Jun 23
WHAT’S IN A SINGER’S NAME by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Tue, Jun 23, 2009

Si Gaynor Hopkins ay isang aspiring Welsh singer na bahagi ng bandang Bobby Wayne and the Dixies nang ma-discover siya ni Roger Bell. Ang screen name niyang Shereen Davis ay pinalitan bago siya pumirma ng contract sa RCA Records.

Ang una niyang recording na Lost In France ay pumasok agad sa Top 10 kaya sinundan na ito ng album release the following year. Ang kasunod na hit niya ay ang More Than A Lover at ang Heaven. Ang recording success ay nauntol dahil sa surgery sa vocal cords niya na nag-uumpisang magkaroon ng mga suspected cancer cells.

Ang operasyon ay naging sanhi para maging “raspy” o medyo malat ang boses niya. At ang malat na boses ang naging dahilan sa malaking tagumpay ng kanta niyang It’s A Heartache at ng worldwide hit na Total Eclipse of the Heart. May mga nagsasabing ang talagang nagbigay ng suwerte ay ang kanyang screen name na Bonnie Tyler.

Isa ring Welsh singer si Sir Thomas John Woodward OBE. Ang kanyang unang recorded song ay ang Chills and Fever noong 1964. Hindi man nag-click ay sinundan pa rin ito ng isa pang kanta. Naging number one song sa UK at US top 10 ang It’s Not Unusual noong 1965. At dahil sa success ng kantang iyun ay nagtamo rin siya ng Grammy Award for Best New Artist.

Ang ilan pang hits niya ay What’s New Pussycat, Help Yourself at Delilah. Pero ang pinaka-successful song niya, in terms of sales, ay ang Green, Green Grass of Home. Locally, ang Sex Bomb ang pinakasikat na kanta lately ni Tom Jones.

Naging kaibigan niya si Elvis Presley matapos silang magtagpo noong 1965. Nagkaroon din siya ngdalawang tv shows, ang This is Tom Jones na tumagal ng dalawang taon sa ABC-TV. Makalipas ang 10 taon ay muli siyang nagkaroon ng tv show, The Tom Jones Show, na tumagal ng isang season of 24 episodes.

A true Latina, si Gloria Maria Fajardo Garcia ay Cuban-born singer na pambato ng Miami Sound Machine. Siya ay nanalo ng pitong Grammy Awards at nakabenta ng 90 million albums sa buong mundo. Ang kanyang first three hits ay Conga, Words Get In The Way at Bad Boy na nagtagal sa US top ten.

Habang nagpo-promote ng kanyang album na Cuts Both Ways noong 1990 sa Scranton, Pennsylvania, ay nabangga ng isang truck ang kanilang tour bus. Inoperahan siya para lagyan ng titanium ang kanyang spinal column. Halos inabot ng isang taon ang rehabilitation bago siya nakabalik sa international tour.

Naging asawa ni Gloria ang band leader nilang si Emilio Estefan at ginamit na niya ang kanyang married name na Gloria Estefan.

Another Latina singer si Selena Quintanilla-Pérez. Mula sa musicality ng kanyang ama kaya siya nahilig sa pagkanta. Sa edad na 12 ay nakagawa na siya ng kanyang unang album recording. Unti-unti ay sumikat ang kanyang mga Latina songs hanggang dinudumog na ang kanyang mga live concerts.

Nanalo siyang Female Vocalist of the Year noong 1987 sa Tejano Music Awards. Dahil dito ay binigyan siya ng EMI ng recording contract. Inabot niya ang peak ng kanyang career noong 1990s lalo na sa mga Spanish-speaking countries.

Nang madiskubre niyang nadispalko ni Yolanda Saldivar ang napakalaking halaga na pag-aari ng kanyang fan club ay tinanggal niya si Yolanda bilang presidente ng fan club niya. At dahil sa argumento ay binaril siya ni Yolanda. Si Selena ay namatay noong 1995 sanhi ng insidenteng iyun. Naging asawa ni Selena si Chris Perez, isa nilang band player.

Si Madonna Louise Ciccone ay isang successful recording artist, dancer, entrepreneur at actress. Ang una niyang recorded album na Everybody ay na-release noong 1982. Pero ang talagang nagpasikat sa kanya ay ang ikalawa niyang album noong 1984, ang worldwide hit na Like A Virgin. Napakalaking hit din ang kanyang musicale na Evita.

