shows.

May bahid ng panggagaya ang MTB. Ang kanilang Calendar Girl at Munting Miss U ay halatang kinopya sa mga contests ng Eat Bulaga. Pati ang kanilang mga green jokes ay parang ginaya rin sa Eat Bulaga pero mas garapal ang mga green jokes sa MTB. In fact, nasuspinde ng MTRCB ang hosts ng MTB noong 1999 dahil sa mga offensive green jokes.

Dahil sa mababang ratings noong 2003 ay nagpalit ng format ang show at pati ang pangalan ay ginawang Masayang Tanghali Bayan. Ang tatlong mainstay hosts na sina Willie Revillame, John Estrada at Randy Santiago ay retained, kasama si Ai-Ai delas Alas, Aubrey Miles, Cindy Kurlet at Mickey Ferriols.

Sa creative effort ni Willie kaya napasama si Mahal at Mura sa MTB. As discoverer ni Mura, si Willie rin ang may gusto na gawin siyang babae para huwag bigyang malisya ang tandem nila ni Mahal. Successful naman ang partnership ni Mahal at Mura.

Ang iba pang comedians sa show ay sina Bayani Agbayani, Dennis Padilla, Long Mejia, Bentong Tado at Tado. For beauty naman ay kasama sa hosting chore si Rica Peralejo, Claudine Barretto, Kristine Hermosa, Assunta de Rossi at Angelica Jones.

Nang inaakalang papataas na ang rating ng show ay bigla itong nakaranas ng another reformatting. Exactly after one year ay ginawa itong MTB Ang Saya Saya. Still centered on games and prizes for the audience and home partner, ay muling nabigyan ng magandang kalaban ang Eat Bulaga. For 3 years starting 1999, ay naging number one sa ratings ang MTB Ang Saya Saya.

Ang main hosts ay sina Ai-Ai delas Alas, Edu Manzano, Mickey Ferriols, Angelica Jones at si Arnell Ignacio. Matatandaang galing sa GMA-7 si Arnell where he was pirated by ABS-CBN from his blockbuster show K (a video format contest). Balitang one million per month ang suweldo ni Arnell sa MTB ayon sa kanyang one year contract.

Ang mga comedians ng show ay sina Tado, Bentong, Baby Bunot at ang bagong discovery na si Empoy (nanalo sa comedy contest ng MTB). For the beauty side, kasama sa show ang Viva Hot Babes, si Melissa Ricks at for a time ay nakasama rin si Jasmine Trias, ang American Idol finalist.

Sa MTB nagkakilala si Mickey at Archie Alemania. Later on ay nagkaroon sila ng relasyon at nag-live in na nagbunga ng isang anak although lately ay nababalitang nagkahiwalay na sila.

Dahil sa low ratings at pamamayagpag ng perennial rival Eat Bulaga ng GMA-7, ang MTB ay namaalam sa ere noong February 2005. (Itutuloy)

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/