Jul 07
MJ – MISUNDERSTOOD by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Tue, Jul 7, 2009

May kasabihan na there are two sides to an issue. Sa bawat paratang ay mayroong katuwiran. Ang mga sumusunod ay hindi pagtatanggol kundi mga paglilinaw lamang.

CHANGING LOOKS.

Mula sa kulay itim na balat at negro features ay naging white-skinned si Michael Jackson. Halos lahat ay iisa ang sapantaha na sumalang siya sa cosmetic surgery dahil paano ba naging matangos ang kanyang bulbous nose? At paano naging manipis ang kanyang dating makapal na labi?

Walang kumukuwestiyon sa pagbabago ng buhok ni Michael Jackson na dating kulot ay naging unat. Pangkaraniwan na ngayon ang tinatawag na rebond – ang pag-unat ng kulot na buhok sa mga salon.

Ang pagputi ng balat ni Michael ay dahil daw sa skin disease na vitiligo (pronounced vee-tee-lie-gow). Ang skin disease na ito ang sanhi ng mga patches of white sa balat ng isang tao dahil nawawala na ang ability ng skin na magkaroon ng kulay. Ang de-pigmentation patches sa balat ni Michael ay itinago nila sa make-up. At sa paglala ng sakit ay nagiging puti na ang kulay ng kabuuan ng balat ng taong may vitiligo.

Inamin ni Michael na twice syang dumaan sa cosmetological operation para sa pag-ayos ng kanyang ilong. Ang kanyang dahilan ay para lumuwag ang kanyang paghinga at makatulong sa pagbirit niya ng kanta.

Ang pagnipis ng labi ni Michael ay dulot ng natural na pagbabago gaya ng isang growing up boy. Ganun din ang dahilan kung bakit nag-iba ang kanyang cheekbone at pati ang iba pang features ng kanyang mukha. Sabi pa ni Michael na bukod sa naretokeng ilong ay walang nang kinalaman ang cosmetologist dahil ang iba pang pagbabago sa kanyang mukha ay gawa na ng Diyos.

PATERNITY AT GENDER ISSUE

Marami ang nagtataka kung bakit ang 3 anak ni Michael ay puro puti. Si Deborah Rowe na isang puti ang ina ng 2 oldest children ni Michael na sina Prince Michael at Paris Michael. May gossip na ang tunay na ama ng mga bata ay si Arnold Klein, ang dermatologist ni Michael.

art-09july07-mj-misunderstood-pic.jpg
Paris Michael, Arnold Klein, Prince Michael (pic from bittenandbound.com)

Ayon sa isang biology teacher, ang anak ng isang fair complexioned at black-skinned ay malamang na black-skinned kagaya ni President Barack Obama. Mayroon namang mga pagkakataon na naghahalo ang itim at puti kaya ang anak ay nagiging mulatto. Pero may mga rare cases na ang anak ng mixture na yan ay naging pure white gaya ng mga anak ni Michael Jackson.

Sa statement ni Deborah na hindi consumated ang kanilang almost 3 years of marriage at ang kanyang pagbubuntis ay sanhi ng artificial insemination, hindi naman ibig sabihin na homosexual si Michael.

Ang unang girlfriend ni Michael ay si Tatum O’neal. Naging constant date rin ni Michael si Brooke Shields. Marami pang mga babaeng sumunod pero walang serious commitment si Michael. Ang dahilan kaya hindi siya umaabot sa pakikipag-sex ay dahil masyado siyang mahiyain pagdating sa ganyang usapan.

Sa issue ng pagiging ama ni Michael ay ganito ang rationale. Ang isang taong gustong magka-anak pero walang kakayahang mag-anak ay nag-aampon na lamang. Ngunit ang adopted children ay vulnerable sa intriga samantalang ang biological children ay ligtas sa anumang malisyosong issue.

CHILD MOLESTATION ISSUE

Ang Neverland na pag-aari ni Michael Jackson ay isang malaking lupain na may private carnival sa loob. Dito niya iniimbita ang mga bata na karamihan ay mga indigent children para makapaglibang ng libre.