Ang unang big exposure niya ay hindi sa recording kundi sa movies noong 1979 sa pelikulang A Certain Sacrifice. Pero hindi ito nai-release agad at nailabas lang kasabay sa pagsikat ng album niyang Like A Virgin. Ang pelikula niyang Desperately Seeking Susan ay isang commercial success sa box office. Co-star niya si Rosanna Arquette.

Habang ginagawa ang promo ng Material Girl noong 1985 ay naging asawa ni Madonna si Sean Penn, isang magaling na actor at Academy Award winner. Matapos ang divorce kay Penn at hindi mabilang na mga relationships ay muling nagpakasal si Madonna, this time kay Guy Ritchie. Ang kasal ay idinaos matapos ipanganak ni Madonna ang anak nila ni Guy na si Rocco. Eventually ay nag-divorce din si Madonna at Guy.

Si Anna Mae Bullock ay isang black singer na pumutok ang pangalan dahil sa kantang Proud Mary noong 1968. Siya ay tinaguriang most successful female rock artist na nakabenta ng 200 million copies sa buong mundo.

Bukod sa mga album ay nag-artista din siya. Siya ang Acid Queen sa pelikulang Tommy. Kasali rin siya sa Sgt. Pepper’s Lonely Hearts Club Band at Last Action Hero. Notable ang papel niya sa Mad Max Beyond Thunderdome.

Naging asawa ni Tina Turner si Ike Turner nang mapasapi siya sa banda na pinangalanan nilang Ike & Tina Turner Revue.

Si Vincent Damon Furnier ay isa sa pinakasikat na male rock artist. Very notable ang kanyang costume at pati ang theme ng mga kanta niya ay naka-focus sa horror. Noong 1975 ay naging worldwide hit ang kanyang album na Welcome To My Nightmare kung saan napapaloob ang kantang Only Women Bleed.

Noong 1972 ay nag-hit ang kanyang School’s Out na nagtagal sa US top ten. Ang sumunod sa blockbuster niyang I Never Cry noong 1976 ay ang dalawang album na Alice Cooper Goes to Hell at Lace and Whiskey.

Naging alcoholic si Alice Cooper at pumasok siya sa New York Sanitarium upang magamot. Sa loob ng pagamutan niya ginawa ang live album na The Alice Cooper Show. Ang kanyang rehabilitation din ang naging inspirasyon sa pagsulat niya ng From The Inside (katulong si Bernie Taupin, ang sikat na collaborator ni Elton John).

Si Cherilyn Sarkisian ang performer na may pinakamaraming uri ng awards na napanalunan – Academy Award, Grammy Award, Emmy Award at tatlong Golden Globe Award plus a People’s Choice Award para sa kanyang mga nagawang kanta, movies at palabas sa TV.

Nanalo siya ng Best Actress sa Academy Awards para sa role niya sa Moonstruck noong 1998. Nagwagi din siya bilang Best Supporting Actress sa pelikulang Silkwood noong 1984.

Siya lang ang solo female artist na nakarating sa Top Ten ng Billboard Hot 100 sa bawat dekada sa loob ng 40 years. Ang kanyang dance single na Believe, na naging best selling single noong 1999, ay bumenta ng mahigit 10 million copies.

Ikinasal siya kay Sonny Bono noong 1964. Ang kanilang duet na Sonny and Cher ang nagbigay ng overnight hit na I Got You Babe noong 1965, kasalukuyang 17 years old pa lamang si Cher.

Sa ating local singers ay isa sa pre-martial law superstar singer si Ignacia Mabugat. Na-discover siya dahil sa kanyang mga impromptu singing sa Papillon Bar (malapit sa Manila Garden Hotel sa Makati).

Kinuha siyang vocalist ng banda ni Bong Peñera na Batucada. Naging popular figure siya sa TV dahil sa kanyang mga jazz style singing. Ang You’ll Always Be My Number One ang kanyang national anthem.

Sa paglipas ng panahon ay nabansagang The Queen of Corporate Shows si Verni Varga dahil ang main focus ng kanyang raket ay mga Corporate appearances.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/