May mga pagkakataong nagiging kaibigan ni Michael ang mismong mga bata at pati na rin ang magulang kaya hindi natatapos sa tour ang pagkikita. Minsan ay nagiging family friend ni Michael ang pamilya ng mga bata at humahantong sa pagtulog sa bahay ni Michael. May mga pagkakataon rin na hindi lang ilang mga bata ang nakatulog na sa mismong kuwarto ni Michael.

Noong 1993 ay nagsampa ng demanda ang magulang ng isang bata. Minolestiya raw ni Michael at sinamantala ang tiwala ng bata noong matulog ito sa kuwarto ni Michael. Natapos sa amicable settlement ang kaso.

Taong 2000 nang makilala ni Michael ang isang batang cancer victim na si Gavin, may taning na one month to live. Ang wish ni Gavin ay ma-meet si Michael bago siya mamatay. Hindi lang isang meeting ang nangyari dahil pinatira pa ni Michael si Gavin sa kanyang bahay to spend his last days.

Pero isang himala ang nangyari dahil si Gavin ay gumaling, nawala ang kanyang cancer. After 3 years ay may nangyari ulit na himala – nagdemanda si Gavin laban kay Michael ng child molestation.

Acquitted si Michael Jackson sa kaso noong 1993 dahil nag-atras ng demanda ang complainant. Pinawalang-saysay ng korte ang demanda ni Gavin noong 2003 dahil naman sa kakulangan ng ebidensya.

Ang mga paratang ng child molestation ang pinag-ugatan ng further insecurities ni Michael. Malaking psychological drawback ang naging epekto kay Michael kaya lalo siyang naging loner.

CHILDISHNESS

Enjoy si Michael sa piling ng mga bata dahil gusto niyang manatiling bata. Siya na rin ang nagsabi na siya si Peter Pan, ang character na child forever. Ang kanyang main concern ay kung paano libangin ang sarili kapag wala siyang ginagawa kaya kumpleto sa mga laruan ang kanyang bahay.

Yan ang main reason kung bakit napakalakas gumasta ni Michael. Umaabot ng 6 milyon dollars ang kanyang bill sa pagpunta sa department store. Nalilibang daw siya sa pagsa-shopping. Yan din siguro ang dahilan kung bakit napakalaki ng mga utang ni Michael.

At tulad ng isang bata, ang kamatayan ang greatest fear ni Michael. “I wanna live forever,” ang nasabi niya sa controversial interview ni Martin Bashir noong 2003. Para pangalagaan ang kanyang health kaya may sarili siyang nurse, nutritionist at doctor. Nang inatake siya sa puso noong June 25 ay may kasama siyang cardiologist sa bahay.

FAILED FINANCES

Sa dami ng kinitang pera ni Michael ay nakapagtatakang marami siyang utang. Siguro nga ay napalakas ang kanyang gastos pero yun ay dahil na rin sa kanyang generosity lalo na sa mga indigent children.

Sa pagkabaon sa financial problem ay tinulungan siya ng isang Sultan. Pero makalipas ang ilang panahon ay siningil siya nito sa lahat ng naibigay na tulong at pinatubuan pa bilang service charge daw as financial adviser. Ganun din ang ginawa sa kanya ng isang billionaire friend niya, matapos siyang tulungan ay siningil din siya.

Si Joe Louis, Mike Tyson at Rolando Navarette ay mga dating world champion sa boxing na nagkamal ng malaking salapi. Lahat sila ay bumalik sa hirap dahil sa poor financial management. Ganyan din ang nangyari sa maraming lotto winners na bumalik sa paghihirap matapos maging kasapi sa Millionaires’ Club.

Pero sa kaso ni Michael ay obvious namang mga detractors lang ang nagsasabi na pulubi na siya. Sa dami ng kanyang real estate properties at mga income-earning businesses ay lilitaw na mahigit 500 million dollars ang naiwan niya sa kanyang mga tagapagmana – ang kanyang ina at ang kanyang 3 anak na si Prince Michael, Paris Michael at Blanket.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/